The way he talks... it shows how he loves the girl. Alam mo 'yun, parang sobrang mahal nya yung girl na 'yun. Sobrang taas ng pagtingin n'ya. Parang isang babasaging bagay na ayaw n'yang magasgasan. Whoever you are, you should choose Kevin, he's worth it.

Ayan assumera ka nung nakaraan Zia ha? Akala mo talaga ikaw no? Ayan napapala ng kaka-assume.

Pero masaya ako na hindi ako 'yun..

"If you don't mind anong name nung girl?" Hindi s'ya nakasagot kaagad—parang nagiisip. Oops parang ang insensitive pala. "Actually nevermind—"
"Rina." Nakangiti na sagot n'ya. Pagbanggit pa lang ng name nung girl nakikita ko nang nagti-twinkle 'yung mata n'ya. Ano kayang itsura ni Kevin kapag kaharap si Rina? Malamang sobrang saya n'ya. Malamang parehas ng nararamdaman ko kay Keanu.
"Nice name." 'Yun na lang ang nasagot ko. Tumango s'ya. Totoo naman e. Maganda name n'ya.

Hindi ko naramdaman na nandito na kami sa Moa. Bumili kami ng fries at coke float sa Mcdo tapos chips sa hypermarket saka pumunta sa seaside.

Sa pang-sossy na restau nga dapat nya ko dadalhin eh. 'Yung gumagamit ng knife ganon. Ayoko dun. Nakakasakal. Feeling ko madaming nakatingin sa akin. Haha.

Ako nagbigay ng suggestion na sa seaside na ang tutal gusto n'ya ng sunset.

Humanap kami ng pwesto.. Madaming tao. Madaming lovers.

Kami kaya ni Keanu... pupunta rin dito? 'Yung parang couple?

"Bakit 'di mo 'ko kinakausap nung una?" tanong ko habang ngumunguya ng fries.

"Uhh... ano... feeling ko awkward, e."
"Sabagay. Pero ang balahura ng kapatid mo 'no?" sabi ko saka tumawa, "napaka-FC. Tapos ikaw bigla mo kaming nilayasan pagkapasok namin sa inyo." Natawa ulit ako.
"E hindi ko alam kung pano ko kayo kakausapin eh," sabi n'ya saka natawa rin. Nagkamot pa s'ya ng batok. Omg. That's so cute.
"Tapos... bigla mo 'kong ico-comfort kahit di mo alam 'yung dahilan." Tumingin ako sa kanya... "Salamat Kevin ha? For being a good company."
"Anything for my childhood friend," sabi n'ya saka kumindat.

Kapag si Kevin 'yung kasama ko, chill lang. 'Di tulad ng kay Keanu. Laging natibok nang malakas yung puso ko. Laging messed up ang senses at katawan ko. Hindi nagfa-function nang maayos.

Siguro next to Krista... si Kevin eh matuturing ko na best friend ko.

After namin manuod ng sunset niyaya ako ni Kevin na mag-arcade. Pumunta na kami sa Tom's world at bumili ng tokens.

Syempre libre ni Kevin!

Napaka-kapal talaga ng mukha ko. HAHA.

Hinila ako ni Kevin dun sa parang kotse na hinugulugan ng token tapos aandar. Tinitigan ko lang s'ya.

"Sakay na Zia!" sabi n'ya habang tumatawa.
"pakyu! Nakakahiya kaya!!"
"Dali na!" pagpipilit ni Kevin.
"Hmmm..." Aha! May nakita akong unicorn tapos katabi lang ng kotse.

Mweheheehehe evil laugh HEHHHEHE.

"Dun ka," sabi ko saka nginuso 'yung unicorn kaya napakunot 'yung noo ni Kevin.
"Zia!! Bat naman dyan?!"
"Wala e. HAHAHAHA dali! ako naman sasakay dito.." Nginuso ko naman 'yung kotse.
"Aish."

Priceless. HAHAHAAHAHA SUMAKAY SI KEVIN SA UNICORN HAHAHAHA OMG ANG CUTE!

JUSKO 17 YEARS OLD NA POGI NA MAPORMA NAKASAKAY SA GANON.. LOL! Kinuha ko ang phone ko saka patagong kinuhaan sya ng picture kaso di na patago kasi may flash pala.. Fail..

Nakasimangot si Kevin habang nakasakay sa unicorn. Aww. So cute naman. Hahaha.

Napalingon s'ya sakin dahil nga sa flash.

Zipper Mo Bukas (Completed)Where stories live. Discover now