✨ 6

295 10 0
                                    

Celeste's POV

Inayos ko ang mga libro ko sa locker. Isang linggo na ang nagdaan at nagsimba uli ako. Walang nagbabago sa kilos namin ni Lucien.

Nagkaroon na rin ako ng mga bagong kaibigan. Naging masayahin din ako noong mga nakaraang araw. I don't know why.

"CELESTEEE!"

Niyakap ako ni Lauren. She's a bit boyish at nagpatulong siya saakin upang maging malapit kay Alineth. Nalaman ko nga na sinabi ni Lauren 'tong nararamdaman niya kay Alineth. Sa sobrang bait naman ni Alineth ay ayaw niyang saktan ang damdamin ni Lauren. Diniretso niya si Lauren na hanggang kaibigan lang talaga sila, but still walang nagbago sa pagkakaibigan namin.

"You know what? Mukhang sayo naman ako nagkakagusto.."

"May crush ako noh!" Mahina akong tumawa at sinapak siya "Are you kidding me?"

Nanlaki ang mata niya "Crush?! CRUSH?! May crush ka?! Bakit hindi ko alam?"

Mahina akong napamura "C-Crush.."

Humalakhak siya "Hays.. nagdadalaga na ang kaibigan ko!" siniko ko naman siya nang makita namin s Hans na nakatingin saamin, He's with a friend at himala wala siyang kasamang babae "Don't tell me si Hans pa rin ang crush mo?"

Mas lalo akong namula "H-Hindi ah!"

"Sino nga?"

'Shit!'

Napalingon ako sa paligid.

"S-Si Lucien.."

Medyo kumunot ang noo niya "Lucien?"

"A-Ah.. L-Lucien! H-He's my secret crush since grade 1" sorry Lucien! I'm sorry! I'm sorry!

"Ayieeeeee hahahaahahahaaha!" siniko ko uli siya! "What?!"

"B-Baka may makarinig sayo!"

"Ano naman? You already broke up with him a week ago, right?"

'Arrrrrgh!'

"Huwag ka nga maingay!" huhuhu!

Nagulat ako nang makita si Lucien sa likod niya. He already wore his evil smile. Damn it? Narinig ba niya yung sinabi ko kanina?

"I didn't know that you like me?" nakangisi niyang tanong.

Hindi ko siya pinansin at tumakbo papunta sa auditorium. May play kami ngayon at kung minalas nga naman ay nakakuha pa ako ng main role.

"Sino dito si Princess Sofia?"

Tumaas ako ng kamay.

Inilahad niya saakin ang dress na kulay purple. Napakagat ako sa aking labi nang makitang sobrang ikli nito!

Mabilis kong hinubad ang uniform ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang nawala ang kulay dress ko! Sumilip ako sa labas at nakahinga ng maluwag na makita itong nasa sahig.

Hinila ko ito papunta saakin at sinuot pero parang may humihigit! Mas hinila ko at laking gulat ko na kumawala ito kaya humagis ang buong katawan ko papunta sa pader.

"Oh! Hindi kita nakita!" nagpapanic na sabi ni Lucien at sinamaan ko siya ng tingin.

"Why are you inside the woman's dressroom?!" naiiritang tanong ko sa kanya at napayuko siya.

Sinuot ko ang anklet na ibinigay saakin "Hindi ko rin alam kung bakit ako napunta dito.. maybe because.."

I smirked "Is it because I am here? Nahagilap agad ako ng radar mo?"

Sparks OutWhere stories live. Discover now