Entry 012 A JOURNEY'S END

2.2K 129 30
                                    


"This is my last day with him..."

Sa isip ni Michael habang inaayos niya ang kaniyang mga gamit.

Tahimik lang na pinapanood siya ni Lawrence. Pigil ang luha na aalis na ang lalaking minamahal niya. May dalawang oras pa bago dumating ang bangkang susundo kayat may pagkakataon pa sila upang magkapag-paalam ng maayos.

Nabawasan ang dadalhing gamit ni Mike pauwi dahil ang ilan dito ay maiiwan. Isang tanda na babalik muli siya dahil ito ay itinuring niyang pangalawang tahanan.

Bumaba sila ng silid. Naroon ang mga magulang ni Lawrence tahimik na nakatingin sa kanilang bitbit ang isang malaking back pack.

Bilang nakikipanuluyan ay nag-abot siya sa ng pera dito bilang bayad na tinangap naman ng ama ng tahanan.
Niyakap niya ang dalawang matanda at nagpasalamat.
Kasabay ng pamamaalam ang kalungkutan ng lahat.

Bago tukuyang umalis ay inaya muna ni Michael si Lawrence sa kanilang dating tagpuan. Sa sirang bangka kung saan nila madalas panoorin ang paglubog ng araw.
Doon sila naupo,gamit ang kaniyang GoPro camera. Inilapag niya ito nakatapat sa kanila upang kunan ang kanilang sandali na magkasama.

Sa loob ng isang buwan din naman itong ginagawa ni Michael kayat nasanay na rin si Lawrence sa pagharap sa camera.
Tahimik siyang bumalik muli sa pagtabi kay Lawrence.
Tumingin sa malayo at unti unting nakipaghawakan ng kamay sa katabi.

Humugit ng lakas ng loob kung paano siya magpapalam.

"I will not say goodbye..."

Nanginginig na tono ni Mike na nakatingin sa malayo.

"Napuntah ako here in your country to see what my friends told me.
They were in love sa white sand nan beach, nan forest,nan pahgkain. Not like in the states.
Andami bagay i took for granted.
I can have a hit shower pagguatoh ko.
I cant eat any where else and anything i want.
Sa states wala miswa on patola,wala lugaw na may noodles or tapa nan kambing.
You know what's nankakainlove sa inyo?
You! The people!nakakainlove kayo.
And the best part of it, when I first met you, I honestly had no idea that you would be this important to me.
I really hope I'm good enough for you.
Kailan ko lhang nuramdaman itoh... honestly, im scared coz aalis ako.
I begin to think that you'll find somebody else when I'm gone. Someone na darating who can give you everything and anything na gustoh moh that i cant give.
Someone much better than me."

Tumulo ang luha ni Lawrence dahil alam niyang dalawa silang mahihirapan sa kanilang paghihiwalay. Maging si Michael ay umiyak na rin.

"Di ko alam kung sa pugbabalik koh you will be here waiting for me. I will give you your freedom to find your self...to follow what your nanay wants for you,kahit she accepted the truth about us.'

Nagkatinginan silang dalawa.
Isang malungkot na mga matang lumuluha dahil sa kanilang paghihiwalay.

Umakbay si Michael kay Lawrence. Impit ang iyak ng iiwang binata. Napayuko siya at ayaw tumingin sa katabi. Mga pigil na hagulgol na lalong nagpapasikip sa kaniyang dibdib.

"Ahalis ako not because of you,not because of you parents. Ahalis a-koh because I have to find my self...of the things i wantbto do...i want find my purpose...after what happened to Kevin...that poor kid opened my eyes to save this island. To save you! I dont know how and when..
Right now, the only thing I'm certain about is that I love you. "

Ang akbay ni Michael ay ganap ng naging yakap kay Lawrence.
Dumikit na ang kaniyang labi sa pisnging binasa ng mga luha ni Lawrence.

"Mahal na mahal kitah."

