Chapter 3: Angel Tears

388 12 0
                                    

Celeste's POV

"Are you the kind of girl who forgives easily?"

Napataas ang kilay ko sa tanong niya "Why?"

"Naiinis ako dahil alam mo naman siguro na niloko ka na ng lalaki na iyon noh?"

Mas lalong napataas ang kilay ko "So ano ang gusto mong gawin ko?" he gritted his teeth "What are you trying to say?"

"Huwag ka magpaloko sa taong niloko ka na.."

Ngumisi ako "I thought you won't meddle in my social life especially my love life?"

Napahawak siya sa noo "Alright.. concern lang ako sayo.."

I'm not ignorant, Ghost!

"You like me?" diretsong tanong ko sa kanya.

"I just don't want to see anyone hurting.." mahinang sabi niya at iniwas ang kanyang tingin.

Kaya ang nangyari.. hindi kami nagpansinan!

***

Wala yata akong ginawa buong hapon sa school!

Tiningnan ko si Lucien na walang pakialam sa tabi ko "Are you for real?" lumingon siya saakin na tummas ang kilay "Sagutin mo nga ako. Nagtatampo ka ba?" ginamit ko ang kapal ng mukha ko.

He did not react at all! "Ano naman ang ginawa mo para magtampo ako sayo?"

"Diba ikaw dapat ang sumagot niyan?" nakangisi kong tanong sa kanya.

He stared at me and immediately looked away. Parang nawalan uli siya ng pakialam.

"What's your new years resolutions?" tanong niya.

Tumayo ako at hinanap yung notebook na sinulatan ko noong new year.

1) Move on kay Hans
2) Meet true people
3) Go to church every sunday
4) Be genuinely happy
5)

"I wrote that, pero mukhang hindi ko na iyan matutupad.." sabi ko at kumain ng yema na ginawa ng kapitbahay.

He smirked "Nagsusulat ka ng mga pangako na hindi mo naman tutuparin? So what's the point of writing that?" may bahid na inis ang tono ng boses niya "Pero unahin muna natin yung pang-apat na sinulat mo.."

"Busy ako sa sunday.."

"Ilang beses ka nagsisimba sa isang buwan?"

Napaisip ako. Mga dalawa o isang beses lang yata?

"Base sa reaksyon mo.. mukhang hindi ka masyadong nagsisimba?" natatawa niyang sambit "Sa darating na linggo.."

Nakatuon lang ang mukha niya sa bawat reaksyon ko.

"Alam mo ba? Busy ako." paliwanag ko sa kanya habang kumakain siya ng tinapay "Nagtuturo ako sa kindergarten ng mga hapon tapos kakausapin pa ako ng principal para malaman ang report ko about sa school. Do you think may o—"

"Pupunta tayo ng simbahan sa umaga.." mariin niyang sabi. Busy nga ako sabi!

Napatingin tuloy ako sa kalendaryo. Oh.. linggo na pala sa isang araw.

'Ting!'

Napatingin agad ako sa cellphone ko. Oh my God!

Hans : Are you free this Sunday?

Excited akong tumingin kay Lucien na ngayon ay masama na ang tingin saakin. Napanguso tuloy ako at binaling ang tingin ko sa cellphone.

Sparks OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon