✨ 5

303 10 0
                                    

Celeste's POV

Hindi ko pinansin o tinapunan man lang ng tingin si Alineth. She keeps following me.

"Frieeeend? Galit ka sa akon?" para siyang tuta na nanghihingi ng pagkain. "Frie—"

Inayos ko ang bag ko na nasa likod. "Umuwi ka na.."

Lumungkot ang mukha niya "Ayaw!"

Bumuntong hininga ako. "Bahala ka nga sa buhay mo!"

Mas binilisan ko ang lakad ko at laking gulat ko nang makita si Hans na kasama ang isang babae. Nagtatawanan silang dalawa habang kumakain ng.. lugaw?

"Ate Celeste.."

Parehas kaming nagulat sa nakita namin. Tinalikuran ko na lang sila at dumaan sa ibang daan.

Fuck, a manloloko will always be a manloloko, Celeste.

"Ate Celestee!"

Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan muli ang luha ko.

Nagulat na lang ako nang makitang sumulpot si Lucien sa harapan ko. Dumaan ako sa mismong kaluluwa niya kaya pati siya ay nagulat.

"Hey? Hello? Wooho—"

Tumakbo ako nang sobrang bilis hanggang sa may naramdaman na lang ako na biglang humampas sa ulo ko!

"S-Sir.. my friends are the suspect."

"Mga kaibigan mo?"

"O-Opo, they are envious of Ate Celeste because.. s-she's my friend. I-I also think that.. they are jealous of her.. they think na inaagaw niya ako sa kanila."

'Wow..'

Inimulat ko ang mata ko. The light flashed into my eyes. Pumikit ako at muling idinilat ang mata ko. It's still blurry pero medyo nakakakita na ako.

Naagaw ko agad ang atensyon ng tatlong tao na nasa loob ng kuwarto. Agad akong niyakap ni Alineth habang si Lucien naman ay nakaupo lang sa upuan at nakatitig lang sa akin.

"Kailangan muna niya manatili sa hospital ng isang araw. We have to check her until then para bukas maari na siyang umuwi." paliwanag ng Doctor at tumango si Alineth.

Pagkaalis ng doctor ay biglang binigyan niya agad ako ng mga pagkain. May Jollibee, McDo, Mang Inasal at iba pa!

"A-Anong gagawin ko diyan?" nag-aalinlangan kong tanong sa kanya dahil nakangisi na siya sa akin na parang ako na ang susunod na magiging pagkain.

"Kainin mo, alangan naman po na ang pagkain ang kumain sayo?" nakangusong biro ni Alineth na mukhang tinatago ang nerbyos at binigyan ako ng tubig.

Hindi ako natawa. Sinamaan ko ng tingin si Lucien na ngayon ay humahalaklak.

"Are you okay? May nararamdaman ka pa bang sakit? Nausea? Or anything else?" nanginginig niyang inabot sa akon ang iba't ibang mga klaseng gamot.

"I-I'm fine.." nahihiyang kong sagot sa kaniya.

Napatungo siya. "S-Sorry! I-I can explain.."

Napabuntong-hininga ako. "Narinig ko na kanina ang nangyari."

Umuwang ang labi niya. "I-I'm sorry! K-Kung hindi lang ako lumapit sa'yo.. edi sana hindi ka nadadamay sa kamalasan ng buhay ko! P-Puwede akong lumayo kung gugustuhin mo.."

Napabuntong-hininga uli ako. "It's not about bad luck. It's about their attitude. Wala kang kasalanan sa nangyari. Wala na rin akong balak na kasuhan sila pero balak ko silang turuan ng leksyon para hindi na 'to maulit muli."

Sparks OutWhere stories live. Discover now