Hikbi na lang ang tanging nagawa ni Lawrence dahil kailangan niyang ibigay ang kalayaan ng isa upang gampanan ni Michael ang kaniyang mga plano.
Isang halik ang kaniyang ginanti dito sa labi ng siya ay lumingon. Ito na siguro ang pinakamasakit na halik na naibigay niya sa tanang buhay niya.

Halik ng pamamaalam.
Halik na di niya alam kung mauulit pa o hindi na.
Sa ngayon ang tanging panghahawakan niya ay ang pangako ni Michael na babalik muli.

"Pangako na hihintayin kita."

Iyon lang naman ang alam niyang sabihin sa pangako ni Michael dahil yun lang naman talaga ang kaya niyang gawin.
Payapa silang nagyakapan at sinulit ang huling sandali na sila ay magkasama.

Narinig nila sa malayo ang tawag ng inay ni Lawrence na dumating na ang bangkang susundo.
Tumalima sila at lumapit.
Hayagan na silang dalawa sa pagpapakita ng kanilang paghahawak kamay dahil tanggap na ito ng matanda.

Nakangiti ang matanda at niyakap ang dalawa bilang suporta.

"Babalik ka Michael ha. Mamimiss ka namin."

Isang taos pusong pamamaalam ng dating kontra sa kanila.

Lumakad sila pabalik sa kubo upang kunin na ang mga gamit ng papaalis.

Mabigat ang mga paang patungo sila sa aplaya kung saan naroon ang bangkang naghihihintay sa pag-alis ng banyaga. Wala ng atrasan at ito na nga ang sandaling maghihiwalay sila.

Isa-isang kinamayan ni Mike ang mga iiwan. Hinalikan naman niya ang dalawang batang kaniyang kalaro at nagpaalam dito. Malungkot niyang kinarga ang dalawa dahil hahanaphanapin din niya ang kakulitan ng magkapatid na Klein at Karen lalo na ang kabaitan ng nasirang Kevin.

Bago umalis ay kinuha muli niya ang camera upang kunan ang mga taong nakasama niya sa isla.
Inisa isa ang mga mukhang kaniyang hahanap-hanapin. Ang huli ang mukha ng kaniyang nobyo na may tahimik lang na nakatingin sa kaniya na bakas ng kalungkutan kahit itago pa ng maliit na ngiti nito.

"Paalam nah pu! Sala-mat sa inyo! Wag kah yon mug-alalah bahbalik akuh! "

Nakasakay na siya ng bangka at pina-andar na ang motor. Umusad na ng unti-unti palayo. Nasa pangpang ang mga taong kumupkop sa kaniya ng ilang araw at hinahatid siya ng mga ngiti,kaway at habilin ng pag-iingat

Isinabay niya sa ingay ng motor ng bangka ang sigaw para kay Lawrence.

"Buhbalik ako dahil Mahal Kitah!"

Wala na siyang pakialam kung marinig ng lahat ang sinabi niya dahil ang kaniyang pag-alis ngayon aybisang misyon at sa pagbabalik ay ang iuuwing tagumpay para sa kaniyang mahal na Lawrence.

Di niya inalis ang kaniyang pagtingin sa isla kahit maliit na ang kaniyang nakikita sa nag-iisang nakatayo doon na hinahatid siya ng tanaw.
Kasabay ng talsik ng tubig alat na humahampas sa bangka ang nagkubli sa pumapatak na mga luha sa kaniyang mga mata.

"Goodbye for now. Sa pahgbabalik koh. Sana nandyan ka pah rin waiting for me..."

Malayo na ang tanaw niya sa isla at di na rin kita ang lalakeng naroroon. Pinahid na niya ang mga luha upang harapin naman ang kabilang pangpang para sa kaniyang mga pagbabagong gagawin sa buhay at para sa taong maghihintay sa kaniya.

*****

Time skip tayo ng ilang buwan sa isla sa buhay ni Lawrence sa next entry.

Pasensya na po at ang bagal ng update may problema lang po kasing pinagdadanan ang writer.
Salamat po pala sa mga nag-add,nagvote.bukas na lang po uli yung next chapter.

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Where stories live. Discover now