Entry 013 MISSING

2.1K 86 1
                                    

Isang buwan na ng lisanin ni Michael ang isla. Isang buwan ng nabawasan ng ingay ang bawat sandali sa bahay namin.

Gaya ng noong bago pa siya dumating ay patuloy ang ikot ng buhay aming naririto sa isla. Sa kaniyang pag-alis ay doble naman ang kawalan na nararamdaman ko.

Ilang gabi ko rin siyang napapanaginipan at sa paggising akala ko ay nasa tabi ko siya.

Sa hapagkainan,sa pangunguha ng kahoy,pangingisda, at sa lahat na yata ng gawain hinahanaphanap ko si Michael. Tanging imahe sa aking alala ang pumupuni sa mga bakanteng lagi niyang pinupuwestuhan.

Nawala na angbpananabik ko na sa tuwing uuwi ay aabutan ko siya sa kwarto na abala sa kaniyang laptop.
Yung bigla akongbsasalubingin at tutulungan sa aking binubuhat. Wala na akong niyayaya para kumain.

Hinahanap hanap ko siya.

Sa tuwing iigib kami ng tubig na gagamitin sa pang-araw-araw mula sa pangpang ng batanggas ay di ko nakakaligtaang magrenta sa isang computer shop at bisitahin ang web blog ni Michael. Ito lang amg paraan ko para makita siya.

Pinagkakasiya ko ang isang oras na makita ko ang kaniyang ginawa sa isla namin. Madami pala siyang ginawa. Nahiya ako dahil nakita ko ang aking mukha sa monitor. Ang lahat doon ay patungkol sa amin. Sa mga pamilya ko, sa ganda ng kalikasan, ng dagat, ng mga bata, at ang simpleng pamumuhay.

Gusto ko siyang padalhan ng email ngunit di ko ginawa.

Ayaw kong umasa na sasagutin niya ang paghahanap ko.

Nanikip ang aking dibdib sa kalungkutan dahil malayo na siya.

Pinatay ko na ang nirentahan kong computer at nagbayad sa counter upang bumalik na sa isla.

Naisalansan ko na sa bangka ang anim na container para sa dalawang araw naming gamit.

Habang papauwi ay iniisip ko ang nadagdag sa alalahanin namin.
Tatlong beses sa isang araw akong bibiyahe upang makaigib ng tubig.

Dagdag sa gastos...dagdag sa gawain.

Kailangang magtiis at kailangang gumawa. Pinilit kong isipin na solusyunan ang problemang pamilya upang maiwas ako ng pag-iisip kay Michael.

Nadoble ang kalungkutan ko dahil uuwi na naman ako ng bahay. Mag-isa sa silid at hahanapin siya.

Hindi pwede ang ganito at baka mabaliw ako sa kalungkutan.

Pagsapit ng gabi sa bahay habang nakain ng hapunan ay nagbukas ako ng suhestiyon na magtrabaho malayo sa isla.

Hinatag ko ang mga bagay na maaring makatulong sa aming mga pangangailangan. Sa maliit na paraan ay kailangang kumilos ako oara matuto sa buhay.

Pumayag sila.

"Nasa tamang edad ka na para magdesisyon. Ang sa amin lang, kung ayaw mo na kabayanan. Bumalik ka agad dito".

Paalaala ng itay.

Nabuhay akong matiyaga at wala siguro akong hahanapin para maging dahilan ng pagiging palalo ko.

Ang misyon ko ay makatulong.

Ngunit sa likod talaga nito ay makalimot.

Tatlong araw bago ako umalis isla upang makapaghanda.

Ipinagpaalam ako ni itay sa kaniyang kumpare na kung maaring sa kanila muna ako makipanuluyan habang naghahanap ng trabaho.

Huling araw at lilisanin ko pansamantala ang aking kinalakihang isla.
Hinatid ako ni itay ng siya naman ang mag-iigib ng tubig.
Hinatid ako sa aking tutuluyan.

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant