Chapter 13: Clozapine

188 18 2
                                    

Vocabulary!!!

Clozapine - Antipsychotic drug. Drug intended to use for Autism, Schizophrenia, Bipolar Disorder and any other psychotic diagnosis.

•••

Nagsimula na ang second semester. Panibagong subjects na naman.

Dahil nga iba na ang curriculum namin kumpara sa curriculum nina kuya Forth at Beam noong nag-aaral sila, mas mahirap yung sa amin.

Five years na kasi ang BS Pharmacy dito sa Pilipinas. Kumpara noon na four years lang.

Sa semester na ito din ang simula ng application namin para sa internship. Siyempre una ang internship namin sa Community Pharmacy setup o mas kilala bilang mga drugstore.

Ayon sa kuwento ni kuya Forth, kasabay niya daw mag intern ang ex girlfriend niya sa isang pinaka malaking company sa Pilipinas. Ano pa ba ang tinutukoy ko? Alam niyo na yun.

Isa na din sa pinaka malaking company or drugstore ang '2 Moons Pharmakon' na pagmamay-ari ni kuya Beam.

Ang alam ko din noon ay may kumpanya ang pamilya ni Kuya Beam. Isang kilalang kumpanya sa buong Pilipinas dahil sa dami ng partners nito. Sabi ni kuya Beam, ang Funtabello-Caseda Inc. na daw ang kumpanya na iyon. Sayang naman yung kumpanya dahil ilang taon na din tumagal iyon. Hindi nga lang naisalba ng daddy ni Kuya Beam.

"Wala na kasing slot sa napili kong branch nung drugstore. Kung sa ibang branch naman, masyadong malayo sa bahay." Sabi ni Marianne.

Kasalukuyan kaming nag-uusap ngayon dahil sa application ng internship namin.

"Hindi nga ako tinanggap kasi may anak na ako." Sabi naman ni Yvonne. Alam niyo na! Maagang nabuntis pero ipinagpatuloy ang pangarap!

Maniwala man kayo't sa hindi, belong sina Yvonne at Kairah sa circle of friends ko.

"Sa end ng sem ako magsisimulang mag intern." Sabi naman ni Kairah.

"Saan naman ang napili ninyo ni Ming?" Tanong ni Marianne.

"Hmm… sa drugstore ng kuya Beam ko." Sagot ko.

Hindi na sila shocked sa ganitong sitwasyon. Alam naman nilang si kuya Beam ang may-ari ng 2 Moons Pharmakon dahil naikwento ko naman sa kanila before.

Siyempre hindi ko pa pinagkakalat na si kuya Forth ang may-ari ng Marbosa Pharmaceutics. Isang malaking sikreto 'yan na kami lang ang dapat maka-alam.

"Good morning class!"

Pumasok ang isang lalaking professor sa room.

"I am Jeroll Bacani. Your professor in Biochemistry." He said.

Nag start na si Sir Bacani sa introduction ng Biochemistry. Wala pa namang dapat lesson ngayon dahil simula palang ng klase. Mas toxic kapag nagsimula na ng lesson ngayon.

Toxic na nga sa internship, toxic pa sa pag-aaral.

Maaga naman kaming pinauwi ni Sir Bacani. Binigyan niya lang kami ng course outline para sa Biochemistry.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Where stories live. Discover now