Chapter 6

1.8K 53 0
                                    

Cody's Pov

Kinabukasan..

Maaga akong nagising dahil aalis pa ako. I have to go to my company. Tumawag ang secretary ko na ngayon ang pakikipag usap ko sa isang investor. Tsk. Kahit wala naman yun mabubuhay pa din ang company ko.

Nang matapos akong mag ayos agad akong bumaba para mag almusal. Nadatnat ko si keith na nag hahain sa lamesa at may niluluto pa sya. Di nya ko napansin kasi masyado syang busy sa ginagawa.

Nakita ko ang mga luto ng itlog at bacon. Pero bakit ganon ang itsura ng pan? Parang di man na toast pero toast ang itsura at may pag ka yellow pa sya.

Bumaba ako hanggang dinning at umupo agad sa pinakadulo. Dahil dito talaga ako nakaupo.

Pinakatitigan kong mabuti yung pan kung anong ginawa nya. Sya ang nag luto sigurado. Kasi kung maid ko mag luluto naka toast yan. Pero sa nakikita ko. Hindi sya naka toast.

"Oh cody. Nandito ka pala. Paumanhin di ko napansin na ika'y nandito." Sabi nya. At inilapag ang sinangag.

"Ano to? Bakit ganito ang pan? Dimo ginamit ang toaster?" Tanong ko habang tinuturo ang pan.

"Pasensya na. Di ako marunong gumamit ng t-to-aster na sinasabi mo eh. Pero masarap yan. Pan yan at isinawsaw sa itlog at pinorito. Ganyanang ginagawa namin. Kahit tikman mo man. Pangako masarap yan." Sabi nya. Pag dating nila hunter di lang mga words ang papaturo ko sa kanya. Pati mga gamit na di nya alam.

Kumuha ako ng pan dahil yun ang nakasanayan ko pag umaga. Pag ako namatay dito mumultuhin ko tong babaeng to.

"Masarap ba?" Parang excited na sabi nya.

Di naman pala masama eh. Masarap sya. Parang di na kailangan mag palaman. Masarap sya. Saan nya naman nalaman to?

"Pwede ng pag tyagaan." Sabi ko. Kesa naman sabihin kong masarap. NO WAY!

"Ganon? Siguro di ko pa nakukuha ang pag kakaluto ni mama. Pero saglit lang naman yan eh. Susubukan ko nalang sa susunod." Sabi nya.

"Marunong ka palang mag luto?" Tanong ko. Di kasi biro na marunong syang mag luto. Masarap din pag kakaluto nya. Sakto lang sya.

"Ah oo. Tinuruan ako ni mama. Pati mga ulam marunong ako. Pag luluto kita mamaya." Sabi nya. Ok na din yun kesa kung ano pang pinag gaga-gawa nya sa bahay ko.

Di nalang ako sumagot. Kasi di ko alam kung anong sasabihin ko.

"Ang daming mga kakaibang mga kasangkapan dito no? Yung pag lutuan, samin kasi ginagamitan namin ng panggatong. Alam mo yun? Yung kahoy gagamitin namin? Pero dito, iikot mo lang yung parang ikutan sa baba, aapoy na sya. Nakakamangha talaga. Tapos ang iba sa mga kagamitan dito nakakamangha talaga. Pati yang pag kain na yan. Ano ba yang mahaba na yan? Sabi kasi nung babae favorite mo daw yan." Daldal nya. Sabay turo sa bacon. Ano pa bang aasahan ko? Malamang di nya alam. Haist.

"Bacon." Maikling sabi ko. Busy kasi ako sa pag kain eh.

"Ahm. Saan ba pwedeng mag igib ng tubig? Gusto ko na kasing maligo. Kaso di ko alam kung saan mag iigib. Saan ba?" Tanong nya na nakapag paubo sakin. Putik! Last nalang na subo eh.!

