Chapter 7

1.8K 52 1
                                    

Hunter's Pov


"Madali ka naman palang turuan eh. Di naman kami mahihirapan na mag turo kasi agad mong nagegets eh." Sabi ni shin.


At sa totoo lang? Sya lang nag tuturo di kami kasama ni raiver. Kahit paano kasi yun ang sinasabi nya. Pero at least nakukuha naman ni keith.

"Maraming salamat sa inyo." Sabi ni keith. Ang ganda talaga ng babaeng 'to. Saan kaya dinekwat ni cody 'to? Para makadekwat din ako ng ganto ka ganda. Ganto ba naman kaganda ang kasama mo sa bahay baka di ka na lumabas ng bahay. Baka kwarto na lang kayo buong mag damag.

"Hep hep! Anong sinabi ko sa salamat? English diba?" Sabi ni shin.

"Horay!" Sabi ni raiver.

"Anong horay?" Tanong ni shin. Kahit kami napatingin sa kanya.

"Sabi mo kasi hep hep eh. Kala ko mag lalaro tayo." Biro nya. Pero binato lang sya ng unan ni shin. Nasa sala kasi kami.

"Inamag joke mo. Sa susunod kasi ilugar mo yang joke mo." Sabi nya. At agad na tumingin kay keith na clueless sa mga narinig. Di nya siguro alam yung laro na hephep horay kaya ganon.

"Anong english ng salamat?" Tanong ni shin. Mga basic muna kasi ang itinuro ni shin. At mga words na muna. Sa susunod na daw ang mga gamit. Kasi mas madali kung matututo muna sya sa mga gantong bagay bago gamit. Kasi pag gamit, pati kung paano gamitin ay ituturo na ni shin.

Di kami kasama. Sya lang. Kaya na nya yun.

"Ahm. Ano kasi yun? A-ah. T-thank yo-u?" Bulol na sabi nya. Pft. Di pa sya siguro sanay sa mga english na words. Pero masasanay din naman sya eh.

"Very good. Ang galing mo talaga. Di ka lang maganda, madali ka ding turuan. Matalino ka siguro?" Tanong ni shin.

"Ahm. Di ko alam eh. Pero kung ganon man nag papasalamat ako kasi di kayo nahihirapan na turuan ako." Sabi nya.

"Saan ka ba galing?" Tanong ko. Napatingin naman sila sakin.

"Bakit? May masama ba sa tanong ko?" Tanong ko ulit. Para kasing may malaki akong kasalanan sa pag tatanong ko eh.

"Diba nga may amnesia sya? Ang bopols mo pre. Utak kasi gamitin mo eh. Ang katangahan wag araw-arawin ah." Sabi ni raiver.

Oo nga pala. Nakalimutan ko may amnesia sya. Kaya siguro ganto sya kasi wala syang maalala.

"Anong a-amnesia?" Nahihiyang tanong ni keith.

"Amnesia yung wala kang maalala sa nakaraan mo. Kung baga wala kang maalala sa lahat ng nangyari sayo ganon." Paliwanag ni raiver.


"Wala ako non. Alam ko kung saan ako galing. Pero di ko alam ang pangalan ko." Sabi nya. Nag tatakang napatingin kami sa kanya.

"Totoo?" Tanong ni shin. At tumango lang si keith.

"Kung ganon saan ka galing?" Tanong ko ulit.

"Di ko alam ang eksaktong lokasyon. Pero ang alam ko, sa may palasyo. Na nasa gitna ng gubat. May mga tao pa nga na gumagamit ng mahika eh. At dun ako nakatira sa mismong palasyo. Siguro taga silbi ako non." Sabi nya nakapag panga-nga samin. Seryoso ba 'to?

"Ahm. Ngayon naniniwala nako ma may amnesia ka. Hehe. Sge na. Kumain ka muna. Ala una na pala." Sabi ni shin.

"Ano!? Lagot ako nito!" Sabi nya na ikinagulat namin.

"Bakit?" Tanong ni raiver.

"Meron ba kayong lutuan dito? Mag luluto sana ako." Sabi nya. At agad naman namin syang sinamahan sa may kusina.




My Temporary Girlfriend (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon