Chapter 2- Everything About Her

17 2 0
                                    

Chapter 2: Everything About Her

Emizz's P.O.V.

"Ellie Madrid Jhensen, A Varsity Player Punched on Face" binabasa ni Tap isa sa mga kaibigan ko ang laman ngayon ng School newspaper namin and guess what, headline ang ginawa ko kamakailan lang.

"Hayss naman. bakit ang bilis kumalat ng balita" napapasuntok na lang ako sa pader sa mga naririnig ko.

Hindi na ako magtataka kung bakit iyon ang headline ngayon sa school newspaper namin; sinapak ko lang naman ang pinakamamahal nilang Varsity player slash heartthrob slash Presidential son nila. No wonder kung bakit hindi tintigilan ng press ang aking ginawa. Ngayon na nga lang ay patago na akong pumapasok sa paaralan dahil sa mga matang malalagkit na nakatingin sa akin.

"Hoy makinig ka nga! heto teka babasahin ko" tugon ni Tap. Nakuha naman niya ang atensyon ko kaya itinuloy na niya ang babasahin niya. "Who is Emizz Esor Elizalde?"

"So may nakaalam na pala kung sino ang sumuntok" walang gana kong sinabi. Gulong-gulo na talaga ang buhay ko nito Hayys! gusto ko nang umuwi.

"Hindi lang yun heto ;She is a daughter of Maria Elizze Elizalde, a successful model of White Lion and Arthur Moore Elizalde, a yung successor the CEO of XnY Company." Napanganga na lang ako sa narinig ko. Hindi ko talaga inakala na pati ang pamilya ko ay mauungkat nila. This is a chaos! Gulo na ang maabot ko nito. " She is also have a penname namely CrapEmizz. An author who wrote  romantic stories like Badly Inlove With this Guy, Mr. Imperfect and lastly The Sorrow of Love which is became popular for her strategic writing."

"Talaga naman! Saan sila nakakuha ng informations tungkol sa akin? Wait? Ano ba naman to nananadya ba sila?" napapailing na lang ako sa aking naririnig. " Wait parang kilala ko kung sino ang pinagkunan nila ng information. "

"I guess so. Nakalagay dito kung sino." sagot ni Tap habang binabasa pa rin ang newspaper.

"Sino?"

" Enniebethe De Guzman. Walang iba kundi si Bethe hayys talaga. Bakit ba siya nagkakaganito?"

No wonder kung sino ang nagbigay ng information. Si Bethe lang naman ang leader ng EMJ fansclub at patay na patay siya sa Ellie na yun to the point na iniwan niya kaming mga kaibigan niya para lang sa fansclub niyang iyon.

"It's ok. may pupuntahan lang ako. " pagkasabi kung iyon ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad. rinig ko pa ang pagsang-ayon ni Tap sa
sinabi ko pero hindi ko na sinagot pa.

Nanginginig ang kamay ko habang naglalakad diretso sa second floor ng Seniors. Nanginginig ako nang makita ko ang pintuan ng classroom namin at mas lalong nanginig ako nang makita ko ang mukha ni Bethe.

"Oh look who's here! Did you see the headlines? Oh my gosh, Parang ngayon palang gusto ko nang malunod na lang sa lupa. How ashame!  " sarkastiko pa niyang sabi nang makita ako. Nagtawanan ang buong klase pero hindi ko iyon pinansin bagkus ay kinuha ko ang bag niya na nasa tabi ko lang kaya wala siyang nagawa para pigilan ako. "Wait what are you doing?!"

"This," kinuha ko ang makapal na pera sa kanyang bag. "Ganyan ka na ba kahirap para ibenta ang mga impormasyong pinakatatago ko? O sadyang makati na ang bunganga mo at hindi mo na kayang pigilan pa na ibuklat ang mga bagay tungkol sa akin?"

"Anong pinagsasabi mo? Hahahaha Sorry Emizz pero nagkakamali ka yata ng impormasyong nakuha! Ganyan ba ang epekto ng pagsuntok mo sa mukha ng aming Ellie Madrid? well sorry!"

Nginitian ko na lang siya sa kanyang sinabi. Naghanap ako ng school newspaper at eksakto namang may isa akong nakita. Hinanap ko ang page at kung saan ang balitang iyon tungkol sa akin.

