Chapter 55 : Truth - Escape

Start from the beginning
                                    

"Shit, Par! Grabe yung ibinulgar niya sa akin nung magkita kami sa labas eh. Bukod sa dito siya mag-aaral ng college, NAGKAANAK DAW KAYO!" pasigaw na sabi ni Jason.

Hindi na namin siya pinigilan dahil wala namang ibang tao sa kung nasaan man kami ngayon. Walang makakarinig sa amin dito.

Kaya dito ko na rin binalak na makipagkita kay Keira.

Nakakagago yung balita ni Jason eh. Hindi totoong magkakaanak kami. Oo, wala akong proteksyon na gamit nung mga panahong yun. Pero sigurado akong walang mabubuo sa ginawa namin. Hindi ako nagpaputok sa loob niya.

Pero bakit ganun? Parang gusto kong maniwala na may nabuo nga? Tangna naman oh!

Masaya na ako kay Allen eh. Masaya na ako na kapwa lalaki ang mahal ko pero bakit ngayon pa pumasok 'tong problema na 'to!?

"Karl." sabi ng isang boses. Pambabaeng boses. At kilalang-kilala ko yung boses na yun.

"Keira."

Nagkatitigan kami sa mata pero hindi ko magawang maglabas ng kahit na anong emosyon. Saya, lungkot, galit, pagmamahal? Lahat wala. Parang blangko lahat.

Pero siya? Nakangiting lumuluha.

"Karl, totoo yung narinig mo kay Jason. He's 3 years old now." sabi niya habang humihikbi. Alam kong nalulungkot siya pero wala akong maramdaman na awa.

"Paano nangyari yun? Alam kong alam mo kung ano ang nangyari. Imposibleng magkaanak tayo. Imposibleng may mabuo sa ginawa natin." sabi ko sa kanya.

"Karl, ayokong ipaliwanag sa harap ng mga kaibigan mo dahil nakakahiya pero may nabuo talagang buhay sa ginawa natin. Maniwala ka." sabi pa niya. Patuloy sa pagtulo yung mga luha niya.

"Keira, hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita. Ipakita mo siya sa akin, baka sakaling maniwala ako sa'yo." seryoso kong sabi sa kanya.

Nagpunas siya ng luha at umalis saglit. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa tumapat siya sa isang kotse. Binuksan niya ang pinto nito at inilabas niya mula roon ang isang bata. Binuhat niya yung bata hanggang sa makalapit siya sa amin.

"Ito siya Karl. Ang anak mo. Ang anak NATIN." sabi niya.

Napatingin ako sa mukha ng bata. Nakuha niya ang kaputian ni Keira. Pati ang ilong.

Pero bakit ganun? Wala akong maramdaman kahit na iniharap na niya sa akin yung bata? Diba dapat may lukso ng dugo? Pero ngayon, wala eh. Para lang akong nakakita ng bata sa kapitbahayan.

"Kurt, say hi to Papa." utos ni Keira sa bata.

"Hi, Papa?" tanong naman ni Kurt. Ng... anak ko.

Tangna, totoo ba 'to? May anak talaga ako!? Bakit naman nangyayari sa akin 'to? Karma ba 'to? Pero saan naman? Sa kabaliwan ko kay Keira noon? Tangna naman eh.

"Papa." dinig kong sabi uli ni Kurt.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ng marinig ko ang boses ng bata. Yung pagkasabik niya sa tatay, parang tumatagos na sa puso ko. Parang sa akin nga siya nanggaling.

Pero... paano na si Allen? Tiyak kapag nalaman niya 'to, maghihiwalay kami. Eh mahal na mahal ko yun eh. Ayokong magkahiwalay kami. Pero paano naman din 'tong bata? Ayoko namang makalakihan niyang wala siyang kinikilalang tatay. Ayokong matulad siya sa akin na galit sa ama.

Tangna naman eh. Paano ko lulusutan 'to?

"Anong balak mo ngayon Par?" tanong ni Jomar sa akin.

"HINDI KO ALAM! ANONG GUSTO NIYONG GAWIN KO? MAGTATATALON SA TUWA NA MAY ANAK AKO!? NA MAY NABUO SA KAGAGUHAN NAMING DALAWA NOON!? TANGNA! ANO BANG KASALANAN KO AT NANGYAYARI SA AKIN 'TO!?"

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now