Entry 020 REUNITED

2.4K 106 28
                                    

Hindi ako makapaniwalang narito at yakap ko si Mike ngayon.

Parang isang panaginip lang ang nangyayari. Walong buwan akong walang balita sa kaniya at ngayon ay narito siya.

"Im sorry if  i havent told you nah naritoh na akoh. Im sorry..."

Bakas sa aking mukha ang pagkabigla dahil hindi pa rin ako makapaniwalang narito siya.

" Sorry din Laurence, may kasalan din ako sa iyo. May dapat kang malaman kung bakit hindi mo alam nandito na si Michael sa isla.."

Nalilito ako.

Pinaupo nila ako sa gilid ng kama, tinabihan ako ni Mike habang akbay niya ako at hawak ang aking kamay.

Nagpaliwanag si Sir Jelo.

"Mag-iisang buwan na si Mike dito sa isla at inilihim ko sa iyo ang lahat. Magkakilala kami ni Mike matagal na. Kasama ko siyang blogger sa Singapore. Ang totoo naikuwento ka niya sa akin at ng umuwi ako dito sa pilipinas ay pinahanap ka niya sa akin dito sa isla.
Wala ka na dito ng bumisita ako.
Hinanap kita sa address na pinatatrabahuhan mo na ibinigay mo sa iyong tatay. Kasama ko ang pinsan ko ng makita kita. Member ang pinsan ko doon sa bath house at by invitation lang ang pwede makapasok.Ang totoo binantayan kita sa bath house noon. Hiniling iyon ni Mike na huwag kitang pabayaan hanggang sa matira ka sa akin. Hindi mo makontak si Mike dahil nakashotdown ang website niya dahil lumipat na siya ng trabaho as IT consultant ng may ari ng isla. Nagkainteres ang senadora ng mapanood niya ang istorya ninyo sa blog ni Michael.Tinapos niya nag kontrata niya sa Singapore at bumalik dito.Para sa iyo,para sa pamilya mo at para sa isla. Pasensya na,dahil bilin niya na huwag kong sabihin sa iyo na magkakilala kami ni Mike."

Nakaramdam ako ng inis.

Na parang niloko yata nila ako.

Muling nagpaliwanag si Mike sa akin.

"I promised you nah babalikhan kitah. After ng mamatay si Kevin. The time na nilibing siyah and ng umalis akoh. Hindi lang sa iyoh akoh nangako. I even gave this island a promise, sa family na nanditow. Masaya dito kahit simple lang ang buhay. When the good senator noticed my blog about her island and nakita kayo,she felt sorry. She wants to help para hindi kayoh gaano maherapan. She even asked me to work for her. I grabbed her offer so i can stay here in your country na walan problema sa akin visa kahit mag overstay ako.Matagal ako nawala to secure my future...my future with you. Renchie im sorry. Sana mapatawad moh akow..."

Sinundan pa ng paliwanag ni Sir Jelo.

"Actually ako ang may kasalanan.
Ako ang nagsuggest na huwag ko sabihin sa iyo ang lahat...patawarin mo ako Laurence dahil gusto kita subukan. Nais kong malaman kung gaano ka katapat kay Michael. Dahil minsan ko din siyang minahal...kaso hindi kami pwede dahil hindi niya ako mahal...noon yun.
Nakamove on na ako at magbestfriend lang talaga kami.
Hanggang sa nakilala ka niya. Nagkainteres ako makilala ka.
Maging ako ay napahanga mo kung gaano ka katapat kay Mike. Napahanga mo ako sa iyong pagtitiyaga at pagtitiis sa mga kwento mo sa akin. Kung nararamdaman mong niloko ka namin huwag kay Mike. Sa akin lang, ako lang ang may kasalanan sa iyo."

Bumalik sa akin ang mga araw kung bakit ganoon na lang si Sir Jelo sa akin sa bath house.

Maging noong napatira ako sa kaniya.
Ngayon alam ko na kung bakit may mga larawan ng mga bata sa kaniyang condo. Pareho pala sila ng trabaho ni Mike. Nauunawaan ko na rin kung bakit ganoon siya kaprotective sa akin. Maging ang araw na tanggihan niya ako noong hahalikan ko siya.
Kaya pala ganoon siya sa akin.
Ngayon ay alam ko na ang lahat.

"ikaw ba ang nagpapapagawa ng poso dun sa gilid ng kubo?"

Tanong ko kay mike.

"It was gift from the senator parah hindi na kayow mahirapan sa drinking water ditoh."

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon