Chapter 24: Ang Nawawalang Prinsesa

1.8K 58 0
                                    

Aira's P.O.V

Kailan pa kaya magigising tong si Cira sigurado akong tuyo na yang lalamunan niya. Two weeks ba naman na wala ng ginawa kundi ang humiga at matulog dito sa clinic. Haays, sana nga gumising na siya para may kukulitan ulit ako. Nakakamiss naman talaga kasi ang pagiging makulit niya lalo na yung pambabara niya pag may dalaw.

Biglang bumukas ang pinto ng clinic pero di ko na pinansin kung sino dahil alam ko naman na isa lang ito sa mga royalties. Saulado ko na yang mga aura ng mga yan, ganyan ko sila ka mahal.

"Hi Cira, kelan pa ka ba gigising ah! Ka sad naman kasi wala na akong kasama mag mall." Bungad ni Monique pagpasok at pagpasok niya sa clinic.

"Hi bae Monique, kumusta ka naman?" Baling ko sa kanya ng nakangiti. Nginitian niya rin ako at nag okay sign lang siya. Umusog ako ng konti para bigyan ng space si Monique na maka-upo din sa gilid ng higaan ni Cira.

"Alam mo ba Cira maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Gulong gulo na nga ako. Ayoko naman na mag assume dahil hindi pa ako sigurado." Sabi ni Monique na parang bulong lang. Napatingala ako ng may narinig akong suminghot. Bigla akong napatayo at na alarma dahil sa pagkita ko ng luhang pumapatak galing sa mga mata ni Monique.

To be honest, mahirap paiyakin yang si Monique. Mahina lang yan pag tiningnan mo pero sa loob, she is one of the most bravest girl na kilala ko.

"Bakit Monique, anong nangyari? May masakit ba sayo o ano, tell me." Nag aalala kong tanong at pumunta sa kanya para yakapin siya. Naramdaman kong mas naiyak siya sa ginawa ko kaya mas yinakap ko pa siya ng mahigpit.

"Shhh, stop crying bae andito lang ako. Handa akong makinig kahit gaano man yan kahaba ang problema mo." I said as I tapped her shoulders and stood up.

"Ate Aira may nakita po kasi akong gumamit ng kapangyarihan na imposible pong mamana ng ibang creatures. And special po itong kapangyarihan ate, very special and rare." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang nanggaling sa mga mata niya.

"Eh, anong problema doon bae monique?" Tanong ko sa kanya. Tumayo siya at pumunta sa may window nitong clinic kaya sinundan ko, baka kasi ano pang magawa niya sa sarili.

"I don't know ate, pag nalaman niyo to maiintindihan niyo rin ang nararamdaman ko ngayon," mahina niyang sabi saka napa buntong hininga.

"Anong ibig mong sabihin bae, sabihin mo sakin dahil handa akong makinig." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Nakita ko kasi siyang ginamit niya ang kapangyarihan ng nawawalang prinsesa." Bumilis ang pagtibok ng puso ko kasabay ng panghihina ng tuhod ko. Pero di ko iyon ipinahalata kay Monique.

"Tell me bae, who is this creature?" Kinakabahan kong tanong. Lumapit siya sa hinihigaan ni Cira at naupo.

"Kilala mo siya ate, kilala natin siya. Kilalang- kilala." Nakangiti niyang sabi at pinunasan ulit ang tumulong luha galing sa mga mata niya.

"Si---" Natigilan siya ng biglang bumukas ang pinto, hindi dahil sa pagbukas kundi dahil sa biglaang pagyakap sa kaniya ni Storm.

"Okay ka na ba? Bakit ka umalis sa kwarto mo ng di nagpapaalam ah." Saad ni Storm. Grabe talaga itong si Storm pagdating kay Monique eh.

"I'm fine, alis na muna kami ni ate Aira may pag-uusapan lang." Nakangiting sabi ni Monique kay Storm at hinaplos ang pisnge neto. 

WAMPO!

Lumabas na ng clinic si Monique kaya sinundan ko na siya. Pumasok kami ng dorm at napag isipan na sa kwarto ko na lang kami mag usap para walang may makarinig.

"Natatandaan mo pa ba ate noong una nating nakita si Cira?" Tanong niya sa akin. Tinanguan ko siya at nag sign na ipagpatuloy niya lang. Bakit ba, interesado talaga ako eh.

"Nung time na yun may nakita akong umilaw sa kaniya at doon ko nakita ang kwentas na parehas kay Cyra ngunit magkaiba lang ng pendant, Ate. Ang kay Cyra parang buwan siya habang ang kay Cira naman is yung sun." Oo nga nakita ko yun pero binalewala ko na lang din dahil sobrang imposible.

"Then nung pumunta tayo sa training room, natandaan mo ba yung sinabi sa atin ng mga magulang natin na walang may nakakahawak ng weapons na pagmamayari ng isang royalty dahil pag nahawakan nila ito, posibleng ma curse sila. Pero nagbago ang paniniwala ko nung hinawakan ni Cira ang bow ng nawawalang prinsesa. Tandang tanda ko pa nga na sobrang nagalit si Cyra dahil dun eh." Bakit ba palagi kong nakakalimutan ang mga sinasabi sa akin ng mga magulang ko.

"Oo nga eh nakakapagtaka nga na nagagawa niya lahat ng posibleng makakapahamak sa buhay niya lalo na yung gawain ng isang royalty na di magawa gawa ng ibang creatures," sabi ko at napabuntong hininga na lamang.

"Then nung araw na nakuha siya ng mga Darkesians, sinundan ko sila noon--"

"Eh bakit mo ba kasi sila sinundan yan tuloy napa--"

"Ate naman shut up muna okay, ako lang muna ang magsasalita." Sabi niya at napakamot pa sa kanyang ulo.

"So ayun nga, sinundan ko sila noon. Grabe ang pagsampal noon ni Amythest sa kaniya. At nung nakatulog na siya lumabas na ako sa pinagtataguan ko kaya lang nakita ako ni Amythest. Pero di ko na ikukwento sayo ang nangyari ate dahil naikwento ko na rin naman sa inyo. Pero mas nanghina ako nung nakita ko si Cira, galit na galit papunta kay Amythest. Hindi ko makakalimutan yung Cira na nakita ko nun. Malalaking hakbang, mabibigat na paghinga, at yung mata niya talaga ate, di mo talaga siya makikilala at di mo aakalain na si Cira yun. Ate, nakita ko po yung kapangyarihan niya, nakakatakot. Hindi ako sigurado pero parang si Cira siya na kambal ni Cyra eh. Parang siya yung nawawalang prinsesa na kinukwento sa atin nina Haring Leo. Siya na siya talaga ate lalo na yung pagdescribe ni Reyna Luna kung paano siya magalit noon?

Bigla kong naramdaman ang pagtulo ng likido galing sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan na lumabas.

"Pero kung siya nga ang nawawalang prinsesa ate, kelangan natin siyang protektahan. Dahil sigurado akong pag nalaman na ito ng mga kalaban, kukunin lang sila pareho ni Cyra para makuha ang kapangyarihan nilang mag kambal." Seryoso niyang sabi.

Hindi ko na hahayaang may mawala na naman. I will do everything para protektahan ang kambal.


="="="="="=

Friends should always be there for each other,

through HAPPY times,

and even in TROUBLES.

="="="="="=

The Supernatural TwinsWhere stories live. Discover now