Entry 019 WHERE ALL STARTED

2.1K 86 8
                                    

Huling araw ko na dito sa Maynila...

Maaga ako nagising.

Lamang ang pananabik kong makauwi sa aking pamilya sa lungkot na lilisanin ko na ang maynila.

Kalaban ko lang ay ang malayo sa pamilya at hanapin nakasanayang buhay. Oo,trabaho ang tulungan si Sir Jelo sa kaniyang condo. Pero pansin ko parang ako pa ang tinutulungan niya. Ako pa ang kaniyang pinagsisilbihan.

Tulog pa siya sa kaniyang pagkakahiga.
Mamimiss ko rin si sir Jelo pagkatapos niya akong ihatid sa amin. Di ko alam kung kailan uki kami magkikita pagkatapos nito.
Isa siya sa pinakamabait na taong nakilala ko. Lahat ng ginawa niya ay tatanawin ko talaga ng malaking utang na loob.

Ingat akong bumangon para hindi siya maabala.
Walang kaingay-ingay akong lumabas ng silid upang makapaghanda ng aming agahan. Alas sinco ng umaga na pala. Ang aga kong nagising. Dala marahil ng excitement na makauwi sa isla.

Halos mag-iisang taon din akong nakatiis malayo kina itay.

Ganito siguro ang pakiramdam ng mga nag-aabroad. Dito nga lang ako sa maynila ay halos lumabas na ang puso sa pananabik. Ano pa kaya ang mga nasa ibang bansa na napakatagal umuwi.

Nagsalang ako ng kape sa coffee maker. Naghanda ng sliced bread para maiinit sa toaster,fried egg,bacon at nagsaing sa rice cooker.

Ilang araw matutulog si sir Jelo sa amin. Paniguradong maninibago siya sa agahan naming tapa ng kambing at gulay.

Sabagay madali siya makibagay. Kung sa luto ko nga kahit prito lang napagitiyagaan niya.

Tiningnan ko ang buong paligid ng kaniyang unit. Mamimiss ko rin amg lugar na ito. Kahit sa sofa lang ako nakapwesto noon kung matulog,ang malaki niyang tv screen, ang kusinang ito,maging ang banyo mamimiss ko.

Wala kaming ganitong mga karangyaang alok ng pag-asenso. Ipagmamalaki ko lang ay may magulang ako na nagmamahal sa akin, mga kaibigan at kalarong bata,ng dagat,ng sariwang isda,ng kalikasan...

Wala ang maynila noon.

Bilang lang siguro...

Kasama sa bilang noon ay si sir Jelo.

Nag-aayos na ako ng mga kahong dadalhin namin ng marinig ko ang boses ni Sir Jelo sa aking likuran

"Di mo ako ginising."

Nakatayo na pala siya sa may pinto ng kwarto habang pinapanood ako.

"Okay lang sir, kaya ko naman ito, isa pa maaga pa naman."

Habang naghihilamos siya sa banyo ay pinaghain ko na siya ng agahan. Sabay na kami kumain at magkasunod na naligo.
Matapos noon ay nagtulong buhatin sa mga kahong isasakay namin sa elevator hanggang sa kaniyang kontse.

Alas otso ay nasa biyahe na kami patungo ng batanggas.

Mahaba rin ang biyahe kaya kahit kulang sa tulog ay nanatili akong gising upang makakwentuhan ni sir Jelo habang nagmamaneho.

Dalawang araw ang plano niyang manatili sa amin. Naikwento ko na sa kaniya noon ang buhay namin sa isla kaya ganoon na lang ang interes niyang maranasan ang buhay sa hirap at makilala ang mga naiwan ko isla.

Kahit lumaking mayaman ay may puso siya sa mga kagaya ko. Hindi lang sa larawang nakasabit sa kaniyang condo ang katibayan ng kaniyang pagtulong .Patunay iyon noong nagpakain kami ng mga batang lansangan noong isang araw.

Hindi na ako mag-aalala dahil mukhang handa at madali naman siyang mag-adjust sa lugar namin.

Nakarating na kami ng batanggas.
Doon kami huminto kina kapitan para ibaba ang aming mga gamit.

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Where stories live. Discover now