"Dwi--"

Napatigil sa kanyang sasabihin ang kinakabahang si Charm dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

Kung kanina ay hinihila niya si Dwight, ngayon ay biglang nasa likuran na siya nito. Isang katamtamang pwersa lang ang pinakawalan ni Dwight sa paghila sa kanya at sa isang iglap ay nakatayo na siya sa likuran nito.

Hinila ni Dwight si Charm papunta sa likuran niya matapos mapansin na balak itong lapitan ng nakangising mapang asar na si Zeb.

"Woah! Our super protective superior." nakangising bati ni Zeb kay Dwight matapos malapitan ito.

"Hi Charm! Do you still have that bullsh*t mark?"

Mahinahong tanong nito kay Charm at saka idiniin ang salitang bullshit ng mapa-dako ang tingin niya kay Dwight.

Dahil sa narinig niya ay naningkit ang mga mata ni Dwight, tumingin ito ng masama kay Zeb at saka humakbang palapit dito.

Napakapit naman bigla si Charm sa braso ni Dwight nang humakbang ito paabante palapit sa mortal na kaaway nitong si Zeb.

Matinding kaba ang nararamdaman niya sa mga sandaling yon. Hindi niya alam kung dapat ba niyang tawagin ang buong Luminaries para tulungan si Dwight, dahil hindi rin niya ito mapigil sa gusto nitong gawin. Lalo na at hindi niya kayang awatin ang mga ito kapag nagkagulo.

Naiinis din siya sa sarili niya dahil hindi niya maiwasang hindi mag alala kay Dwight lalo na at mag isa lang siya at pito ang posibleng makaaway nito.

"Dwight tara na!" kinulbit kulbit nito sa likuran si Dwight at saka halos pabulong na sinabi ang litanya niya.

"Dimwit step back." utos nito na kaagad namang sinunod ni Charm.

Pagkaatras ni Charm ay siya namang pag abante ni Zeb.

"Kaya mo na bang lumaban mag isa? Buhay na ba ang demonyo sa loob mo?" ani Zeb at sadyang inaasar nito si Dwight.

Saglit na tumingin si Zeb kay Charm at bakas niya ang kaba at pag aalala sa ekspresyon nito.

"Charm..nag aalala ka ba na baka mabugbog namin ang demonyong to?" sabi pa nito saka idinuro si Dwight na ikina tiim bagang ni Dwight.

"Itigil niyo na yan Zeb!" humakbang palapit si Charm ng biglang hinawakan siya ni Damon para pigilan sa pag awat kay Dwight at Zeb.

"Damon bitiwan mo ko!" galit na litanya niya dito saka tiningnan ng masama.

"Charm makinig ka muna sa sasabihin ni Zeb." seryosong sabi ni Damon dito.

Pero dahil masama ang tingin nito sa grupo ni Zeb ay patuloy pa rin siya sa pagpiglas para awatin ang dalawa.

"Charm. Kilala mo ba talaga ang sinasamahan mo?.." tanong ni Zeb sa kanya na pinutol ang kanyang sasabihin.

Dahil sa tanong ni Zeb sa kanya ay bigla siyang napaisip. Kilala nga ba talaga niya ang sinasamahan niya? Kilala nga ba talaga niya si Dwight? dahil sa tanong na yon ay bigla siyang napatigil sa pag piglas at hinayaan ang sasabihin ni Zeb.

Nabaling ang atensyon niya kay Dwight na halatang pinipigil ang kanyang sarili sa galit.

"Charm! Hindi mo ba alam na mamamatay tao ang kasama mo? Hindi mo ba alam na pinatay niya ang babaeng estudyante na may gusto sa kanya? Hindi ka ba nagtataka kung bakit pareho kaming nawala ng pansamantala sa Stanford?" ani Zeb na mataman na nakatingin kay Charm.

Dahil sa narinig niya mula kay Zeb ay nakuha pa niyang tingnan ang nakatalikod sa kanyang si Dwight na ngayon ay nanginginig na ang mga kamao sa sobrang galit.

Stanford University [COMPLETED]Where stories live. Discover now