Chapter 22: Triazolam

164 13 11
                                    

Vocabulary!!!

Triazolam - Anxiolytic drug for short-acting treatment of anxiety.

•••

12 years ago...


"Huwag ka na umiyak bunso. Bukas makakausap mo ulit ang kuya." Sabi ni ate Faith sa akin habang pinapatahan ako sa aking pagiyak.

"Uuwi pa ba ang kuya?" Tanong ko.

"Siyempre naman uuwi ang pangit mong kuya. Pero sa ngayon, kailangan mo nang matulog para makausap mo siya ulit bukas."

"Tatawagan natin siya bukas?"

"Opo bunso."

"Promise ate?"

"Promise."

"Totoo itong promise mo ate na makakausap ko ang kuya bukas ah?"

"Oo naman! Bakit ko naman lolokohin ang pinaka cute na bata sa pamilyang ito? Sige na matulog ka na."

Kinumutan na ako ni ate at saka tumayo para lumabas sa kwarto ko.

"Ate, 'wag mong patayin yung ilaw please."

"Sure bunso. Goodnight. I love you."

"I love you too ate. Goodnight."

Tuluyan nang lumabas si ate sa kwarto ko.

Kailan kaya uuwi si kuya?

Natawag ang aking pansin nang may marinig akong malakas na kalabog ng pinto.

Bumangon at sinilip ko ang bintana tanaw ang balkonahe ng kapitbahay namin.

Mayroong dalawang taong lumabas sa balkonahe. Hinila ng isang taong may suot na maskara ang kapitbahay naming si Nikko. Sinabunutan niya ito at saka sinaksak ng kutsilyo.

Sa murang edad, nasaksihan ko ang pagpatay. Paulit-ulit siyang sinaksak ng kutsilyo. Pilit nitong nilalabanan ang kriminal at sinusubukang harangan ang bawat pagtarak ng kutsilyo sa kanyang laman.

Ngunit walang awa ang kriminal. Patuloy pa niyang sinasaksak ang biktima kahit na ito ay wala nang kalaban-laban.

Dinig ko ang iyak at bawat pagpigil ng hininga ng biktima habang ang kutsilyo ay tumatarak sa kanyang laman.

Nakaramdam ako ng takot at nagsimula akong umiyak. Natawag ko ang atensyon ng kriminal. Mas lalo kong naramdaman ang takot nang ito ay tumingin sa akin habang nakataas ang hawak niyang kutsilyo. Ang kutsilyo niyang nababalot ng dugo ng biktima.

"Anong nangyari bunso?!"

Naiwan akong tulala. Naririnig ko na lamang na sumisigaw si ate habang tumatakas ang kriminal.

"Bitch."

●●●

Naalala ko na ang lahat. Nagahasa ako noon. Isa sa mga dahilan ng trauma ko.

Unang beses akong nagahasa dahil sa kagagawan ng kapitbahay naming pinatay noon.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Where stories live. Discover now