“Joke lang, sorry na,” Diane said as she pouted her lips.
“Alam mo, mabuti pa'y umuwi na lang tayo. Hanap tayo ng place kung saan puwede tayong magbakasyon. Daliii!” Iris changes the topic.
Basta talaga galaan, updated at excited, tss. Well, exciting naman talaga pero bawal ako. Nandito ako para magtrabaho, hindi mag-bakasyon.
“You know, I can't. I have works to do. Mapagalitan pa ako ni Mr. Fortalejo,” I said.
“Ano ba, si dad na mismo ang nagsabi na may two-week vacation tayo kaya carry na!”
“Eh, paano 'yung meeting ko bukas with the investor?”
Hindi puwedeng hindi ko ma-close ang deal doon. Importanteng tao raw 'yon. Teka, investor? Parang wala namang nabanggit sa akin about what it is and who would it be.
“Ah, yes, after daw pala ng meeting mo kay Mr. Mondragon, okay na.” What?!
“Mondragon?!” I shouted.
“Oh, bakit parang gulat na gulat ka? Problema mo?” tanong ni Diane.
Fuck! Wrong words, Martina. Baka makahalata sila!
“Wala, wala! He maybe just have the same surname as someone I know — we know. Jac! Yes, Jac, he is a Mondragon, isn't he?” I persuaded.
Yeah, tama. Kapareho lang niya ng surname si Jac. Haha, hindi lang naman siya ang Mondragon sa mundo, ano? Tsk, tsk!
“Ah.”
“You're right.”
“Leggo! Diane sa kotse ka na ni Martina sumakay, baka mag-suicide 'yan nang hindi man lang natin nalalaman,” my precious sister, Iris suggests.
“Hindi na, may daraanan pa ako, saka okay lang ako, ano ba,” I chuckled.
“Sure?” Diane asked and I nod. “Okay, bye, Tin! 'Wag kang magpakamatay, huh?”
“Whatever, Diane, and don't Tin me,” she laugh to what I've said before we drove off the road.
Babalikan ko pa 'yung mga gamit ko sa hotel kung saan kami nag-check-in ni Matthew. Sana wala siya roon. Bakit kasi hindi ka na lang sa hotel niyo dumiretso noong umpisa pa lang eh. Hindi ko siya puwedeng dalhin doon. Malaman pa ng gang, may mapagtri-tripan na naman sila.
Medyo madilim na rin nang makarating ako. Sana lang talaga ay wala pa siya. Sa totoo lang ay kinakabahan at nanginginig ako habang tina-type ang password sa panel ng pinto. Shit, nanginginig ako. 'Wag ganon.
Natapos ko naman ito, pero hindi ko pa nae-enter ay bumukas na ang pinto. Galing!
“Finally,” hila niya sa akin papasok ng suite. “Saan ka ba galing? It's getting late. Buti walang nangyari sa'yo,” sabi niya habang nasa hips ko ang mga kamay niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napakurap na lang ako ng dalawang beses.
“Ah....”
He smile, “Kumain ka na ba? I prepared baked mac and I won't let you ignore it.”
I sigh.
Tatanggi pa sana ako pero hayaan na. Aalis na rin naman ako eh, parang nakokonsensiya tuloy ako.
“Gawa mo?” I asked as he pulled out a chair for me.
“Yeah, you look amazed, huh?” natatawa niyang tanong habang umuupo sa tabi ko.
'Di ko siya pinansin at kinain na lang ang hinanda niya. In fairness, sobrang sarap. Nakaka-turn on kaya ang mga lalaking marunong magluto.
“Wala kasi sa hitsura.”
“Hindi na ba puwedeng magluto ang gwapo?” he kidded and I rolled my eyes. “How is it? Delicious, right?”
“Hindi, ang pangit ng lasa,” I said coldly and took a big bite. I heard him chuckle.
“Sus! Aminin mo na lang kasi na nagustuhan mo. Oh, ayaw mo ngang tigilan, may cream ka pa sa lips. Dilaan ko kaya 'yan.”
I acted like I will hit him with the spoon.
“Just kidding, babe,” he laughed as he wiped it off my face with his thumb.
Obvious naman kasi, itatanong pa, pero in fairness naman talaga, ang thoughtful niya. Kalungkot.
“Sweet mo naman. Kumain ka na nga lang din, harot mo eh.” Sumubo ulit ako nang marami.
Lumapit siya at bumulong, “Turned on?” And he caress my legs up to my thigh.
“Ehem! Ehem!” I almost choke when I felt those gastrointestinal butterflies played inside my stomach.
Nasamid tuloy ako! Ang init kasi ng hininga niya eh. Tapos 'yung kamay pa niya, bwisit! Ang harot mo, Mondragon! 'Yan tuloy.
“Here,” inabot niya 'yung isang baso ng tubig.
Taray naman, ang bilis. Nakailang point ka na? Teka, point ba saan? Sa panghihipo?
“Ang maniac mo talaga!” He just laughed out loud.
أنت تقرأ
Escaping Strings
عاطفية= Tempted Series 1 = No strings attach, But you happen to change it. All the strings attach, I don't think I can handle it. Martina Fortalejo's story from Tempted Series. Note: Be open minded. Remember, Plagiarism is a Crime. © March 11, 2018 - July...
Chapter 8: Last
ابدأ من البداية
