“Okay ka lang? Pwede mo namang sabihin kung anong meron.” sabi ko.

Wala pa rin siyang kibo.

“Look, hindi ko alam kung anong nararamdaman mo ngayon at kung ano mang nangyari sa'yo pero I assure you, everything will be fine.”

Mabagal kong hinagod ang mahaba nyang buhok, habang nakikinig at sumasayaw sa mabagal na tugtog galing sa speakers sa dancefloor. Patuloy ko lamang iyon ginagawa, habang nararamdaman ang pagbasa ng aking leeg. She's still crying.

Tumigil ako, at sinubukan na alisin ang kanyang ulo mula sa aking balikat. Kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi, kabilang ang namumugtong mata, ay dama ko ang malalim niyang titig, tulad sa kanyang nanay, but that look reminded me more of Exellor. I smiled.

“Be okay. Sige na. Just let it out.”

Matagal ang naging titigan namin hanggang magsalita siya.

“Sana ganito na lang lagi...” mahina ngunit may paghihinayang sa kanyang boses ng sabihin niya iyon. Ngiti na lang ang naibigay kong response.

“Sana Trev... ganito na lang lagi...” pag-uulit pa niya.

“It's gonna be okay.”

“It's not okay Trev.”

Natahimik ako roon.

“I get it. I lied, I did things that made me look stupid but guess what? Wala pa rin! I didn't get what I want.”

“Rhianne, hindi lahat–”

“Hindi lahat ng bagay ay nakukuha? I know! I already know! Pero masama bang gumawa ng paraan para doon? Masama bang ipaglaban ang gusto mo kahit alam mong wala na sa kamay mo ang pag-asa? Ha?!”

“Rhianne, it's not that.”

“Then, what is it?!”

“Kahit na hindi mo nakuha ang gusto mo, you shouldn't be trying to be sad and lonely. You should move forward, malay mo may darating pa palang mas deserve mo.”

“I don't even know if I deserve anyone but you, Trev. How can I move forward if my own feelings can't?” pilit siyang ngumiti kahit na patuloy na tumulo ang kanyang mga luha.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko roon. It hits me hard. Kahit sa nararamdaman ko para kay Exellor ay hindi ko matanggal sa akin. Ang hirap tanggalin noon, at alam ko sa sarili ko na wala akong balak taggalin o limutin ito. I just love the feeling, even if it can wreck me. Napapikit na lang ako sa naisip.

“Ang sakit-sakit lang isipin, na iba ang gusto mo. Na kahit sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan natin, mas pinili mo ang taong ngayon mo lang nakilala. Heck, it's much worse when I see you smiling because of her.” napipiyok na bulong niya sa tenga ko.

“I don't know kung anong meron kay Exellor na napamahal ka.” dagdag pa niya.

Doon ko pa lang naibukas ang mga mata ko, at nahuli ang kanyang malalalim na titig.

“I guess that's what love is.” I weakly smiled.

Parehas kaming natahimik, at natigil sa pagsasayaw. Aalis na sana ako, nang bigla kong maramdaman ang sobrang paglapit niya sa akin, at magtama ang aming mga labi.

Hindi ko alam kung luluwa ba yung mga mata ko dahil sa pagkabigla, at hindi agad ako nakagalaw. May pwersa ko siyang naitulak, kita ko ngayon ang pagkabigla sa kanya. Sht!

“Rhianne! Why did you do that?!” hindi ko na mapigilan ang paglakas ng boses ko, na ilan nga sa mga estudyanteng sumasayaw ay nakatingin na sa amin. Umiling-iling siya't napayuko na lang ang ulo.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now