Chapter 10- Jealous is Calling

4 1 0
                                    


Chapter 10: Jealous is Calling

Emizz's P.O.V.

"You look happy!" pamungad sa akin ni Tap nang makapasok ako sa classroom namin. Hindi ko alam kung bakit pero parang napakasaya ko ngayon. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon. Umupo na ako sa upuan ko at umupo na rin siya sa kanya. " I saw you."

"What? Sino? Nino?" dire-diretso kong tanong sa kanya.

"With Ellie. Sa library kanina. Pupunta sana ako doon para bigyan kita ng pagkain at gumawa na rin ng assignment kaso nakita ko kayo. Kaya pinabayaan ko na lang kayo. I think he is the reason why a smile on your face is drawn. " dire-diretso niyang paliwanag. Galit ba siya? Hinarap ko siya at nakita ko nga ang nangangalaiti niyang mga mata. Teka? Bakit?

" T-Tap. Galit ka?" tanong ko sa kanya ngunit hindi siya umimik. Instead tumayo siya at naglakad papalabas ng classroom kaya sinundan ko siya. Ano bang problema sa lalaking ito? "Tap!"

Sinundan ko siya hanggang sa huminto siya sa maliit na garden sa loob din ng campus. Malapit lang ito sa building ng classroom namin kaya pwede lang takbuhin kapag mayroon na kaming teacher.

" Tap, May problema ba? Galit ka? Ano? Tap!" Tanong ko ulit sa kanya nang makahinto siya. Hinarap niya ako habang walang pinagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Ano bang nangyayari? " Tap, huwag mong sabihing crush mo ako at nagseselos ka kay Ellie?"

" Don't me Emizz. Kung magseselos ako hindi para sa iyo. " sagot niya kaya natawa na lang ako. Ang akala ko nilamon na rin siya ng santo. Thank god, si Tap pa rin ang nasa harapan ko.

Lumapit ako sa kanya. Inilibot ko ang mata ko at walang taong naligaw dito. Tap, always find good places to emote. Ang galing lang.

" Ano bang nangyayari?" seryoso kong tanong sa kanya at narinig ko siyang huminga ng malalim. Umupo siya sa isang bench na nandito kaya umupo na rin ako sa tabi niya.

" Ellie is the reason why Bielle is here. " tipid niyang sagot sa akin. Tinignan niya ako ngunit hindi man lang ako nagulat. Bielle told me that news last night. " Sinabi niya sa akin kanina na gagawa sila ng music video dito sa Pilipinas at ni-grab niya ang opportunity para makasama niya si Ellie. "

"Stop it Tap. I know it. Sinabi rin ni Bielle sa akin kagabi and guess what, I am tired hearing the same news. Ano naman ang kinalaman ko sa sinabing iyon ni Bielle?" sagot ko. Narinig ko na naman ang paghinga niya ng malalim.

Tinignan ko siya sa kanyang mga mata at kita ko ang lungkot mula doon. Teka, nagseselos ba siya? So Bielle is still his love. Hindi man niya sabihin pero ramdam ko iyon. After all, nakasama ko pa ito mula noong bata kami.

" Nakita ko si Bielle kanina sa canteen, and she's crying kaya tinanong ko siya." he stopped. Hinarap niya ako. " Bielle is jealous of you Emizz. "

"Wait, what?"

Parang napakatagal magsink-in sa isipan ko ang sinabi niya. After how many years, tsaka ko lamang nagets ang sinabi niya. Bakit? Bakit nagseselos siya sa akin? Bakit ako? Bakit? Well, I don't mean to hurt anybody. Tsaka wala namang kaselos-selos sa akin. Napatayo ako nang dahil doon. Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Bielle is my sister after all, and I don't wànt to hurt her as much as I could. But thinking that she is crying because of me, crying because she is jealous of me, is not good enough for me.

" Stay away from Ellie. Emizz, Even I don't know what to do. Parang guguho na ang mundo ko nang dahil sa nalaman ko. Sh*t I still love her Emizz. I still am" and tears in his eyes keep on falling. Hinimas ko na lang ang likuran niya para icomfort siya pero mukha yatang walang tulong dahil mas lalo lang siyang naiiyak.

HeartbeatsWhere stories live. Discover now