Chapter 12: Tramadol

177 20 9
                                    

Vocabulary!!!

Tramadol - An analgesic drug or pain reliever. Common adverse effect is drowsiness.

•••

Hindi ko alam kung bakit madaming tao ang lango sa alak, samantalang hindi naman masarap ang alak. Ito na ngayon ang ending ko, masakit ang ulo ko.

I woke up. With my head splitting into two.

Actually hindi hinahati sa dalawa ang ulo ko dahil sa sakit. Para bang binubutas.

Ang sakit ng ulo ko, parang binubutas.

Ang sakit ng butas ko, parang inu-ulo.

Shiya! Ano bang pinagsasabi ko?!

Chineck ko tuloy yung butas ko kung inu-ulo or inulo ba. Sa awa ng Diyos, hindi naman.

Seryoso Francis Kit?! Ano bang iniisip mo ngayon?! Bakit ganyan ang tumatakbo sa utak mo?! Malisyoso ka na Kit.

"Buti naman at gising ka na." Sabi ni Ming. Kaaakyat niya lang ngayon na may dala pang pagkain.

"Kumain ka muna para mahimasmasan ka." Dagdag niya.

Tinignan ko yung bintana para alamin kung umaga na ba or gabi pa.

"Anong oras na?" Tanong ko. Hindi ko na tinignan kung maliwanag na ba or madilim pa. Sa sakit ba naman ng ulo ko ngayon mukhang mas okay ang magtanong kaysa sa tumingala.

"Hatinggabi palang. Saglit ka palang naman nakakatulog." Sagot niya.

Humiga ako ulit para ipahinga yung ulo ko. Masakit talaga ang ulo ko. Bwisit na alak 'yan!

"Gusto mo ba ng gamot? Mahal mo din ba ako?" Tanong ni Ming.

Tangina! Kung hindi lang masakit ang ulo ko, gugulong ako sa sahig sa kakatawa.

"Puwede ba Ming, masakit ulo ko. Pero nakakatawa 'yang joke mo." Sabi ko habang hawak ang ulo ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

This is something like a déja vu. Parang recorded na 'to sa temporal lobe ng brain ko.

I tried to remember a single thing and it was a success.

"I love you, Kit. Kaya ko lang pala sabihin kapag wala ka sa katinuan."

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko mahal kita."

"Huwag mo nga akong binibiro diyan Ming!"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Fuck!

Dear self, you betrayed me. Somehow. Bakit pinaalala mo pa sa akin?

Lasing ako. Alam kong dahil lang sa alak yung nangyari kanina. Nagbibiro lang 'yan si Ming na gusto niya ako.

Lalong sumakit yung ulo ko. Namilipit na ako dahil sa sakit ng ulo ko. Pwede bang bigyan niyo ako ng Tramadol? Kailangan ko lang. Pakiusap!

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon