BOSS • 20

81.9K 1.1K 24
                                    

Napakapit nanh mahigpit si Alisson sa braso ni Vanessa nang makita ang humahangos na paglapit sa kinaroroonan nila ni Liam.

He seems so damn angry that if looks could kill, she and Vanessa were both dead already. Pero mas lamang ang sama ng tingin nito kay Vanessa.

Nang tuluyan na itong makalapit sa kanila ay napansin ni Alisson ang pamumula ng mukha nito, indikasyon ng pagpipigil nitong bumunghalit ang galit na nararamdaman.

She knew Liam already. At kapag galit ito, galit talaga ito. Nothing can change that. At hindi agad nawawala ang galit nito. That is the crucial part when the man is angry.

"What the damn fuck are you wearing, Alisson?" Mahina pero may bahid ng diin nitong tanong sa kanya, dahilan para mapalunok siya.

Sobrang tumatahip sa kaba ang kanyang dibdib sa takot na kagalitan na naman siya ng kasintahan. Ni hindi pa nga sila nagkakaayos mula sa hindi pagkakaintindihan kanina dahil sa ideya ng pagsusuot niya ng swimsuit tapos heto ngayon at nakasuot na nga siya ng isa.

Pakiramdam tuloy niya, isa siyang pasaway na girlfriend dito at kaunting-kaunti na lamang ay mauubos na ang pasensya sa kanya ni Liam.

"Duh! Are you blind, William? Malamang, swimsuit!"

Pasimple siyang napapikit ng mariin sa isinagot na iyon ni Vanessa. Napabitaw siya mula sa pagkakahawak dito ng magpamaywang ito at tingnan ang lalaki sa pinakamataray nitong paraan.

Masamang tingin naman ang ipinukol ng binata sa pinsan. "Shut up, Algor. I am not talking to you." Asik nito saka iritableng nilingon ang dalawa pang pinsang lalaki. "Get her out of here."

"Bakit kami?" Agad na tanong ni Weigan na sinabayan nito ng pagbusangot.

"Oo nga, William. And why do you want us away? Anong balak mo kay Ali, ha?"

Napatingin siya kay Liam. The man looks so much irritable than before. Na para bang anumang oras ay makakapanapak na ito ng kausap.

"Damn both of you! Huwag niyo akong igaya sa inyo. Hindi ako katulad ninyong mga hayok sa laman—" Hinarap nito ang mga kausap. He run his fingers along his hair, which got messy due to the mild blowing of the winds. "Pwede ba? Just do what I say kung ayaw niyong samain kayong lahat sa akin. I'm losing my patience here."

"Sus! Magpipinsan tayo, Stanfield. Kaya kung may mas nakakaalam ng likaw ng bituka mo, kami 'yon. Kilalang-kilala kita, William. Mas matinik ka pa nga sa chic kaysa sa amin ni Maxton e."

Maang siyang napatingin kay Liam na hindi na maipinta ang mukha sa ginagawang pang-aalaska ng pinsan. Na baka kung wala siya rito ay nasuntok na nito ang mga lalaki.

"Algor, huwag mo namang ibuking si Kuya William. Naririnig ka ni Ate Ali, o." Malaki ang pagkakangisi ni Maxton habang sinasabi iyon saka tumingin sa kanya at pasimple siyang kinindatan.

They are not helping, really.

Mas lalo lamang pinapainit ng mga ito ang kanina pang mainit na ulo ni Liam. Hindi na niya alam kung paano pa ito kakausapin ng hindi ito sumisinghal o naiirita sa kanya.

Marahas na nagpakawala ng kung ilang malutong na mura ang lalaki para sa dalawang pinsan. "Kung ayaw niyong umalis, kami ni Alisson ang aalis. Mga gago!"

She gasped when Liam took her wrist, tightly and pulled her.

She looked back at the three of their acquaintance as she gave them all a nod and a small smile, assuring them that she'll be just fine with Liam, alone.

Gusto rin naman kasi niyang makausap ng masinsinan ang binata, tungkol sa hindi na naman nito pagpansin sa kanya. She also wants to say sorry for causing a headache to him.

BOSS Series 1: My boss, His daddyWhere stories live. Discover now