BOSS • 18

88.8K 1.1K 13
                                    

Tahimik na nakaupo si Alisson sa may veranda habang nakatanaw sa malawak at payapang karagatan ng papasikat na umagang iyon.

Hindi siya nakatulog ng maayos nang nagdaang gabi dahil sa maya't-mayang pagsi-send sa kanya ni Liam ng kung anu-anong mensahe ng kasweet-an at kung gaano raw ito kasaya na sila ng dalawa. She have to admit it herself, she's feeling so overwhelmed on the fact that she have a boyfriend now.

She can't help but to smile upon remembering Liam's smiling face while looking at her after she bravely kissed him under the dim light of the moon and the cold breeze of night air brushing againsts their skin. After she declared that she's answering him already, the man kept on staring at her for some second before realizing what she has said.

Walang pagsidlan ang ngiti nito ng mga oras na iyon. He even squeezed her tight in his hugs because of too much happiness. She noted herself to not forget that moment, ever.

Halos hindi na nga nito pakawalan ang kanyang kamay habang magkasama nilang binabaybay ang daan pabalik sa beach house. Ilang beses pa nitong inulit na hindi pa raw ito makapaniwala na sila na talaga.

"Hey."

Napaangat siya ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. She smiled upon seeing the handsome face of her newly awaken boyfriend.

Saglit niyang tinitigan kung gaano ito ka-gwapo kahit kagigising pa lamang nito at gulo-gulo pa ang buhok. He yawned too. Dahilan para mas mapangiti siya. He's so cute on that act of his.

"Did you sleep well last night?" Tanong nito habang lumalapit sa railings ng veranda na yari sa kahoy. Bahagya itong sumandal roon saka siya tiningnan. "Napuyat ba kita?"

Napalabi siya roon.

Kung may ibang nakarinig sa tanong na iyon, tiyak na iba ang iisipin.

She shrug. "Medyo. Ang dami mong text e."

The man chuckled on that. Kasabay niyon ay ang paghila nito sa kanya patayo mula sa kinauupuan niyang rattan chair. The man put her arms around his neck, as he, on the other hand, put his arms around her waist. Wala tuloy siyang ibang choice kundi ang tumingkayad ng kaunti para kahit papaano ay umangat ang kanyang tangkad at makita ng mas maayos ang mukha nito.

Liam is so breathtakingly handsome even in his simple sando and board walk shorts. Kagigising pa lamang nito pero heto at pinagwawala na ng husto ang puso ni Alisson.

Inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib ng binata. At mula sa pagkakaganoon ay naririnig niya ang banayad na pagtibok ng puso nito.

Kapwa sila tahimik habang magkayakap hanggang sa basagin iyon ni Weigan na basta na lamang sumulpot mula sa kung saang lupalop at bulabugin sila.

"Ang aga niyo namang maglandian. If you two wants to cuddle, go get a room. Hindi 'yong dito niyo pa ibinabalandra ang ka-sweetan niyo." Halos animo'y nandidiri nitong turan sa kanila ni Liam, na ikinatawa niya.

Bumitiw siya mula sa pagkakayakap kay Liam saka tiningnan si Weigan.

Pansin niya na hindi pa nag-iiba ang suot nitong damit mula pa kagabi. She's wondering where on Earth he could be the whole night?

"Inggit ka lang. Matulog ka na nga lang doon, Weigan. Umakyat ka na sa itaas bago ka pa makita nina Tito na hindi na naman dito nagpalipas ng gabi."

So, tama nga ang hinala niya. Hindi rito natulog si Weigan kagabi. Pero saan naman kaya? Saan ito nagpunta? Sabi pa naman nito, tutulungan nito si Angie sa pagbabantay kay Blue tapos missing in action naman pala ito.

"Yeah, yeah." Tamad nitong sagot saka sila tinalikuran pero wala pamg ilang segundo ay humarap ulit ito sa kanila ng nakakunot ang noo. "Teka... kayo na ba?" Nagkatinginan sila ni Liam doon saka sabay na tumango dito. The man gave them a frown.

BOSS Series 1: My boss, His daddyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن