Entry 015 FORGOTTEN

2.1K 90 2
                                    

Nagising ako ng alas diyes. Limang oras lang pala ang naitulog ko. Nanakit ang aking katawan sa pagod dahil sa magdamag na trabaho at puyat.

Mamaya pa namang alas tres ang aming bukas at may oras pa ako para makalabas.

Ngayong umaga ko makukuha ang aking sweldo. Nagkape lang ako at nagpaalam na lalabas.

Iniabot sa akin ang dalawang libong sahod at bonus na limang daan. Malaki siguro ang kinita namin kagabi dahil ngayon lang ako nabigyan ng sobrang sweldo.

Maayos naman kasi pakitungahan si sir Tim. Huwag lang magkakamali sa pagkwenta at ibabawas iyon sa aming sweldo kung magkakagayon.

Sa tagal kong pagtigil dito ay di pa naman siya nabibigo kaya tiwala siya sa akin pagdating sa pera.

Lumabas akong mag-isa dahil tulog pa ang kasama ko. Sa kalapit na perapadala ay ipanadala ko ang aking sweldo. Tatlong libo para kina tatay. Isinama ko ang limang daan mula sa tip na natanggap ko kagabi at ang natira ay panggastos ko na.

Tatanggapin ito ng pinsan ko at ibibigay sa kanila ngayong umaga.

Malaking tulong ang mumurahing cellphone na nabili ko kayat madali ko silang nakocontact kung kailangan.

Matapos noon ay pumasok ako sa isang computer shop.

Nakibalita sa aking pinsan tungkol sa amin. May mga larawan siyang ipinost sa aking fb account.

Namimiss ko na sila tatay at nanay...

Namimiss ko na ang isla...

Ang mga bata...

Ang dagat....

Si Michael...

Nagbukas ako ng panibagong tab at tinipa sa web page browser ang sblog site ni Mike.

Wala na ang kaniyang blog site.

Wala siyang facebook at tanging isntagram lang meron siya.

Sa instagram niya ay walang pagbabago. Isang buwan ng walang update ito.

Mukhang hindi na yata siya nagbubukas ng account niya?

Maging ang blog niya ay wala na?

Nalungkot ako dahil ito lang ang tanging kasiyahan ko kahit di kami nakakapag-usap.

Ang makita at makaalam ng kaniyang mga ginagawa.

Bigo akong bumalik sa bath house ng walang bagong balita kay Mike.

Sa isip ko parang naputol na talaga ang uganayan namin.

Sa trabaho ko nakakalimutan pansamantala ang sakit na nararamdaman ko na wala na talagang pag-asang makita pa si Mike.

Ganoon nga talaga ang distansiya ng pag-ibig namin.

Masyadong malayo.

Minahal ko siya.

Hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso at isip ko na sana ay mabigyan pa kami ng pagkakataong magkita.

Ngunit malabo na nga yata.

Ilang araw at muling bumalik si sir Jelo.

Hindi na niya kasama ang kaniyang pinsan.

Sa bar lang siya naglalagi matapos magpamasahe. Makikipagkwentuhan,iinim at aalis din pagkatapos.

Hindi siya tipikal na bisexual na kagaya ng ilang napasok dito.

May batas sa bath house na kung ayaw ay huwag pipilitin kayat iwas na ang ilan sa kanya na yayain sa dilim.

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Where stories live. Discover now