Chapter 4: Varenicline Tartrate

249 23 14
                                    

Vocabulary!!!

Varenicline Tartrate - drug intended to use for smoke cessation therapy.

•••

Bakit naman kaya déja vu?

"Anong déja vu?" Tanong ko.

"Ahhh! Wala yun! Sige na magbihis ka na." Sagot ni kuya Forth.

Umaakyat na ako papunta sa kwarto. Nagpahinga saglit at naligo. Ang totoo niyan, tatlong beses ako maligo kaya napaka kinis ko.

Umupo muna ako sa kama nang matapos na akong maligo. Maitext nga si Ming.

Itetext ko sana siya pero nauna pala siyang magtext.

"Nakauwi ka na?" Tanong niya.

"Oo nakauwi na ako. Katatapos ko lang din maligo." Reply ko.

Mabilis siyang nagreply pabalik sa akin. Wala siguro siyang ginagawa ngayon. Nakatambay lang siguro siya ngayon.

"Kumain ka na din ba?"

"Hindi pa. Nagluluto pa si mama."

"Masarap siguro ang mga pagkain diyan sa bahay niyo."

"Kung gusto mong pumunta dito, pwede naman para makakain ka din dito."

"Naku wag na! Nakakahiya."

'Yan nanaman siya sa pagkamahiyain niya.

"Si kuya na ang nagsabi na pwede kang pumunta dito kaya 'wag ka nang mahiya."

"Sige. Gusto din pala ni mama na makilala ang kuya mo."

"That's great! Pupunta kami diyan ni kuya bukas. Wala naman tayong pasok bukas."

"Okay sige. Ipagluluto namin kayo ni mama."

"Marunong kang magluto?"

Yung totoo Francis Kit? Di'ba nga naikwento niya na ipinagluluto niya din yung mga tambay?

"Magisang anak lang naman ako kaya dapat lang na matuto ako. Naikwento ko naman na sa'yo diba?"

"Oo nga pala! Nakalimutan ko. Ano nga pala facebook account mo? Para iadd kita."

"Chad Santos nalang ang isearch mo."

"Sige iaadd nalang kita."

Hinanap ko na sa facebook yung account niya at nahanap ko din naman agad.

"Kiiit! Bumaba ka na at kakain na tayo!" Sigaw ni mama.

"Inadd na kita Ming. Kakain muna kami. Kain ka na din." Text ko kay Ming.

Iniwan ko nalang ang phone ko at bumaba na.

"Anong ulam ngayon mama?" Tanong ko.

"Tinubigang tuyo." Sagot ni mama.

"Heh. Funny."

Ganyan talaga si mama. Alam niyo naman na siguro na ganyan talaga ang mama ko since book 1 palang.

"Kuya, gusto ka daw makilala ng mama ni Ming." Sabi ko kay kuya.

"Hmm... Sige pupunta tayo sa kanila bukas ng tanghali." Sabi naman ni kuya Forth.

"Sino ba 'yang Ming na 'yan? Boyfriend mo ba yan Kit?" Sabi ni mama.

"Mama!" Sinuway ni kuya Forth si mama.

"Wala namang problema dun ano ba naman kayo? Si papa at si kuya mo parehas nga na nagkaroon ng boyfriend eh!" Kuda pa ni mama.

"Huwag mo nalang intindihin si mama mo Kiko. Kumain ka na." Sabi ni papa.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Where stories live. Discover now