Chapter 9: Kiss me

Magsimula sa umpisa
                                    

"She's not Annunciata, Mama. Stop calling her that. She's Southern" mariing pagtatama ni Daddy sa Ina.

Sumimangot ang matanda. "No! She's Annunciata! Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na si Annunciata ito?" Giit nito.

Napailing na lang si Daddy at kahit nauubusan na siya ng pasenya ay nanahimik na lang siya. Tumingin na lang ito sa labas ng bintana.

Kamukha ko si Mommy. Kung meron man akong namana sakanya ay iyon ang mukha niya. Maraming nagsasabi na kambal kami at kung hindi niya lang ako anak ay pagkakamalaan talaga kaming magkapatid.

I look exactly like my Mother that is why my Father hates me. Na-realize ko ito noong iwan kami ni Mommy. Nagsimula lang naman itong pag-initan ako ng ulo dahil pinapaalala ko sakanya si Mommy. Dahil sa mukha ko, kinamumuhian niya ako. He hates me, just like how he hates my Mother. At galit din ako sakanya.

"I want to eat in Jollibee!" Mayamaya ay tinuro ni Nanang ang labas ng bintana.

Napatingin kami doon at nakita ang fast food na tinuturo niya. Nakatigil kasi ang sasakyan dahil may stop light.

"I want Jollibee!" sigaw nito.

"I want to eat in Jollibee, too! Jollibee!" Pati si Tatang ay tinuro din ang labas.

Nagsimulang mag-ingay at maging magulo ang dalawang matanda. Para silang mga batang ayaw paawat dahil nakakita ng gustong laruan.

"Mama, Papa, sa bahay na tayo kakain. Nagpahanda ako ng maraming pagkain para sa inyo," sabi ni Daddy sa mga ito at inawat sila sa pagwawala.

"No! I want Jollibee!"

"Jollibee! Bida ang saya!" Kumembot-kembot si Tatang sa upuan. "Jollibee!"

"Nanang, Tatang, we can't eat there. It's too crowded. Sa Mansyon na lang po tayo kakain!" Inawat ni North si Nanang na gustong lumabas ng sasakyan.

"I want Jollibee!"

"Hindi pwede. It's too dangerous to eat in a public place!"

"No! Jollibee! I want Spaghetti! I want Fries! I want coke! I want Jollibee!"

"Jollibee!"

At hindi na nga nagpa-awat ang dalawa. They tried to open the car door pero alerto si North at Daddy. Maging sina East at West ay tumulong narin sa pag-awat sa matatanda.

"Drive the car! Make it fast!" Utos ni Daddy sa driver. Hinampas siya ni Nanang sa braso.

"No! I want to eat there! I want chicken joy!" Tumigil sa pagwawala si Nanang at unti-unting umiyak.

Nataranta si Daddy, maging ako. Napalunok ako at hinawakan siya sa braso.

"Nanang, sa bahay na lang----" Hinampas niya ang kamay ko. Napapikit na lang ako sa sakit.

"No! Waaaahh! Huhuhuhu! I want Jollibee!" Malakas nitong iyak. Kaagad  siyang dinaluhan ni Tatang at niyakap.

"Ssshhh, tahan na Babes. Bibili kita ng cokefloat, okay?" Pinunasan ni Tatang ang luha nito at hinalikan siya sa noo. "Don't cry na. I love you.."

"But I want Jollibee!"

"Papabili tayo kay Gideon. Hintayin natin siyang dumating galing school, okay?"

Tumango si Nanang at nakahinga kami ng maluwag ng kumalma na ito. Mabuti naman.

Sumandal ako sa kinau-upuan ko at pinanood ang dalawang matandang nagyayakapan na ngayon. Matanda na nga sila. Pero bakit nagiging isip bata sila? Ganoon na nga siguro kapag tumanda ka. Magiging opposite ng maturity mo ang utak mo. Just like my Grandparents attitude. Mabuti na lang alam parin i-handle ni Tatang si Nanang kapag nagtu-tuntrums ito. Para lang silang mga batang naglalambingan ngayon.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon