Entry 009 TRAGEDY

2.3K 86 2
                                    

Ikalawang umaga na at di pa rin kami nagpapansinan ni Mike. Pagkagising ay nagtungo na agad ako sa aking gawain sa pagtulong kay itay. Di ko na siya ginising at agad na umalis. Kailangan ding mapalitan na ang kugon ng kubo namin dahil may ilang mga tulo na ring pumapasok sa loob ng bahay.

Magahapon na naman akong magtatali ng kugong ipapalit sa mga lumang bahagi ng bubong namin. Mamaya ko na lang kakausapin si Mike.

Gising na kaya siya?
Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?

Sana ay di siya komprontahin ni inay tungkol sa nakita niya sa amin at tanggapin na lang kami sa aming relasyon.
Kung maaring lang na unahan ko na si inay na ipagtapat kay itay ang relasyon namin ni Mike.

Paano kung kagaya din siya ni inay na tutol sa relasyon namin?

Natatakot ako sa maaring gawin ni itay sa akin o kay Mike.

"Ihatid mo muna yung natali mo sa bahay para di tayo mahirapan pauwi mamaya."

Natuwa naman ako at babalik ako ng bahay dahil makikita ko si Mike.
Inipon ko ang mga naitali ko ng kugon.
Pinagsamasama,binilot ng sako at pinasan pabalik sa aming kubo.
Malayo pa lang ay nakita ko na si Mike sa sukalan na nangunguha ng kahoy.

Nakita niya akong papalapit.
Patuloy lang siya sa pag-iipon ng mga panggatong.

"Ano ginagawa mo?'

Tanong ko. Aaminin kong nasasabik ako sa kaniya.

" Wulah na nan kehoy na stock tayo, so i decided na kuha ako."

Patuloy lang siya sa pamulot at pagtapyas ng mga malalaking tuyong sanga.
Mukhang alam na niya ang ginagawa ko araw-araw sa umaga kaya nagprisinta siyang gawin ito.

Sabay kaming umuwi na may dala sa aming mga balikat. Naghawakan kami ng kamay ng ilang segundo at nagbitaw dahil malapit na kami sa aming kubo.

Di man kami nakapag-usap kahapon alam ko na nauunawaan niya ang sitwasyon namin.

Inayos ko ang mga kugon sa silong. Sinilansan ng maayos upang madaling makuha sa paggamit naming pag-papalit ng bubong. Si Mike namay pinutol putol ang ilang mga nakuhang mga tuyong sanga ng pantay pantay at isinalansan din sa gatungan.

Ang nanay naman ay naglalaba sa may balon. Lumapit ako upang malaman niya na umuwi ako.
Mukhang maganda ang kundisyon niya at nagpaunlak sa aking pagmamano.

"Kumain na kayo ni Mike sa kusina at nakapagluto na ako ng agahan. Ako na ang maghahatid ng kakainin niya.."

Masaya ang kalooban ko dahil kinibo ako ni inay. Pero hindi pa rin iyon batayan na maayos na ang lahat para sa amin ni Mike.

Dumating naman si Mike na may dalang balde gamit ang pingga sa kaniyang balikat.

Tahimik siyang sumalok ng tubig sa balon at sinalinan ang dalawang balde. Maging ang batyang banlawan ni inay ay sinalinan niya.
Tutulong sana ako ngunit pinigilan niya ako. Si nanay naman ay nakatingin lang sa amin.

Di ko na siya napigilan at hinayaan ko na lang at nahihiya na rin ako kay inay sa kulitan namin.

Bumalik ng kubo si Mike at ang pininggang baldeng puno ng tubig.
Nangiti na lang ako kahit hindi siya marunong sa tamang paraan ng pagpasan ay nakarating siya sa kubo.

"Naglinis ng bahay,nangahoy,ngayon naman nag-igib. Ano ba yan? Namamanhikan ba yan?"

Nagulat naman ako sa sinabi ni inay.

Ngayon ako naman ang nagsalok muli para kay inay para sa kaniyang paglalaba.
Wala pa rin akong imik.

"Mahal mo ba si Mike?"

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Where stories live. Discover now