Chapter 14

1.4K 33 1
                                    

Hunter's Pov






"Hindi ba natin pwedeng i-take out ang pagkain? Gutom nako eh." Dinig naming reklamo ni Shin. Kahit kailan talaga patay gutom ang isang ito. Puro nalang pag kain ang nasa utak. Paano ikakasal ito eh walang ibang mahal ito kundi pagkain?





"Pwede ba Shin? Anong gusto mong mangyari? Mapahamak si Keith? Sge mamili ka. Pagkain o kaligtasan ni keith?" Tanong ni Raiver. At alam ko na isang maling sagot lang ay sapak ang abot nito kay raiver.




"Pwedeng pareho? Pareho ko silang gusto eh. Pero pag kain talaga ang gusto ko hindi si keith. Ayoko pang mamatay ng maaga sa kamay ni cody." Sabi nya. Sasapakin na sana ni raiver pero inawat sya ni keith.




"Tama na yan. Nag mamadali tayo oh." Sabi nya. Kaya agad kaming tumakbo. Pero agad kaming napabalik ng makita namin na maraming lalaking nakaitim ang papasok ngayon sa mall. Sh*t. Di kami pwedeng lumaban kasi maraming mapapahamak. Maraming tao dito sa mall. At baka mapahamak pa si keith. Kami na naman masisisi kay cody.





"Doon tayo!" Turo ni keith sa iaang womens botique. Aangal pa sana kami kaso no choice. Baka makita kami. Hindi kami tumakbo. Nag lakad lang kami kasi kung tatakbo kami. Mas mahahalata kami.




"Tawagan na natin kaya si cody?" Suggest ni keith. Alam ko na natatakot sya. Kasi minsan na syang natorture ng mga lalaking iyon kaya talagang matatakot ka. At di lang yun. Plus pa na ang papanget nila. Kaya talagang matatakot ka sa kanila. Sino bang hindi?





"Siguro nga. Sinong kakausap?" Tanong ni shin. Agad naman nag taas ng kamay si keith na para bang estudyante sya at kami ang teacher nya. Sabagay. Teacher nya nga pala kami.





Ini-abot namab ni shin ang phone nya kay keith. At base sa mukha ni keith ay naiirita sya. Ilang beses nyang dinial ang number ni cody pero walang sumasagot. Ano naman pinag kakaabalahan ng kumag na yon?





"Di sya sumasagot." Dismaya na sabi ni keith. At ibinalik ang cellphone kay shin.




"Mag hihintay nalang tayo na makaalis. At makapunta sa parking lot ng mabilis. Kasi baka makatunog pa sila at mahuli tayo." Sabi ni raiver kaya sumang ayon kami.




Nang makita namin na lumagpas na yung mga lalaki ay agad kaming lumabas ng botique. Nag papacute pa yung mga babae sa shop. At napansin ko pa na kumakaway sa raiver sa kanila. Manwh*re.





"Wag nyong bilisan. Nahahalata kayo eh." Inis na sabi ni keith. Kailangan kasi namin makaalis ng mabilis. Para di na din madamay ang mga tao sa mall na ito. Pero di kami pwedeng mabilis mag lakad kasi mas halata na may pinag tataguan kami.





"Oo nga naman. Cool lang dapat. Parang ako. Cool." Sabi ni raiver at nag pose pa na parang action star na hinahawakan ang kwelyo nya. Narinig namin ang tilian ng ibang babae. Tsk. Kaya lumalaki ang ulo eh.





"Ang lakas talagang makahatak ng kagwapuhan ko. Walang kupas. Tsk. Tsk." Pag mamayabang nya pero di namin sya iniintindi. Di naman sya importante sa oras na ito. Ang importante samin ay mailayo si keith sa lugar na ito.




"Yes. Nasa exit na tayo." Masayang sabi ni keith. Nasa exit na nga kami. At salamat sakin kasi sa malapit ko lang pinark ang sasakyan pero di masyadong kita ng mga tao.




Nang nasa sasakyan na kami ay halos mag bunyi kami kasi maalis namin si keith dito. At pwede pa namin balikan yung mga panget na yun at makipag practice ng sandali.




"TAAS NYO MGA KAMAY NYO!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko. Huli na nang mapansin ko na madali sila. At may mga baril pa sila. Halos dalawang van yata sila. Ganon sila karami. Tsk. Mga duwag pala eh.





Nag taas naman kami ng kamay. Nakita ko pa na naginginig si keith at nakikita ko na natatakot sya. At di ko sya kayang tignan ng ganon.




"Bigay nyo samin ang babae kung gusto nyo pang mabuhay." Sabi nung isang lalake pero di namin sya pinapakinggan. Nag iisip ako ng paraan para makatakas pa kami kahit alam kong impossible. Nakaharang kasi sa daan ng sasakyan namin ng sasakyan nila. Kaya di kami makakaalis ng mabilis kasi may harang.





Nakita ko na hinawakan nila si keith sa kamay at pinosasan sya. Hinila nila ito papuntang van nila. At bago oa sya makapasok ay sinuntok ko na sa panga yung lalaking nakatutok ang baril sakin. Nakita ko din na gumalaw sina shin at raiver. Agad na sumugod yung mga nasa van at nag babantay kay keith kaya naiwan sya. Sinenyasan ko sya na umalis na. Alam kong ayaw nya pero pinilit ko nalang. At nakita ko na unti unti na syang umaalis.




Nag patuloy lang ang away namin dinidistract lang namin sila para di nila mapansin na wala na si keith.




"Tigil! Wala nang kwenta tong away na ito! Bumalik ka dito babae!?" Sabi nya at nag paputok sa direksyon ni keith. Buti nalang at di sya natamaan. Napaharap naman sya dahil don.





"Bumalik ka o pasasabugin ko ang ulo ng kaibigan mo." Sabi nya. At makita ko si shin na bugbog sarado. Langya! Kahit kailan talaga itong lalaking ito!




Umiling ako sa kanya at nakita ko ang pag tutok na halos limang baril sa ulo ko. Narinig ko pang sinabi ni keith na 'wag' this time sya naman ang umiling sakin at unti unti syang lumapit. Sh*t! Sasama sya?





"Pakawalan nyo na sila. Please." Sabi nya. Alam kong naiiyak na sya pero pinipigilan lang nya.




"Sumakay kana sa van. Dalian mo!" Sabi nya. Sumunod naman si keith. Pero bago yun. Tumingin sya sakin. Ang mga mata nya. Nangungusap ang mga mata nyang tumingin sakin. Alam ko sa mga mata nyang iyong ay sinasabi nya na tulungan namin sya at hanapin pag katapos nito. Tumango lang ako sa kanya at nakita ko ang pag ngiti nya.




Agad na sumakay ang mga lalaki sa van at umalis. Sh*t! Bakit nakuha nila si keith ng ganon kadali!?



"Gisingin mo nga yang si shin. Busit." Sabi ko kay raiver. Agad nyang tinapik tapik ito sa mukha para magising. Nang magising ay inalalayan namin makasakay sa backseat ng kotse. Kami ni raiver sa harap. Ako ang nag da-drive. Kasi di nila kaya. Mas marami kasi silang naka away eh. Kasi sila sugod ng sugod na walang laman ang utak.




"Tawagan nyo si cody." Sabi ko. Nakita ko naman na natakot sila. Kaya no choice ako. Ako na din ang tumawag. Ano pa bang aasahan ko sa dalawang ito.




Hintayin mo lang kami keith. Darating kami.





------------------------------

My Temporary Girlfriend (COMPLETE)Where stories live. Discover now