Chapter Sixty nine

1K 45 1
                                    

--Chapter 69

Missing

Krissa's pov

"Ilang oras na siyang nawawala! "

" saan ba siya nag punta! "

Halos mangiyak na kami dahil hanggang ngayon wala parin si devi.

At nag aalala na kami.

"Bakit ka ba nandito?! Kasalanan mo naman to!" Paninisi ko kay Joshua.

Napupuno na ako ng galit sakanya.

Galit na galit ako sa pinag sasabi niya kay Devi .

At sa sarili ko dahil hindi ko manlang siya na ipag tanggol

"Tumutulong lang ako?" Sabi nito.

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya.

Wala akong pake kung nandito ang mga magulang nila devi at mga magulang niya.

"Hindi naman to mangyayari! Kung nag iisip ka muna bago ka mag salita!" Galit na sigaw ko sakanya.

"Hindi to mangayayari kung Pinakinggan mo muna si devi! " sabi ko at napaiyak nalang.

"Hindi ka namin kaylangan! Doon ka sa jena mong pake! "

Masama niya akong tiningnan pero wala akong pake!

"krissa calm down"

Hindi na sila nag salita at nag usap na kung saan hahanapin si devi.

Hindi kami makapaniwala sa mga sinabi ni Joshua kay devi.

Sobrang sakit niya mag salita.

Na akala mo wala silang pinag samahan

Hindi niya ba naisip na ilang beses na siyang Iniligtas ni devi!

Itinaya niya na ang buhay niya para kay Joshua .

Alam ko na mahal ni Devi noon pa si Joshua.

Pero hindi ko aakalain na magiging ganito!

Ganito kalala..

Na humantong na sa sumbatan ng masasakit na salita.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.

Please Devi wag muna ngayon..

---
Derick's pov

"Hindi ko aakalin na gagawin mo yun sa kapatid ko! " galit na sigaw ko at sinuntok si Joshua.

Na tumumba sa semento at pumutok ang labi.

Agad naman kaming inawat nila andre.

"Siraulo ka! Lagi mo nalang sinasaktan si deane!"

"Anong nagawa ng kapatid ko para saktan mo siya! "

"Ano?! "galit na galit na sigaw ko.

Hindi ito nag salita at tahimik na tumayo.

"Sumagot ka joshua! " Galit na sigaw ko.

"Pinag tangol ko lang si jena" Sagot nito.

"Pinag tanggol?! Pero nasaktan mo kapatid ko!"

"I didn't mean that" Sagot niya.

"Kapatid ko ang hinusgahan mo! "

"hindi ko siya hinusgahan"

"You did! Narinig ko lahat ng sinabi mo! "

Gulat naman siyang tumingin saakin.

Agad akong lumapit sakanya at kinuwelyuhan siya.

The Girl You Called TOMBOY [COMPLETED] Where stories live. Discover now