Chapter 29: Mirror

1.6K 46 1
                                    

Cira's P.O.V

Kanina pa ako gising pero nanatili pa din akong nakapikit. Kahit na gustong gusto ko ng makausap ang dalawa para man lang makahingi ng tawad sa bigla biglang pag-iwan ko sa kanila.

'Di ko alam kung anong mararamdaman ko ng marinig ko silang nagisisigawan.

Pero dahil sa pangangalay, nagalaw ko ang aking kanang kamay.

Naramdaman kong napatayo silang lahat sa pag sigaw ni Cira.

Dahan- dahan kong iminulat ang aking mga mata, yayakap na sana si Cyra ng may nauna na sa kaniyang gawin iyon.

"Hmm-- di ako makahinga,"

Nakita kong tinulak ng mahina ni Cyra si Hayden tsaka niya ibinigay sakin ang hawak niyang tubig, kinuha ko iyon tsaka ininom-- alangan naman na titigan ko lang di'ba.

"Sorry," mahinang sabi ni Hayden.

Napatingin ako sa kaniya ng may naguguluhang tingin.

"Ah kasi muntik na kitang mapatay kanina."

Pfft, akala ko naman kung ano na.

"Okay lang yun, ang higpit mo kasing yumakap. Na-miss mo 'ko no!?" taas- babang kilay kong tanong.

"Oo, sobra kitang na miss." Sabi neto ng nakangiti.

Woah, didn't see that coming.

"Wooooh, tayo na't mag celebrate!"

Napabaling ang tingin ko sa biglang sumigaw. Pft, si Jill, loko-loko talaga 'to.

"Kamusta pakiramdam mo, Cira?" Tanong ni Monique.

"Okay lang naman ako, Monique." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Uhm guys favor, please."

"Ano yun Cira?" Nag aalalang tanong ni Aira.

"Tulungan niyo 'kong bumangon." Mahina kong sabi.

"Eh baka di ka pa okay." Sabi ni Blaze.

"Di talaga ako magiging okay pag di pa ako makakain, parang awa niyo na gutom na gutom na ako." Pagmamakaawa ko sa kanila, kaya ayun nga tinulongan ako ni Cyra at Hayden ngunit bigla din namam nila ako binaba.

Putspa ang sakit ng ulo ko, meyghad!

"Aray ko naman, balak niyo ba akong patayin!?" Sigaw ko tsaka sila pinatirikan ng mata.

"OMG!"

Grabe naman 'tong si Aira makapag react, parang may nakitang multo lang eh.

"Aah-- anong problema?" Kinakabahan kong tanong, eh kasi naman sino ba ang hindi kakabahan kong lahat sila nakatingin sa'yo tas parehas pang nanlalaki ang mga mata.

"Oh eto, salamin." Bulong ni Monique saka binigay sakin ang salamin.

Naalala ko na naman ang nangyari sakin sa mundo ng guardian ko pagka kita ko ng salamin, kung saan ulit nabuo ang mga ala-ala kong nawala.

Dahan-dahan kong tiningnan ang sarili ko sa salamin pero bago ko yun ginawa tiningnan ko muna sila isa-isa.

Nang makita ko ang aking mukha sa salamin biglang lumaki ang aking mata. Alam kong mangyayari 'to kasi nasabi at napaliwanag na sakin lahat ng guradian ko.

Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang dati kong grayish blonde na buhok ay may mga maliliit na strands ng kumikislap na kulay pink, tas yung mata ko naman ay mas kumintad pa lalo.

"Nagamit mo na ba ang kapangyarihan mo, Cira?" Tanong ni Blaze.

Napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Oo, pero saka na 'to gutom na talaga ako eh." Natatawa kong sabi.

"Pft, basta sa pagkain talaga eh pero di naman lumalaki." Natatawang bulong ni Hayden sa hangin, pero kung sa tingin niya eh di ko yun narinig then, nagkakamali siya.

"Wow, hiyang hiya naman ako sayo, Mr. Flame boy!" Sigaw ko sa kaniya.

Nagtawanan lang sila hanggang sa makarating na kami sa cafeteria.

Goodness! Feeling ko mga months na akong di nakakakain.

Sa mundo kasi ni guradian fairy, di ka dun makakaramdam ng gutom eh, share ko lang walang may pake.

Habang kumakain ng paborito kong pizzanrollian at smoothiella napabaling ang tingin ko sa dalawang babaeng kakarating lang.

Kahit na gustong gusto ko silang puntahan at humingi ng tawad di ko yun magawa dahil natatakot ako.

Sana dadating ang araw na mapatawad nila ako at ma realize din nila ang mga nagawa nilang mali.


="="="="="=

We all have

MAGIC within us.
="="="="="=

The Supernatural TwinsWhere stories live. Discover now