09

7.4K 137 0
                                    

Sakiya Ashanti.

Pagod na umupo ako sa sofa ng makauwi kami sa tutuluyan namin. Nakita ko naman na inalapag nila ang mga pinamili namin sa lamesa.

"Pagaralan mo."

Nagangat ako ng tingin kay Micu na inabot sa akin ang isang brown envelope. Dumako ang tingin ko sa braso niya na namumula.

"Masakit?" I asked.

"Hindi, Sakiya. Hindi talaga masakit." Inirapan ko lang siya bago binuksan yung envelope na iniabot niya.

Nakita ko doon ang isang invitation para sa isang event at isang fake ID. Iniabot niya rin sa akin ang isa pang brown envelope at ng tingnan ko ang laman ay isang improvised pistol ang naroroon.

"I have my own gun." Kunot noong sambit ko.

"You can't use your gun, Sakiya."  Singit ni Ki. Iniabot niya sa amin ang isang box ng pizza na inilapag ko sa mini table.

"Sa event, sasama ka?" I asked Ki.

"I'll be there." Tumango ako. Kinuha ko na ang mga papeles at dokumento para pagaralan. Umupo ako sa dulo ng kama. Nagawi ang tingin ko sa maleta ko na nakabukas sa may sahig.

Kita ko doon ang baril ko, ilang bala at iba pang gamit. Bumuga ako ng hangin at kinuha ang loptop. Ki sends me the coordinates as well as the blueprint of the building kung saan idadaos ang event.

Gagamitin nila ang event para itago ang gusto nilang gawin. Ang pagbebenta ng mga babae ay gaganapin sa isang hotel room. I wonder what will be the reaction of my papà if he founds out.

"Hey," nagangat ako ng tingin ng bahagyang kinatok ni Ki ang cabinet sa may gilid ng pinto para kunin ang atensyon ko.

Dalawang malaking kama ang nandito, magkatabi.

"You need to sleep," sambit niya. Bahagya niyang itinuro si Micu na nasa kabilang kama at pantay na ang paghinga.

Ng hindi ako sumunod ay kinuha niya ang loptop sa kamay ko maging ang mga papeles na nasa gilid. Inayos niya iyon sa isang tabi.

Napairap ako. "It's 5 am. Kailangan mong magpahinga. Bukas ng gabi ang event."

Bahagya niyang ginulo ang buhok ko at siya mismo ang nagalis ng eye glasses na suot ko.

"Bakit mo ba sinusuot 'to?" I shrugged. Bumuga siya ng hangin at hinalikan ako sa noo.

Humiga ako sa kama at tumingin sa ceiling. Itinaas ko ang dalawang kamay.

"Sama ka na sa'kin pabalik ng Pilipinas." Basag ko sa katahimikan.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin pero hindi siya nagsalita bagkos ay lumabas nalang ng silid.

Bumuga ako ng hangin at pinilit ang sarili na matulog.

Gaano ba kahirap na bumalik sa Pilipinas kasama ka, Ki?

×

I woke up past 12 pm. Hindi naman ako kaagad bumangon at pinakinggan na lamang ang ingay ni Micu at Kirres sa labas ng kwarto.

Medyo nanibago ako ng kaunti. Sa tuwing nagigising kasi ako sa tinitirhan ko ay walang ingay na nagaganap, wala ding tawanan.

Bumuga ako ng hangin.

"Wake up, sleepyhead." Mabilis akong napaupo dahil sa boses na iyon. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong mahilo dahil sa biglaang pagkilos.

Tiningnan ko ang nagsalita. It was a man with the same build as Ki. Halos magkasingtangkad lang sila at magka-katawan. The difference is that, they don't have the same presence.

Truth Behind Her Glasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon