Entry 014 ANOTHER MAN

2K 84 1
                                    

Isang linggo pa lang akong naninilbihan sa bath house ay kabisado ko na ang sistema ng trabahong napasukan ko.

Dumaan ang isang buwan,dalawa tatlo,apat...nakapagtyaga ako para kumita.

Serbidor ng beer at ng pulutan sa gabi,taglinis ng buong kabahayan pagwala ng parokyano.

Wala na akong panahon para sa sarili at tanging tulog o kain lang ang aking nagagawa.

Pagbubuhat ng barbel o di kaya ay manood ng dvd lang ang tanging libingan. Nakakapagpapadala ako ng kinita ko sa isang kamag-anak na inaabot naman kay itay, kaya isang kaluwagan na rin para sa kanila ang ginagawa ko.

Libre ang tulugan at pakain kaya di magastos. Puyatan lang ang kalaban.

Trabaho lang ang kailangan para kumita.

Iwas ako sa mga parokyanong nagpapalipad hangin at mga alok na pagbigyan sila sa gusto nilang mangyari. Inaabot na sila ng kalasingan minsan kaya siguro pati ako ay gustong makatabi. Sinasakyan ko na lang sila bilang pakikisama.

Bawal ang makipagrelasyon o makisiping sa mga customer sabi ni boss Tim.

Sasakit lang daw ang ulo ko kung gagawin ko iyon.

Madaming lalaking customer ang naririto na naghahanap ng kakaibang masahe mula rin sa kapwa customer. Halos sa mukha lang sila nagkakakilala.

Magtatabi sa isang upaan,manonood ng pelikulang lalaki sa lalaki nagtatalik,iinom at sa dilim na magtatalik.

Nagulat ako sa unang gabi ko na ganito pala ang kalakaran ng napasukan ko. Kahit saan ako lumingon ay may mga parokyanong naghahanap ng panandaliang aliw. Magbabayad  ka lang sa entrada pwede ka ng makipagtalik ng libre sa kahit sinong gustuhin mo.

May ganito pa lang lugar...

Wala akong magagawa kundi tanggapin kung ano ang kaligayahan nila. Mahalaga sa akin na lagi sana silang pumunta dito upang kumita ako.

Sa kanila nakabatay ang kabuhayan namin sa isla.

Nagkaroon na rin ako ng regular na kaibigang customer.

Kabiruan at kung minsan ay nalilibre nila ako ng beer. Mainam daw iyon dahil sila naman ang magbabayad.

Nanawa na rin sila sa panliligaw na pagbigyan ko sila kahit isang beses lang.

Kahit ayaw ng boss ko,maging ako ay tutol din.

Walong buwan ang nakalipas...

Nakakausap ko na sa telepono ang tatay gamit ang cellphone ng pinsan ko sa batanggas. Gusto na nila ako pauwiin subalit kaya ko pa naman magtiis para sa kanila.

Kahit paano ay may kominikasyon na kami ng tatay tuwing sabado ng umaga.

Nabawasan ng lungkot ang pagtigil ko dito sa maynila.

Isang big event ang gaganapin mamayang gabi. Anibersaryo ng pagkakatayo ng bath house. Maaga pa lang ay abala na kami sa paghahanda ng mga dekorasyon.

Madaming dadalo sabi ng boss ko dahil taon taon naman laging tayuan angaliit naming bar maging ang mga madidilim na bahagi ng bath house.

Alas tres pa lang ng hapon ay madami na ang naririto. Hapon pa lang simula na ng inuman at lahat ng dumalo ay nakatema ayon sa patakaran.

Lahat sila ay walang saplot.

Liban sa akin at sa kasama ko,kami lang ang naka swimming trunks bilang pakikiisa sa kasiyahan.

Asiwa man ay kailangan.

Trabaho lang.

Habang lumalakad ang bawat oras ay napuno na ang aming lugar.
Kantahan,sayawan,inuman,at pagtatalik na ang nagyayari.

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Where stories live. Discover now