Entry 010 BROKEN

2.2K 90 7
                                    

"It's all my fault!
What have I've done!
Oh my God!Nooo!!!!
Kevin I'm sorryyyy!!!!"

Palahaw ng iyak ni Mike.
Wala akong maintidihan sa sinasabi niya.
Pinakalma ko siya.
Hininaan naman niya ang kaniyang boses sa pagsasalita sa akin.
Putol putol ang kaniyang mga kwento dahil sa kakaiyak.

Kinuha niya sa kusina ang panalok na lata ng balon.
Di niya sinasadyang naiuwi niya pala ito ng mag-igib kanina.
Ito ang panalok ng mga bata at nanay dahil sa maliit ito at magaan hilahin kung iigib.
Ang tanging panalok marahil na ginamit ni Kevin ay ang malaking ginagamit namin. Mabigat iyon kung hihilahin. Insidente sigurong nahila pababa si Kevin ng sumalok.

Ito ang nabuo sa isip ko.

"Beacuse of this!
Because if this freakin thing why kevin died!
Because of my stupidty!
Because if this!!!"

Insidente ang nangyari.
Naghalong inis at awa ang nararamdaman ko ngayon dahil sa isang simpleng kapabayaan.

Nawala ang isang inosenteng buhay dahil sa isang panalok lang.

Lumayo sa akin si Mike at umupo sa isang sulok at doon umiyak.

Sa sama ng loob ko sa pagpanaw ng inaanak ko ay binuhos ko ang galit sa panalok na lata.

"PUT*NG INA!!!!"

Hinampas ko sa lupa ang lata ng maraming beses.Nayupi ito dahil sa galit. Sumuko ako ng makaramdam ako ng sakit sa aking kamay. Nasugatan ako subalit mas masakit ang nararamdaman kong sugat sa puso.

Hindi ko dapat sisihin si Mike sa nangyaring pagkamatay ng bata. Subalit sisinisisi niya ang sarili sa nagawa. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Muli akong lumapit at lumuhod sa kaniyang harapan.

Niyakap ko siya.
Pinaalam ko na wala siyang kasalanan at di niya sadya ang nangyari. Pinapayapa ko siya sa pag-iyak.
Niyakap niya ako.

"I'm sorry! I'm so sorry!!!!"

Iyon na lang ang tanging sinasabi ni Mike. Namaos na siya kakaiyak.
Pinagpahinga ko siya sa kwarto at sinunod naman niya ang ang sinabi ko upang makapagpahinga muna siya.

Maigi at di nasunog ang sinaing ko at nagsakto ang gatong na naupos at naluto ng maayos ang kanin.

Sinilip ko siya at niyayang kumain.
Tumangi siya.
Gaya niya ay wala rin akong ganang lamnan ang aking sikmura.

Bumalik ako sa bahay ni ate Sabel. Nagtutulong sila ni inay na nililinis ang malamig na katawan ni Kevin. Panay singhot lang ang aking naririnig. Ayaw kong makita ang maliit na katawan niya kayat nagtungo ako sa likod ng bahay.

Naroon si itay,gumagawa ng paghihimlayan ng labi ng bata. Isang manipis na plywood na galing pa sa dingding ng bahay nina ate Sabel ang ginamit. Ito ang naghahati sa kanilang kusina at sala.

Ang mga nakababatang kapatid naman ni Kevin ay sa kabilang bahay muna pinatulog kasama ni ate Merly. Siya ang kapatid ni kuya Ador.

Tumulong ako sa paggawa ng kabaong.

Ito na yata ang huling maitutulong ko para sa kanya. Tumutulo ang mga luha ko kasabay ng mga pukpok ng martilyo sa mga lumang pakong bumabaon sa mga kahoy at tabla.
Di ko na ininda ang sakit ng sugat ko sa kamay na muling dumugo. Kahit gasera lang amg amin gamit ay maayos naming nagawa ang kabaong.

Maihahambing sa isang kahon ang nabuo namin. Ito lang ang kaya namin. Ang magkasya sa kung ano meron kami.

Wala na kong maiyak ng ilagay namin siya sa loob. Sinabuyan ng inay ng asin ang papag at doon ipinatong ang kabaong upang di langgamin ang labi at saka tinakpan ito.

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Where stories live. Discover now