CHAPTER 11 - THE SINGING CONTEST

Start from the beginning
                                    

"Bilisan niyong dalawa." Sabi ni Angel habang naglalagay ng make up.

Maya-maya ay natapos na si Jerra kaya sumunod na ko sa banyo. Mabilis lang naman ako maligo so ilang minuto lang ay lumabas na rin ako at tsaka nagbihis.

Habang nagbibihis ay sinabihan ko na si Jerra na magbook na ng masasakyan namin papuntang mall.

Nang handa na kaming tatlo ay napagpasyahan naming umalis na ng dorm. Ako na ang naglock ng pintuan ng dorm and then lumarga na nga kami.

Pagbaba namin ay wala pa roon ang sasakyang binook ni Jerra.

"Antagal naman ng pinabook mo Jerra." Reklamo ni Angel.

"Oo nga eh. Mga 30 minutes pa."

"Ha? Antagal naman. Mag-abang nalang tayo ng taxi sa labas ng university."

"Wag na hintayin nalang naten. At tsaka ang init-init oh! Tapos mga isang kilometro mahigit ang lalakarin natin para makapunta sa main highway. Gusto mong mamatay sa heatstroke?"

"Antagal naman kasi nyan eh."

"Ano ba? Ba't hindi ka mapakali. Para kang natatae na ewan? Just chill girl!" Pagpapakalma ni Jerra sa kanya.

"Ah, bahala kayo dyan. Mag aabang nalang ako ng taxi!"

Busina ng kotse kaya naman napatigil si Angel nang akma na siyang maglalakad paalis.

"Oh andito na pala eh." Wika ko naman.

"Ikaw na ang mauna mahal na reyna." Usal ni Jerra sa kanina pang nagmamadali na si Angel.

Sinuklian lang ni Angel si Jerra ng isang irap sabay sumakay sa backseat. Tinabihan ni Angel si Jerra nang makaupo na ito, habang ako naman umupo sa front seat katabi ng driver.

"Ano bang bibilhin naten sa mall, girl?" Bungad na tanong ko.

"Alam niyo yung balloons na hugis letters?"

"What about that?"

"Para sa singing contest ni Ji Hyung mamaya. Para ma-notice niya tayo at macheer natin siya."

"Taray naman. Ang effort naman. Hindi ka naman halata niyan no?" Pakikisawsaw ni Jerra sa usapan.

"Halata? There you are again with your meanings. It's just friendly love wala ng kung ano pa." Sagot naman ni Angel.

"Sus! Friend my ass! Doon na rin ang punta non!" Kantyaw muli ni Jerra.

Umirap lang si Angel pabalik. Natatawa na lang ako sa kanila. Since highschool kasi gan'to na ang friendship naming tatlo, ang hilig sa bugawan at asaran. Haha!

Natahimik na lang kami muli sa loob ng sasakyan hanggang sa tuluyan na nga kaming makarating sa mall. At para wala ng away ang maganap sa dalawang bruha ay ako na ang nag-volunteer na magbayad ng sinakyan namin.

Pinauna ko na silang dalawa na lumakad papasok ng mall at nang mabayaran ko na ang sasakyan ay sumunod na rin ako sa kanila.

"ARAY!" Sigaw ni Jerra nang bigla itong mauntog sa glass door ng entrance ng mall.

Humagalpak kami ni Angel sa kakatawa kay Jerra. Pero syempre tumakbo agad kami sa kanya dahil napaupo ito nang mauntog.

Hinimas namin at hinilot-hilot ang parte ng noo niya na nauntog. Pero hindi parin namin mapigilan ang tawa.

"Girl, lasing ka ba? " Sabi ko habang tawa pa rin ng tawa.

"Kung saan-saan ka kasi nakatingin e." Natatawang wika ni Angel.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now