CHAPTER 10 - SEMBREAK

Start from the beginning
                                    

"Well.. we've seen things." Wika ko kay Jerra.

"Things that we shouldn't even saw." Dagdag naman ni Steph.

"What do you mean 'things'?" Tanong pa niya na siya rin ang sumagot nang pumasok sa isip nito kung ano ang gusto naming ipakahulugan.

"Wait!? YOU'VE SEEN THEM NAKED!?" Malakas na sambit ni Jerra na ikinalihis ng paningin naming dalawa sa ibang direksyon.

"Sana nga 'yon lang." Bulong ko pero dinig pa rin ito.

"What? THERE'S MORE?!" Pagkagulantang pa nito.

"T-Teka! Hindi namin sadya na makita ang mga bagay na 'yon. So these must be left unsaid. I feel so guilty talking about this now." Lahad ni Steph.

"I think it's better if we rest and sleep. Halos four hours pa naman bago tayo makarating doon." Turan ko naman sa kanya.

"Pero kas--"

"Shhh.. let's have some peace. Shall we?" Pagpigil ni Steph sa dapat niyang sasabihin at napabuntong-hininga na lang si Jerra.

Natulog na nga kami matapos nun. Umidlip muna kaming tatlo para naman pag-landing ng eroplano ay talagang handa na kami para sa gagawin namin.

"Ladies and Gentlemen, we would like to tell you that in 5 minutes we are about to touch down to Incheon International Airport. Please wear your seatbelts for your own safety. Thank you." Biglang pag-announce ng stewardess ilang oras ang makalipas.

Kung kaya't ginising ko na si Jerra dahil si Steph ay gising na rin naman na. Napakahirap gisingin ni Jerraldina. My God! Tumutulo pa laway.

Pero teka? Pati ba astral body naglalaway din? Anong tawag dun?

Astral Saliva? (Nice one. Last mo na 'yon.)

Pero anyways, Ginising ko na nga ang tulog-mantikang si Jerra mula sa pagkakahimbing. Nagising ko naman siya pero hindi niya maidilat ng mabuti ang mga mata niya bunga ng sobrang kaantukan.

Sinabihan ko na lang ito na gisingin niya na ang diwa niya dahil malapit ng lumapag ang eroplano sa Incheon.

For the meantime tumingin muna ako sa labas ng bintana since nasa tabi ko lang ito. Namangha ako dahil kahit separate na isla ang Incheon ay sobrang liwanag at urbanized pa rin nito.

Maya-maya ay nakita kong pababa na nga ng pababa ang sinasakyang naming eroplano hanggang sa maramdaman namin ang pagkalabog nito na ibigsabihin ay nakalapag na ang eroplano sa runway ng airport.

Maya-maya ay tumigil din sa pagtakbo ang eroplano at nagsalita na ang stewardess muli na okay nang bumaba.

Kaya naman syempre dahil wala naman kaming bagaheng iniitindi ay umalis na kaagad kami at nilagpasan ang mga taong nakaharang sa amin.

"Gosh! I can't believe that I'm here! So.. where should we go?"  Tanong ni Jerra na punong-puno ng pagkasabik.

"Wait! Wag ka munang maingay dyan. Iniisip ko kung saan kami dumaan ni Steph nun." Sambit ko kay Jerra habang nasa labas na kami ng airport.

"Ah! Natandaan ko na! Come on girls.. Follow me!" Sambit naman ni Steph.

Sinundan na nga namin si Steph nang dahil doon. Kung saan-saang eskinita kami nagpaikot-ikot at lumusot.

Ngayon ko lang narealize na ang haba pala ng nilakbay namin ni Steph noon? Ba't ngayon ko lang to napagtanto? O sadyang aliw na aliw lang talaga ko that time dahil sa mga nakikita ko sa paligid.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now