Epilogue

206 11 0
                                    

Celeste's POV

"Good morning."

"Hmm?" nawala ang antok ko nang makita ang mga ulam sa harapan ko. "A-Ano 'to?"

Natawa si Dad at kumuha ng diyaryo. "Ang laki ng eyebags mo! Natutulog ka pa ba?"

Napairap ako at kinuha ang cellphone ko. "Kagabi lang, Dad." sarkastikong sagot ko. "Kailan ka pa po nakabalik?"

"Kaninang madaling araw. Nakita kitang natutulog sa lamesa kaya nilipat kita sa kuwarto mo. Ngayon ko na lang din nalaman na gumaan ka. Pinapabayaan mo na ba ang sarili mo?" sunod-sunod niyang sabi.

Napahawak ako sa aking ulo. "I just.. studied?"

Teka.. nag-aral ba ako kahapon?

"Nag-aral daw? Baka nanood ka lang ng k-drama!" hindi ko alam kung binibiro niya ako ngunit halatang natatawa siya sa sinabi niya.

Hindi ako makasagot.

Ano nga ba ang ginawa ko kahapon?

"Bakit hindi na bumibisita si Adonis at si Lucas?"

Adonis? Lucas?

"Hoyy! Okay ka lang?" natatawa ngunit nag-aalalang tanong saakin ni Dad.

Mabilis akong sumulyap sa kalendaryo. "Anong.. petsa na?"

"Petsa.. ah! Exam mo pala ngayon?"

Exam?!

"Hala sh-"

"Watch your mouth, Celeste."

Watch your mouth?!

Gulat akong napatingin kay Dad. "I-I'm sorry."

I never understand nostalgia but..

Why does it feel so strange?

"Oo nga pala.. inayos ko na ang gamit mo pati ang kuwarto mo. Parang hindi kuwarto ng isang babae! Tingnan mo ang kuwarto ko, wala ka man lang makikitang dumi!" singhal ni Dad.

Natawa ako at umiling. "Gano'n kasipag anak mo!"

"Tch. Aalis ako ngayon at i-rerepair ko muna yung bike mo. Daming hangin na nawala sa gulong. Saan ka ba pumupunta?" nagtataka niyang tanong.

"Ano?"

Bike? Kailan ako nag-bike?

"Eto.." umuwang ang labi ko nang bigyan niya ako ng limang daan. "Bumili ka na lang ng pagkain pagkatapos ng exam."

"T-Thanks, Dad.."

Nang makaalis siya ay hindi ko maiwasan mapahawak sa study table ko.

Fuck.. something is wrong..

Ring! Ring!

Tumaas ang balahibo ko nang marinig ang tunog ng cellphone ko.

Napakagat ako sa aking labi bago ko sinagot ang tawag. "S-Sino 'to?"

"Can you go to school today?"

"H-Ha.. H-Hans?!"

Sparks OutWhere stories live. Discover now