✨ 19

202 6 1
                                    

Celeste's POV

I cannot believe it..

"Pfft.. Itlog lang yata ang hindi nasunog?"

Napairap siya. "I tried.."

Sunog ang hotdog at ang bacon na niluto ni Lucien ngunit medyo malata pero..

"Ten points sa effort." pang-aasar ko.

Umupo kami sa lamesa at tahimik na kumain. Sinikap kong kainin ang lahat ng niluto niya ngunit bawat subo ko ay mas nalalasahan ko ang pait kaya sinasabay ko palagi sa tubig. Inosenteng tumingin naman saakin si Lucien at tumawa ng malakas!

"I know what you're thinking and please don't say any white lies because I deserve it." natatawang sabi niya saka napatayo. "Do you want coffee?"

Matagala kong tumingin sa kanya bago tumango. "S-Sure.."

"Don't worry, brewing coffee is just a piece of cake." sabay kindat.

Sinundan ko siya ng tingin habang nagtitimpla siya ng kape. Hindi ko naman maintindihan kung bakit napakasipag niya ngayon at napakabait.

'Clash!'

Parang nasira pa ang pintuan dahil sa pagbukas ni Adonis habang may dala na kulay violet na packaging. Kasama niya si Lucas at si Mikael na may dalang Jollibee.

"Here!"

'Sip!'

Nakakahiyang aminin pero ang sarap ng ginawa niya!

Sumimangot si Adonis. "Nagugutom na 'ko!"

"Bakit ka kasi hindi pa nag-bebreakfast?" taas-kilay na tanong ni Lucas at nagtimpla ng sariling kape.

"Gusto ko sumabay sa inyo.."

"Kasalanan mo 'yon."

Itinikom ko na ang ang bibig ko at tumitig sa cellphone ko.

"Kinakain ba ang cellphone?" sarkastikong pagpaparinig ni Lucien.

"Huh? Hindi ah.." walang kaalam-alam na sagot ni Mikael.

"Mas inuuna pa cellphone kaysa pagkain. Tch. Pinaghihintay ang pagka—"

Ibinaba ko ang celphone ko at kinagat ang napakasarap na nangingitim na bacon sa harapan ko. Nang mapangiti si Lucien ay inirapan ko siya. Nagparinig pa nga.

"Sinong nagluto nito?!" gulat na gulat na tanong ni Mikael saka kumagat ng hotdog. "Lasang.. pweeeee!"

"Shut your mouth, Mikael."

"T-Teka? I-Ikaw ba naglu—"

Nandilim na ang mukha ni Lucien. "Swallow your tongue for peace's sake."

Umuwang naman ang labi ni Adonis. "Wow! Nagluluto ba ang mga angh—"

Pati ang kilay ni Lucien ay bigla nang bumaluktot. "Another word."

"S-Sorry!"

Muntik nang mawalan ng kapayapaan ang loob ng bahay ko..

Sparks OutWhere stories live. Discover now