Chapter 15: Sertraline

192 20 45
                                    

Vocabulary!!!

Sertraline - Antipsychotic drug.

•••

Kanina pa ako dito sa kuwarto ko na palakad-lakad. Hindi ako mapakali. Para akong timang dito kakaisip, uupo, tatayo, guguluhin ang buhok at aayusin ulit, at hihinga nang malalim.

Ano bang ginawa ko bakit ayaw akong kausapin ni Ming?!

Parang unang beses lang 'to nangyari na hindi kami magkatabing matulog! Ayaw ko ng ganito!

Wala akong yayakapin ngayong gabi! Hindi ko maaamoy yung shea butter soap! Walang binti ang papatong sa akin ngayong gabi!

Bakit sabi ni Ming tsaka na daw kami magkita at magusap? Hindi ba siya papasok sa internship bukas?!

Ilang oras palang kami nagkakahiwalay, may separation anxiety na ako agad. Malala na 'to! Kailangan ko nang uminom ng Sertraline! Nakaka praning!!!

Ayaw niya na ba sa akin?! Hindi niya na ba ako gusto?! Jusko naman!

Tangina! Iiyak na ako! Eto na! 1, 2, 3...

"Bunso! May ginagawa ka ba?" Kumatok si kuya Forth sa pinto.

"Uhm... wala naman kuya!"

"Pumunta ka nga muna sa kuwarto ko. May paguusapan tayo."

"Sige kuya! Susunod na ako!"

Inayos ko muna yung sarili ko. Parang bruha na ako dito kakagulo sa buhok ko simula pa kanina.

Pumunta na ako sa kuwarto ni kuya Forth pagtapos kong maghilamos.

"Anong paguusapan natin kuya?" Tanong ko nang makapasok na ako sa kuwarto niya.

"Itong papel na kinuha mo noong nakaraan, anong pagkakaintindi mo dito?" Tanong ni kuya Forth.

"Slush funds? Yung pondo ng kumpanya na hindi naibalik na dapat ay para sa panibagong invesment. Tama ba ako?"

"So, ganyan ang pagkakaintindi mo?" Tanong ulit ni kuya Forth.

Tumango ako at kinuha yung papel na hawak ni kuya Forth at binasa ito.

"Hmm... it happened 19 years ago. Hindi pa ako pinapanganak. Tsaka sa kumpanya 'to dati ng pamilya ni kuya Beam."

"Ano pa?"

"Malaking pera ang nawala sa shipping line ng company." I've turned the page and read.

"Ito naman, half a million ang nawala sa..." It took few seconds for me to realize kung ano yung nakasulat.

"Sa school ko ngayon? Tama ba 'to?" Sabi ko.

"Si Jaime Caseda ang may-ari ng school mo ngayon. Basahin mo naman kung kaninong pirma ang lahat ng nasa documents na 'yan."

So I did. Binasa ko yung pirma and it was...

"Funtabello?" Sabi ko.

"Yung lalaking isinumbong mo sa akin noong nakaraan, tatay niya ang pumirma sa lahat ng iyan."

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Where stories live. Discover now