" Di mo man lang sinabi na huwag ilantad ang sarili mo dito." Sabi ko.Kumuha ako ng highlighter at hinighlight ang pangalan niya sa newspapaer tsaka isinupalpal sa mukha niya. Inilagay ko ng maayos ang pera sa bag niya tsaka ako lumaba ng room.

" Serves you right. Salamat sikat na ako ngayon. Ayy sya nga pala yung PERA mo nasa loob lang ng bag mo sana gamitin mo yan sa mabuti hindi sa paninira ulit ng ibang tao." hindi siya nakapagsalita. Tulalang tulala siya at ang mga mata ay nakatingin ngayon sa kanya. Nginitian ko siya bago ako umalis ng room. Hindi ko ugali ang pag-eeskandalo at mas lalong ayaw ko ng mga matang nakatingin sa akin pero sa ginawa niya, Sorry not sorry but I can be more devil than what they thought I can.

Didiretso sana ako kay Tap sa ground nang may humarang sa akin at kinuha ang kamay ko sabay takbo ng mabilis. Hindi ko alam kung sino ang taong kasama ko ngayon o kung bakit kami tumatakbo.

"Wait, Come to me. Oh! sorry" tugon niya sa akin. Hinihingal na siya pero takbo pa rin kami ng takbo.

"Why? Anong nangyayari at sino ka? Aray ansakit ng kamay ko. pwede bang bitawan mo ako? Aray! ansakit!"

"By the way I'm Lee Ron Jhensen, cousin of Ellie Madrid and I'm here to escape you from here." Tinignan niya ako at ngumiti. Na-starstruck ako doon. Hindi ko alam kung bakit pero I can't stop looking on him. Napanganga na lang ako sa kanya. " There are reporters from national Televisions and They are trying to approach you. "

Bumalik ako sa mundo nang bigla siyang Tumigil at pumasok sa isang abandonadong kwarto para magtago.  Kita namin sa labas ang mga reporters na gaya namin ay hingal na hingal din sa pagtakbo. Nang makalayo na sila sa amin ay tsaka lang ako nagbalak na tumayo.

"I'm sorry for what had happened. The president ordered me to look over you because of the issue. " pag-eexplain niya sa nangyari.Nginitian ko na lang siya bilang pagtugon.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang hindi siya titigan. Napakabait ng mukha niya. That kissable red lips at matang nakakatunaw pagtinititigan. Also that Nerdy Glasses na kahit hindi bagay sa kanya kung maituturing ay bumagay na rin dahil sa ang gwapo niya.

"M-miss?" bumalik sa katinuan ang sarili ko nang dahil sa tugon niya.

"A-ano yun?" tanong ko na lang sa kanya.

" What I wanna say is, Ellie Madrid wants to see you. " Sambit niya dahilan para tumigil ang aking paghinga ng ilang segundo.  Ellie Madrid? What the hell.

"I see. Hmmm! Pakisabi na lang sorry sa nangyari salamat. sige mauuna na ako." sabay lakad patalikod para lumabas na ng room pero hinarang niya lang ako.

"Please? and one thing, the president wants to talk to you." pero hindi pa naman ako nakakapagsalita ay umalis na siya ng room. Kindat lang ang naisukli niya sa akin pero natutulala na rin ako sa ginawa niyang yun.

Wait did he just say? the president wants to talk to me? Para saan? Dahil ba sa sinuntok ko ang anak niya?

"P-president? Pakisabi na lang sorry sa nagawa ko sa pinakamamahal niyang  anak. K-kasalanan din naman niya iyon e. Aalis na ako, thanks. "Pahabol ko sa kanya bago ako tumakbo  sa kabilang way. Kinabahan na ako sa narinig ko. Hindi ko pa nakikita ang president pero kinakabahan na ako. Hindi ko na nilingon kung sumunod ba siya o nagpaiwan na lang doon basta kailangan kong umalis doon.

"Elizalde Emizz!" Rinig kong sigaw niya na nagpalingon sa akin.

"Bakit na naman?" padabog kong tanong sa kanya. Kailangan ba talagang sabihin ng buo ang pangalan ko?

"Wala lang." At doon na naman ang napakagandang ngiti niya. "See you around. "sabi niya bago siya maglakad sa ibang direksyon.

How can that man seems so perfect when his cousin is a crap of a shit? That smile.

HeartbeatsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin