BOSS • 1

292K 3.7K 105
                                    

Alisson took a deep breath before stepping out of the elevator. Hindi niya malaman kung bakit at anong dahilan ng kabang nararamdaman niya sa mga sandaling ito samantalang halos araw-araw naman siyang pumapasok sa opisinang pinagtatrabahuhan niya.

She's been a secretary to Mr. Wilson Stanfield for almost three years now. At aaminin niya na sa loob ng tatlong taon na iyon ay kilalang-kilala na niya ang matandang CEO ng kompanyang kanyang pinapasukan.

Hindi na ito iba sa kanya kagaya ng hindi na rin siya iba rito. Parang anak siya kung ituring ng matanda kahit pa mayroon naman itong dalawang anak. Minsan pa nga ay hindi maiwasan na pag-isipan siya ng masama ng kanyang mga katrabaho dahil sa pagiging malapit niya sa matanda.

Maraming balita at tsismis ang kumakalat na kabit daw siya nito at kaya hindi siya magawang palitan bilang sekretarya nito ay dahil sa may lihim silang relasyon which is not true at all.

Ewan ba niya kung saan nagmula ang tsismis na iyon pero mismong si Mr. Stanfield na ang nagsabi sa kanya na huwag na lamang iyong pansinin lalo pa't alam naman niya sa sarili niya na walang katotohanan iyon.

"Ateng!"

Wala sa sariling napasinghap siya ng malakas dahil sa gulat mula sa pagsulpot na iyon ng katrabaho at kaibigan niyang si Rose. Basta na lamang kasi itong lumabas mula sa kung saan habang binabaybay niya ang pasilyo papunta sa kanyang cubicle.

"Ginulat mo na naman ako!" Nangungusong reklamo niya na tinawanan nito sabay ng mahinang paghampas sa kanyang braso.

"Sus! Ang sabihin mo, magugulatin ka talaga, Ali."

Umasim ang mukha niya sa sinabi nito.

Hindi naman siya natural na magugulatin. Ngayon lang talaga dahil nga kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan.

"Hindi noh. Baka ikaw. Teka.." She stopped from walking and faced her friend who is now obviously idling about something. "Bakit nandito ka pa? 'Di ba dapat nasa sayong cubicle ka na? Magra-rounds na si Sir."

Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita ang ilan pang mga katrabaho na wala pa sa kani-kanilang cubicles. Napahinga siya ng malalim. Paniguradong mapapagalitan na naman ang mga ito ng kanilang boss.

"Iyon na nga, ateng. Kaya sinalubong na kita." Kumunot ang noo niya sa boses nitong parang kinikilig na hindi niya mawari. "May good news at bad news ako para sayo. Unahin ko na ang bad news, ha?" Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. "Bad news, bumaba na sa pwesto si Mr. Stanfield. Good news, iyong gwapong anak niya ang pumalit sa kanyang pwesto. Ang saya 'di ba?"

Lumapit ito sa kanya saka niyugyog ang kanyang braso. "Omg ateng! Mas lalo akong gaganahan na magtrabaho kung araw-araw kong makikita 'yung bago nating boss!" Kinikilig pa nitong tili.

Samantalang siya sa kabilang banda ay literal na natigilan. Kung bumaba na sa pwesto ang matandang Stanfield, ibig sabihin, wala na siyang trabaho?

Napahawak siya sa kanyang sentido dahil sa pagdagsa ng reyalisasyon sa kanya.

Ngayon na bago na ang boss nila, malaki talaga ang posibilidad na matanggal siya bilang sekretarya.

Bakit biglaan naman yata? Bakit walang nabanggit sa kanya si Mr. Wilson tungkol sa pagbaba nito sa pwesto? Bakit hindi man lamang siya nito inabisuhan para naman nakapaghanda siya at nakapaghanap siya kaagad ng bagong malilipatan na trabaho?

"Hoy ateng! Natulala ka na dyan! Hindi ka ba happy?"

Umiling lamang siya dito at wala sa sariling nagpatuloy ng paglalakad papunta sa kanyang cubicle. Nang makarating ay nanghihinang napaupo siya sa kanyang silya saka yumukyok sa kanyang working table.

BOSS Series 1: My boss, His daddyWhere stories live. Discover now