✨ 18

179 9 0
                                    

Celeste's POV

Napakagat ako sa daliri nang buksan ni Adonis ang malaking pinto sa harap namin. Napalunok ako saka naglakad papunta sa likod nilang dalawa.

"You're shy?" natatawang bulong ni Lucas at hinawakan ang kamay ko. "Chill, we won't leave you."

Lumantad saamin ang napakaraming guest ng nanay ni Hans. Karamihan sa kanila ay mga politiko at mga kilalang tao sa industriya ng pera. Ang iba ay kilala ko na rin dahil sa pagpunta ko rito kada kaarawan ni Tita.

"Find a table, Adonis." utos ni Lucas.

"At bakit ako?"

"Mas malaki ang mata mo saakin."

"Tch."

Sumunod si Adonis habang hindi naman ni Lucas binibitawan ang kamay ko habang hinahawi ang mga tao sa dumadaan sa harap niya. Napatingin ako sa babaeng naka kulay pulang long dress na mukhang sinusundan si Lucas.

"Watch out!

'Splash!'

Tinulak agad ako papalayo ni Lucas nang aksidente siyang mabangga ang babaeng sumusunod saamin. Natapon tuloy ang wine sa pang-itaas niya habang nabasa rin ang buhok niya.

"I'm sorr—M-Mr. El Destello!"

People around us started to glance our direction. Adonis waved and froze when he realised what happened. He quickly averted his glance and walked to the other direction while leaving us behind.

Damn that Adonis!

"Celes—"

Hinila ko siya papunta sa isang sulok habang kumukuha ng tissue sa bag ko. Napakagat na lang ako sa labi habang napagtanto na wala naman 'tong matutulong sa sitwasyon namin ngayon.

"Hey, it's alright. Lalabas na lang ako ng gani—"

"How about the lady?" I arched my brow.

"Honest mistake.."

"Honest mistake? Sinadya niya 'yon!"

"Ugh, call Adonis, maybe he can lend me some shirt."

"Pupuntahan ko na lang ang table na kinuha niya."

Napabuntong hininga siya. "Okay.."

Pumunta uli ako sa labas at ginala ang paningin ko. Natanaw ko si Adonis na nakikipag-usap kay Hans habang napapakamot sa ulo. Nagulat lang ako nang may humawak sa may braso ko at nakita ko si.. Tita!

"Celeste, my dear?"

Bakas ang lahat ng mga alahas na suot niya lalo na ang malaking hikaw niya na pinupuri ng mga kanyang kaibigan. Halatang mahal ang lahat ng suot nito lalo na ang kanyang gown na mukhang pang-debut. Pilit akong ngumiti at inilahad ang kamay ko sa kanya.

"Good evening, Tita.."

"Oh dear! Hindi ka na dinadala dito ng anak ko.."

Break na po kasi kami.

"U-Uh hehe.. siguro po naging busy po si Hans."

Sparks OutWhere stories live. Discover now