Chapter 4: The Power of Social Media, The Heavenly Feelings

306 12 0
                                    

Celeste's POV

Nakipagkita ako kay Alineth. She's one of the sophomore students. Sinabi kasi sa akin ni Lucien na magandang impluwensiya daw si Alineth saakin.

"Oh My God! Hindi ko aakalain na makikipagkita ka sa akin." she smiled at me while holding her a large cup of frappe.

Napakibit-balikat ako. Why the heck Lucien asked me to do this?

"Ahm.. Ate Celeste?"

Ngumiti ako. "Hm?"

"Puwede bang pumunta muna tayo sa may drug store diyan?" tanong niya at nilabas ang isang reseta "I'll just buy my mother's medicine.."

Agad akong tumango "Sure.."

Tumawid kami sa kalsada at nanatiling nakatayo ako sa malayong parte ng drugstore. Siguro naman susulpot dito si Lucien noh?

'Where the heck is Lucien?'

"Celes—"

"What the heck did you do?" inis kong tanong sa kanya "Why do you want me to be friends with her?"

"What did you do.." pagcocorrect niya saakin at ngumiti "I told you.. susundin natin ang mga new year resolution mo."

Ilang beses ko siyang sinuntok sa tiyan. Fvck parang wala naman akong naalala na makipagkaibigan ako sa mga resolution ko ah?

Maya-maya ay biglang bumalik si Alineth. "Tara?"

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa Robinsons Mall.."

Nagulat na lang ako ng hinigit niya ako papasok sa isang tricycle.

***

Nagulat ako nang makitang iniiwasan niya ang mga stall na sale. Gusto niya yata ang mga brand na hindi sale!

"I guess you're rich.." wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa mga damit na mga sale.

Narinig ko siyang humalakhak "Kakukuha ko lang ng allowance ko kahapon.."

"Magkano ang allowance mo?"

"Ten thousand"

Napanganga ako. Hindi na lang tuloy ako nagsalita.

Nagulat ako nang pumunta kami sa isang stor—Nike?

"Mamili ka diyan ng kahit anong sapatos.." dinig kong sabi saakin ni Alineth at napaatras tuloy ako papalabas ng store "Celeste.."

"Ayaw ko.." sabi ko.

Ngumuso siya "I saw your shoes inside your locker.. it's already broken.."

Ngumiti ako "Okay lang 'yon.."

"Pwes saakin hindi okay!"

Pumasok siya sa store at napasunod na rin ako. Napayuko ako nang makita si Lucien na diretsong nakatingin saakin.

"Anong gusto mo dito?" nangingiti na tanong saakin ni Alineth "That one oh.. bagong labas yata!"

Kulay pink siya na may parang plastic sa ilalim? AirMax? Wala akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay kaya natahimik ako.

"Anong size mo, Celeste?" tanong saakin ni Alineth at hindi ko siya sinagot "Hm.."

Dinikit niya yung sapatos sa paa niya. Napakagat pa siya sa labi at ngumiti.

"Same lang size natin!" parang bata niyang sabi at ngumuso.

Napabuntong hininga ako at lumabas. May mga bench naman doon kaya doon na lang ako nanatili. I saw Lucien walking. Mukhang hinahanap niya ako at nang mahagi niya ako ay umupo siya sa tabi ko.

Sparks OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon