BOSS • 9

108K 1.5K 17
                                    

"Ali, sigurado ka na ba talaga na aalis na kayo dito? Saan kasi kayo lilipat ni Blue? Bakit ayaw mong sabihin sa amin ni Jiro kung saan ka nakahanap ng bagong titirahan niyo? Iiwasan mo na ba kami? Ganyanan na? Kakalimutan mo na kami?"

Alisson rolled her eyes up after hearing that from Rose who is now busy playing with Blue while she, on the other hand is busy packing there things inside the bag she'll going to bring.

Mamaya lamang ay dadating na si Liam para sunduin sila at dalhin sa unit nito na ayon dito ay hindi naman daw ginagamit ng lalaki.

Tanging mga damit at ilang mahahalagang dokumento lamang anh dala-dala niya dahil wala naman siyang balak na tumira ng permanente sa bahay ni Liam. Pagbibigyan niya lamang ito sa kagustuhan nito at sa kabutihang ipinapakita nito sa kanila ng anak niya.

"Patawa ka talaga, Rosas. Ang dami mong alam." Tatawa-tawa nuyang saad saka humarap dito at nagpameywang. "Alam ko naman na hindi ka matatahimik kapag hindi ko sinabi sa inyo kung saan, pero dahil komplikado pa ang lahat, saka na lang." Sinimangutan siya nito. "Promise, sasabihin ko naman e. Hindi lang talaga ngayon."

"Heh. Bahala ka dyan. Nagtatampo na ako sayo. Nagtatago ka na ng secret sa akin. Hindi na kita mahal."

Tuluyan na siyang napahagalpak ng tawa doon. Mukha kasi itong bata na naagawan ng lollipop sa hitsura nitong nakanguso at masama ang tingin sa kanya.

Nang bandang patanghali na ay nagpaalam na sa kanya ang dalawa dahil may date pa raw ang mga ito at tapos na rin naman siya sa ginagawa niyang pag-eempake. Kanina pa rin niyang naitext si Liam na ready na sila at anumang sandali mula ngayon ay darating na ito para sunduin sila ni Blue.

"Alisson?"

She gasped out loud in shock because of the sudden calling of her name from outside. Agad niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang nakangiti at maaliwalas ang mukha na si Liam. Hindi niya ito naiwasang tingnan mula ulo hanggang paa.

The man looks so good wearing his simple gray tee shirt, a maong pants which he partnered with a white rubber shoes. Nakasuot rin ito ng sumbrero na baligtad ang pagkakalagay sa ulo at isang kwintas na kulay silver.

Bilib talaga siya sa lalaki. He never fail to make her in awe everytime he dress casually. Napakagwapo pa rin nitong tingnan kahit saang aspeto ilagay.

How can he be so perfect like this?

Nakakaalangan tuloy tumabi dito. Mahahalata na hindi sila pantay ng aspeto sa buhay? At saka, sino ba naman siya para tabihan ito? Isa lang naman siyang sekretarya nito na pinagkakalooban nito ng magandang-loob. At kahit pa sabihin na gusto siya nito, hindi pa rin nararapat na ihanay siya rito.

"Hi!"

She snapped back in reality because of that.

Muli siyang napatingin sa mukha nito at nakita na mukhang aliw na aliw ito sa ginawa niyang tahimik na paghanga sa panlabas nitong kaanyuan. Her face heated because of the thought.

Bakit kasi ngayon niya pa naisipang purihin ito sa loob ng kanyang isipan? Nakakahiya!

She cleared her throat before hiving him an awkward smile. "Hi, sir. Pasok ka." Niluwanagan niya ang pagkakabukas ng pinto para tuluyan na itong makapasok.

Nakita niya na agad tumuon ang tingin nito sa tatlong bag na nakahilera sa may tabi ng kanina'y inupuan niyang sofa.

"Is that all of your things already?"

She nodded on that eventhough the man can't see her doing that. Kasalukuyan kasi siyang nasa likuran nito at palihim na inaayos ang sarili.

Nakakahiya na baka mukha siyang tindera sa kanto nila pagkatapos ito, mukhang modelo.

BOSS Series 1: My boss, His daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon