BOSS • 15

89.3K 1.4K 23
                                    

"Yes. Call me immediately after it's done. I want to know the result. Kailangan kong masigurado ang hinala ko. Thank you, Cap."

Bahagyang napakunot ang noo ni Alisson ng iyon ang mabungaran niya kasama ni Blue, pagkapasok pa lamang nila sa loob ng pent, galing sa labas.

Minabuti niyang painitan kahit saglit ang anak dahil sa palagi na lamang itong nakakulong sa loob ng bahay. He still need those daily Vitamin D from the sun. Kahit hindi na ganoon ka-healthy ang sikat ng araw sa panahon ngayon.

Anong result ang hinihintay ni Liam? At saan ito naghihinala? Lihim niyang tanong sa sarili.

Nakatitig lang siya sa likuran ng lalaki at walang balak na tawagin pero kusa na itong humarap sa kanila na para bang ramdam nito ang presensiya nila, na nandoon na sila.

"Hey.." He smiled. "Kanina pa kayo dyan?"

Umiling siya saka nagsimulang lumapit sa kinatatayuan nito.

Nagpaalam si Angie na lalabas ito ngayon para bumili ng regalo para sa boyfriend nito kaya sila lamang tatlo ang tao rito sa pent.

"Pahawak muna kay baby. I need to go to the c.r." Aniya saka iniaro rito ang bata. Nakita pa niya ang pag-aalinlangan sa mukha ng binata. "Come on, Liam. He won't cry, if that's what you're thinking. Kilala ka na ni Blue. Sige na. Mabilis lang ako."

Napakagat ito ng labi saka atubili pa ring inabot ang bata mula sa kanyang  pagkakahawak. Automatic naman siyang tumawa ng kaunti sa biglaang pag-angat ng kamay ni Blue at ang pag-abot nito sa baba ni Liam.

Sayang.

Hindi niya kasi hawak ang phone. Sana'y nakuhanan niya ang mga ito ng picture. They both look so adorable.

"See? Blue likes you already." Nakangiti niya pang sabi para mabawasan ang pagiging stiff nito mula sa pagkakabuhat sa bata.

Kaagad namang nag-angat ng tingin sa kanya si Liam at bahagyang ngumuso. "E ikaw? When will you like me?"

Nanlaki ang mga mata niya roon kasabay ng pag-awang ng labi dahil sa gulat.

Saan nanggaling ang tanong na iyon? Why is he suddenly asking her that kind of question? At bakit kailangang may kasama pang pagnguso?

"Uhh.." She moved her gaze away.

She doesn't know what to answer!

But then, he chuckled. "Biro lang. Baka naman isipin mo na masyado kitang minamadali, Alisson." Muli namang napatingin si Alisson sa lalaki. He's looking at her with those captivating eyes of him, full of sincerity. "I can wait. Basta ikaw, kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal."

Muntik na yatang lumabas sa loob ng kanyang dibdib ang puso ng bigla itong ngumiti. That same smile he used to give her.

Simula noong gabi na maaksidente siya sa motor ng pinsan nito, maraming bagay ang nagbago sa pagitan nilang dalawa. She feel much closer to him than before. Iba pala talaga sa pakiramdam kapag personal at walang halong kahit na ano kapag nagtapat sayo ng nararamdaman ang isang tao.

Kahit pa sabihin na ilang beses na nitong nasabi sa kanya na gusto siya nito at mahal siya ng lalaki,  ibang saya pa rin ang kanyang naramdaman ng gabing iyon. She feel safe. She feel contented. Alam niya at sigurado siya na totoong lahat ang sinabi nito.

Marahan siyang tumango sa kawalan ng masasabi. Why is he being this cheesy again? At bakit ba hindi pa rin siya nasasanay sa pagiging sweet nito? It's been almost two months since they moved here in his pent. At halos dalawang buwan na rin nila itong palaging kasama rito pero hanggang ngayon, naninibago pa rin siya sa mga ipinapakita nito hindi lang sa kanya kundi pati na rin kay Blue.

BOSS Series 1: My boss, His daddyWhere stories live. Discover now