✨ 20

187 9 0
                                    

Celeste's POV

Napahilamos ako sa mukha habang nakatitig sa sarili ko sa salamin. Napakagat ako sa aking labi nang makakita ng malaking itim sa baba ng mata ko.

Ilang araw na ba akong gising?

"A-Ah.. limang araw."

Lumabas ako ng banyo saka napangiwi ako nang makitang lahat ng mga bagay sa harapan ko ay dumodoble. Binuksan ko ang ilaw sa buong bahay at nagtimpla ng kape.

"F-Fuck.. I'm crazy over my angel friends.." natatawang sabi ko sa sarili ko.

"Ano? Aalis ka na naman ba ng walang paalam?"

Kumunot ang noo ko at inilipat ang tingin kay Lucien na ngayon ay nakangiti habang binibigyan si Minerva ng makahulugang tingin.

"You and your stare. I cannot accept your kind of goodbyes, Lucien," seryosong sabi ni Minerva. "Ayoko rin parangalan ka palagi ng ganito."

Unti-unting nawala ang ngiti ni Lucien. "Why won't you mind your business, Minerva?"

"Mind my business? I cannot tolerate you every time!"

Aalis na si Lucien? Mawawala na sila?

Parang may kung anong pumigil saakin na magsalita. Nanatiling nakatitig ako kay Lucien ngunit wala man lang lumabas na kahit isang salita sa bibig ko. Fuck?

Nandilim ang tingin ni Lucien sa kanya. "May iba't ibang paraan tayo magpaalam. Ito lang ang paraan na kaya kong gawi—"

"Lucien.. don't you even care about what they really feel?! Kahit pa mawala ang memorya nila o nararamdaman nila?!"

"Don't you see how much I care?"

"Wow! Lucien! Hindi ko inaakala na alam mo pala ang salitang 'yan."

Ngumisi si Lucien at napailing. "I would rather see everyone happy on my last day. Kahit ako na lang ang masaktan.. huwag lang ang mga taong ito."

"That's.. ugh."

"And you ruined everything." malamig na sambit ni Lucien.

Damn it.. damn it.. damn it..

"A-All of you are going away?"

Sabay silang napatingin saakin at napailing si Minerva. "I'm sorry, Lucien." nawala na si Minerva habang napatitig si Lucien sa lupa.

I laughed. "You don't want to finish everything in the hard way huh?"

"I never bid goodbyes.. I never say goodbye."

"And you will never know how we feel," natatawa kong sabi saka ngumiwi. "Proper goodbyes are what angels and humans meant to do. Kung hindi mo 'yon kayang ibigay.. kahit magsabi ka na lang na aalis ka!"

"I don't want you to get hu—"

"Fuck pain if it means not knowing you will never going to come back!"

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha na maya-maya ay napalitan ng lungkot. "G-Gusto kong tapusin ang lahat na makitang nakangiti ka. Ayokong makaramdam ka ng lungkot lalo na ngayon na ang lahat ng nararamdaman mo ay nararamdaman ko.."

"Fuck.."

Tumalikod ako sa kanya at pinunasan ang luha kong nagbabadyang tumaksil. Nang tumingin uli ako sa puwesto niya ang nagulat ako nang makitang wala na siya.

"Don't worry, you will forget everything once you fall asleep."

**

Damn you, Lucien!

Hindi na ako nakatulog at nakapasok sa school. Hindi na rin ako nagkaroon ng contact kay Adonis at kay Lucas pagkatapos ng araw na iyon. Hindi rin ako sigurado kung naaalala pa nila ang lahat ngunit isa lang ang masisiguro ko.

Ako na lang ang makakaalala kapag natulog na sila.

Napakagat ako sa aking labi at tumungo sa lamesa. "D-Damn it.."

I'm tired.. so tired..

Napainom ako ng limang anti-sleeping pills at saka uminom ng tubig. Umuwang ang labi ko nang makakita ng isang lalaki na nakaupo sa harapan ko. Ginaya niya ang puwesto ng katawan ko at maya-maya hinawakan ang ulo ko.

Am I already hallucinating?

"Why are you trying so hard?"

I heard a man's voice.

Napangiwi ako nang mapansin ang mata ko na namumungay na dahil sa antok. Napangiwi na lang ako at hinayaan ang sarili kong titigan ang isang imaheng unti-unting nawawala..

"I just don't want to forget someone worth remembering.."

Sparks OutWhere stories live. Discover now