Chapter 22: Triazolam

Start from the beginning
                                    

Sa edad na walo, ginahasa ako. Isang dahilan kung bakit ayaw kong lumabas ng bahay noong bata ako.

Ang may sala ay ang kapitbahay naming si Nikko. Hindi ko magawang magsumbong dahil tinakot ako ni Nikko na papatayin niya daw ang kuya ko.

Hindi lang ako ang biktima niya. Maging ang ibang bata sa aming kapitbahayan ay biktima rin ni Nikko.

Nawakasan ang kahayupan niya nang siya ay patayin ng isang ama ng batang kanyang nabiktima. At noong gabing iyon, napanood ko ang pagkamatay ni Nikko.

Aaminin kong nagpasalamat ako. Pero si Kristina ang nagpapasalamat, at hindi ako. Salamat at nawakasan na ang kahayupang ginagawa ni Nikko.

Sa edad na siyam, lumaki akong tahimik. Maski ang pagsasabi ng "Bitch" ay hindi ko namamalayan. Pero lahat ng iyan ay dahil kay Kristina.

Tapos na ang kaso noon pero ang takot ko ay nabuhay muli dahil sa isang insidente. Nang dahil kay Troy Funtabello.

"Hoy Bitch! Nakatunganga ka na diyan! Puno na yung tubig ng balde mo! Patayin mo na!" Bulyaw ni Kristina.

Bumalik na ako sa kama habang umiiyak nang patayin ko na ang gripo.

"Bakit ka ba umiiyak bitch?!"

"Ayoko ng ganito! Ayaw kong maging masama akong tao!"

"Boba! Bakit ka naman magiging masama bitch?"

"Sa mga madalas kong napapanood tungkol sa DID ay masasama ang alter identity. They are capable of killing someone. And I'm afraid you'll do so."

"Bitch, hindi ko kayang gawin 'yun. Maliban nalang kung patayin sa sarap, kayang kaya kong gawin 'yun!"

I stopped talking for a while. Medyo nagustuhan ko ang sinabi niya. I stopped crying as well. Wala naman akong mapapala sa pagiyak dahil nandito na ito.

"Ano na bitch?"

"Shut up."

"Kung nagaalala ka kung masama akong tao, hindi ako masamang tao bitch. Parehas nating nasaksihan ang pagpatay sa isang tao. Parehas din nating naranasan na magahasa. Kaya kakampi mo ako bitch."

I guess this has been so well. I think Kristina and I could be friends.

"So we could be friends?" I asked.

"Syempre bitch! Hindi ko hahayaang may manakit okaya naman ay mang-iwan sayo."

"Babalik tayo sa clinic ni Mr. Ramos next week. Okay lang ba sayo?"

"Syempre bitch once more! Ang sarap kaya ng doktor mo!"

Hindi ko din masisisi si Kristina dahil pogi nga naman at parang matinee idol ang daddy ni Aris. Maganda din ang hubog ng katawan nito.

Ibig kong sabihin, matipuno kasi tignan at makisig ang katawan ng daddy ni Aris. Baka iniisip niyong hinuhubaran ko sa isipan ko yung doktor ko.

Kung iisipin, si Kristina ang ultimate version ng kalandian ko.

"

Btw, bakit ka nga pala nagtext kay Ming ng ganun?!" Sabi ko kay Kristina.

"Wala lang. Pakialamera lang ako bitch."

Seriously, kung makikita niyo ako ngayon na nakikipagusap sa sarili ko, hindi niyo talaga magugustuhan.

"Don't do that again! Or else..."

"Or else what bitch?"

Naisip ko kasing palalabasin ko siya sa identity ko. Kaso mukhang malabo.

"Or else paaalisin mo ako sa identity mo? Okay. But let's make a deal bitch."

"What kind of deal?" I don't know kung sira ba ulo ni Kristina, ulo ko, or ulo naming dalawa.

"Be strong enough to hold any possible heavy emotions." Kristina answered.

"Kusa akong aalis. Hindi mo na kailangang uminom ng Triazolam." Dagdag niya.

Mistulang trial and error ang nangyayari sa akin ngayon dahil sa mga gamot ko.

"That would be good. Then it's a deal." I responded.

Sana nga magawa kong maging matatag para mawala na si Kristina. Hindi rin kasi maganda na panay ang inom ko ng Anxiolytics. Overdosage results to hallucinations.

Malay ko ba sa mga doktor ko kung bakit ganito ang mga gamot ko. Knowing the studies of Pharmacological effects of anxiolytic drugs, maganda ngang gamot para sa kundisyon ko. Pero kung sobra man, masama ang epekto.

"Kristina?"

I waited for her to answer but no response.

I thought of talking to kuya Forth. I would like to ask if these medications are just right and safe at the same time. Hindi naman ako pwedeng dumepende lang sa mga nababasa kong libro.

Lumabas ako ng kwarto at kumatok sa kwarto niya.

"Kuya? I would like to ask something." I said.

"Come in!"

So I did.

I sat on his sofa so I could talk to him properly. Napansin ko namang parehas topless sina Kuya Forth at Beam. Damn, alam na.

"What is it you want to ask?"

"I have read your pharmacology book specifically about the anxiolytic drugs. I have noticed that I've been taking too much medications." I said.

"What do you mean you've been taking too much medications?" He asked furiously. I can feel the intensity in kuya's voice. Kuya Beam's face responded like "Ano daw?!"

"Kanina lang kasi uminom ako ng Triazolam. Then sumunod yung Sulpiride since utos mo yun kay Yaya Didith."

"And who is Yaya Didith?"

I was puzzled. Bakit ganito ang nangyayari? May kung ano man ang mali na nangyayari ngayon.

"Yung yaya ko. Yung inuutusan ninyong magpainom sa akin ng gamot." Paliwanag ko.

Kumunot pa lalo ang noo ni kuya Forth. Pati na din ang noo ni kuya Beam.

"Bunso, walang yaya Didith dito sa bahay natin."

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Where stories live. Discover now