"Tuturuan kita mamaya. At darating mga kaibigan ko para turuan ka sa mga bagay bagay dito." Sabi ko at tumayo na. Aalis nako. Nabadtrip nako sa busit na subo na yan. Konti nalang eh.

"Ah sge. Teka lang! Yung kurbata. Di masyadong maayos. Dapat pag umaalis ka inaayos mo ang damit mo para presentable kang tignan sa harap ng tao. Oh yan. Maayos na. Sge. Baka mahuli kapa sa katatagpuan mong tao." Sabi nya. Di ko alam pero napapatitig nalang ako sa kanga habang ginagawa nya yun. Bakit ba kasi ang ganda nya? Mukha syang manika.

"Ahm. Wag ka ng bumili ng tanghalian mo. Pag hahanda kita at papahatid ko sayo. Para di ka na mag labas ng pera." Dagdag pa nya. Napatango nalang ako kasi busy pako sa pag tingin ng mukha nya.

Hindi mo iisipin na alien sya kasi maganda sya. At para syang anak mayaman kasi maputi din sya. Kaya paanong mahirap at talaga ibang planeta sya kung ganyan sya kaganda? Haist. Mababaliw na ko neto eh.

"Dude!! Nandito na kami!" Dinig kong sigaw ng mga epal kong kasama. Oo kasama. Ayokong tinatawag silang wala. Nevermind.

"Asaan ang i-tutor namin. Excited nako. Magiging teacher na kami. Haist! Ang gwapo ko talaga." Sabi ni shin. Hinayaan ko nalang. Bahala sila dyan.

"Si keith. Girlfriend ko. Sya ang tuturuan nyo." Sabi ko. Yun naman talaga ang pakilala ko nung una palang ah?

"Dude? Tototohanin mo bang gf mo yan?" Raiver smirk at me. At ayoko ng smirk nyang yun.

"Basta. Turuan nyo sya hindi lang mga english words kundi pati ang mga gamit dito na di nga alam. Ituro nyo lahat sa kanya. Dapat pag balik ko may alam na sya. Kundi di na kayo sisinagan ng araw." Banta ko sa kanila.

"Roger boss." Shin.

"Areglado." Hunter.

"Kami bahala dyan." Raiver.

"And one more thing. Wag na wag nyo syang tuturuan ng mga makamundong bagay. At alam nyo na yun. Alam ko kayo. Mga mal*l*bog kayo. Wag na wag nyo syang tuturuan kahit na ano sa mga yun. Nag kakaintindihan tayo?" Sabi ko.

"Naman. Yun pa naman ang nasa isip ko eh." Disappointed na sabi ni shin.

"Oo nga. Ang kj mo naman dude." Gatong pa ni raiver.

"Sge turuan nyo sya. At di na kayo makakalabas pa ng bahay na to ng humuhinga pa." Banta ko sa kanila.

"Ikaw naman boss. Masyadong seryoso. Binibiro ka lang nila." Sabi ni hunter

"Pwes di ako tumatanggap ng biro." Sabi ko.

"Ahm. Pag paumanhin. Ngunit sa dami ng sinabi nyo di ko na nakukuha ang pinag uusapan nyo." Sabat ni keith

"Haist. Sge na keith. Aalis nako. Sila ang mag tuturo sayo. Ahm. Sge. Kayo na bahala sa kanya ah. Babalik ako agad. Subukan nyo syang lokohin tatamaan kayo sakin." Banta ko sabay alis.

Busit. Di ako mapanatag. Baka puro kahalayan ang gawin nila dun. Yun lang kasi laman ng utak ng tatlong yun eh. Mabuti pa papabantay ko nalang sa buttler ko para sigurado ako.


-------------------------------------------------------------

Happy new year everyone.

Di ko alam kung kailan ulit ako mag a-update. But i'll try this january😂

Support and spread the story.

XM

My Temporary Girlfriend (COMPLETE)Where stories live. Discover now