Chapter 7: Midazolam

195 19 33
                                    

Vocabulary!!!

Midazolam - A dangerous drug for insomnia and pre-medical sedation. Hypnotic and sedative.

•••

"Anong balak mo ngayon?" Tanong ko kay Ming.

"Hindi mo ba ako narinig? Susundan natin sila." Sagot niya.

"Paano naman natin gagawin yun?"

"Ako ang bahala."

Sinilip ulit ni Ming sina Felina.

"Paalis na sila. Tara sundan na natin sila."

Ganun nga ang ginawa namin. Sinundan namin sila. Ginawa namin ang kaya namin para hindi mahalata.

"Saan ba sila pupunta?!" Iritable kong tanong.

"Aba malay ko."

Nakakagigil na makita mo ang girlfriend mo na may kasamang iba. Ang malupit pa, panay pa ang kapit niya sa lalaking kasama niya.

Napansin ko namang lilingon na si Felina. Anong gagawin namin?!

"Talikod!" Sabi ni Ming.

Tumalikod kami ni Ming ng sabay.

Hinila ako ni Ming at niyapos ako. Nakadikit ngayon ang ulo ko sa dibdib niya.

Ang bango ni Ming. Nakakaadik yung amoy. Parang kulang pa para sa akin yung amoy na nasisinghot ko ngayon.

Parang katumbas ng amoy niya ang Midazolam. Nakaka-hypnotize at unti-unti kang makakatulog.

Nagtagal pa kami ng ilang saglit sa ganoong posisyon.

"Okay na siguro." Sabi ni Ming.

Pinakawalan ako ni Ming sa mga bisig niya. Parang iniwan akong lutang ng amoy ni Ming.

Hinawakan ni Ming ang kamay ko at hinila na ako papunta sa kinaroroonan ni Felina. Hanggang sa dalhin kaming dalawa ni Ming sa isang restaurant dito sa loob ng mall.

"Mukhang kakain muna sila. Hintayin nalang natin sila dito sa labas." Sabi ni Ming.

Nang dahil sa gigil ko, nagutom ako.

"Tara sa loob."

Hinila ko papunta sa loob si Ming. Siyempre I tried my best na hindi kami mahalata ni Felina.

Umupo na kami sa isang table. Apat na table papunta sa kanan ang pagitan ng table namin sa table nina Felina. Japanese style ang restaurant na ito kaya may mga divider bawat table.

Kung nanood ka na ng Puppy Honey, kung saan si Emma at Pick ay nakita si Porsche sa isang restaurant na may kasamang babae, ganun ang itsura ng restaurant na ito.

"Alam mo Kit, baka naman kasi kuya niya lang yung kasama niya." Sabi ni Ming.

"Unica hija siya at wala siyang kuya." Sagot ko.

"Baka naman pinsan niya?"

"Tatlo lang ang pinsan niyang lalaki. Lahat sila kilala ko."

"2nd cousin?"

"Puro babae."

"Sir, may I take your orders please?" Sabad ng waiter. Hindi ko siya pinansin.

"Tiyuhin niya?" Pagpapatuloy ni Ming.

"Kilala ko lahat ng tito niya."

"Sir? Excuse me. May I take your order please?" Sabad ulit ng waiter.

"Maghintay ka! Gusto mong masampal?!" Sigaw ko sa waiter.

Agad na tinakpan ni Ming yung bibig ko. Natauhan ako at agad nagtago sa divider.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Where stories live. Discover now