Chapter 4

2.2K 54 2
                                    

Cody's Pov

I'm here in the parking in the hospital looking for my car. Kasama 'tong babaeng to. Haist. Makakaya ko bang kasama 'to sa bahay?

"Cody? Nasaan tayo? Aalis na ba tayo? Ano itong mga malalaking kahon na nakakatakot?" Tanong nya sakin. Anong kahon? Wala akong nakikitang kahon sa paligid.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang inililibot ng tingin ang paligid. Baka kotse ang ibig nyang sabihin.

"Hindi yan kahot. Koste ang tawag dyan." Sabi ko.

"Kotse? Ano naman silbi nito?" Tanong nya ulit. Haist. Ang hirap naman mag paliwanag.

"Ahm. Dadalhin ka nya sa gusto mong puntahan." Sabi ko.

"Kung ganon ito ay pawang kabayo? Ganon ba iyon?" Tanong nya ulit. Bakit ba ang kulit nya?

"Oo parang ganon na nga. Oh eto na pala ang akin. Tara." Sabi ko at binuksan ang kotse ko.

Nang malagay ko ang seatbelt napansin kong di pa sya pumapasok. Binuksan ko ang bintana para tanungin nya.

"Di kapa ba papasok?" Tanong ko.

"Pero di ko alam kung paano eh. Paano ba?" Tanong nya.

Haist. Taga bundok nga pala to. Bakit ko ba nakalimutan? Bumaba ulit ako at pinag buksan sya ng pintuan pero tinignan nya lang ako.

"Pumunta ka dito at pumasok." Ginawa naman nya pero padapa. Ano ba naman nyan!?

"Umupo ka nga!" Sigaw ko. Agad naman nyang ginawa.

"Pasensya na kung di ko alam." Sabi nya. Haist. Agad naman akong lumipat sa drivers seat at nag maneho.

Saan ko naman dadalhin ang babaeng 'to? Haist. Napatingin ako sa kanya na tamihik lang na nakaupo at nag mamasid sa paligid.

Hinihinto ko muna sa gilid ng kalsada dahil napansin kong wala syang seatbelt. Haist.

"Sa susunod lagay mo 'to ah. Mahalaga to." Sabi ko sa lagay ng seatbelt nya at balik sa pag dadrive. Bakit ba ko kinakabaha nung nag lalagay ako ng seatbelt nya? Lagi naman akong nag lalagay non ah? Di yata maganda na nandito ang babaeng to. Mababaliw na yata ako.

Habang nag iisip kung saan ko sya dadalhin. Napansin ko naman na yung sapatos ko na malaki sa kanya ang suot nya. Ganon din ang damit ko. Haist. Obligasyon ko pang bilhan sya ng damit.

Naisipan kong idala sya sa mall para bumili ng damit nya at pansapin sa paa.

"Matagal pa ba tayo?" Tanong nya ulit. Haist. Ano ba yan. Di ba sya nawawalan ng tanong?

"Malapit na. Eto na nga eh." Sabi ko at mabilis kong pinarada sa pinakamalapit na mall na nakita ko.

"Tara. Bumaba kana." Sabi ko.

"Pero di ko alam kung paano." Sabi nya ulit. Haist! Naman.

"Pindutin mo 'tong gilid at hilahin pataas. Ganto tanggalin ang seatbelt. Kung lalagay mo naman ipasok mo lang ng ganto tapos okay na." Sabi ko.

"Ah. Madali lang pala." Natutuwang sabi nya.

"At pag labas naman, nakikita mo 'tong parang butas na mas mahabang hawakan? Pihitin mo to at mabubukas ang pintuan." Sabi ko at nakita ko naman na nakikinig sya ng husto.

Agad kaming lumabas at tinuro ko din kung paano sya buksan para naman kahit paano di nako makunsume mamaya.

"Ang ganda naman sa lugar na ito. Ang laki. Puro maraming kahon." Sabi nya. Sa parking palang ng mall namamangha na sya paano pa kaya sa loob? Wala ba sa bundok ng kotse?

Nang makapasok kami sa loob wala akong narinig kundi puro puri nya. Ngayon lang sya nakapunta sa mall?

"Ang ganda dito. Ang daming bitwin!" Sabi nya. Di ko alam kung matatawa ako o ano. Anong tawag nya sa ilaw? Star? Mukha bang star ang ilaw?

"Di yan sta-- bitwin. Ilaw lang yan." Sabi ko.

"Ilaw lang yan? Ang galing. Ang ilaw samin apoy lang ang gamit." Sabi nya. Sana bundok ba galing 'to?

"Tara na nga. Wag ka ng tumingin dyan. Dito ka lang sa tabi ko baka mawala ka." Sabi ko. Mahirap na baka konsensya ko pa to.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit ang daming tao? Tsa---- halah! Tignan mo yun oh! Yung daan sa gitna papunta sa taas. Ang galing naman!" Sabi nya. Napatingin ako sa tinuturo na at natawa nalang akom scalator lang pala.

"Tara dito tayo. Wag mo ng pansinin yan." Sabi ko sabay hila sa kanya papunta sa isang woman's botique.

"Good morning sir, ma'am?" Sabi nung saleslady.

"Find her dress, blouse, shirts, underwear, shoes, shorts, skirts and accesories that suit to her." Sabi ko sabay upo sa bakanteng upuan ng botique.

Agad naman syang pinamili ng saleslady at pinasukat ang mga yun at wala nakong paki sa mga yun dahil wala akong paki sa mga damit pang babae.

*beep*beep*

Hunter calling...

"Bakit ka tumawag?" Sagot ko agad.

"Wala man lang bang hi o hello dyan dude?" Sabat nya agad.

"Bababa ko na ba? Wala kang kwentang kausap." Sabi ko.

"Pre! Pumunta kami dito sa hospital wala na pala kayo. Di mo sinabi na nakalabas na pala si miss cute. Wag kang sakim dude." Wala akong panahon sa drama ng taong 'to busit naman.

Agad ko ng binaba ang tawag.

"Ahm. Cody?" Tawag nya. Nakita ko naman na nakabihis na sya ng disente. At least ngayon mukha na syang babae.

Sabagay kahit anong suot nya maganda sya. Bakit ba kasi may gantong kaganda? Tsk!

"Pwede bang patulong sa mga papel na to?" Sabi nya. Tinutukoy nya yung mga paper bag.

Agad ko naman binuhat ang mga paper bag nya at binayaran lahat.

"Bakit ba kasi kailangan isang damit sa isang lalagyan? Di ba pwedeng pag sama samahin nalang?" Tanong nya. Paano ko ba masasagot yung tanong nya? Di naman ako ang nag balot eh.

"Hayaan mo na. Basta nandito na lahat." Sabi ko at pumunta ng resto. Mag te-take out nalang kami ng pag kain.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko. Nang di sya sumagot napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya sa isnag fastfood chain.

"Mcdo?" Tanong ko.

"Ano yun? Bakit yung tao di gumagalaw?" Tanong nya habang tinuturo ang mascot ni mcdonalds.

"Pft. Oo nalang ako. Gusto mo bang kumain dyan?" Tanong ko.

"Pwede ba? Gusto ko sge!" Sabi nya at tumakbo papunta doon at tumingin sa loob.

Haist. Wala nakong magagawa. Parang bata. Tsk.







-------------------------------------------------------------

Pasensya sa late update. Haha. Pag tyagaan nyo muna yan. Try ko ulit mamaya😂

Spread and support the story

XM

My Temporary Girlfriend (COMPLETE)Where stories live. Discover now