BOSS • 12

98.5K 1.3K 7
                                    

Tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana si Alisson habang binabagtas nila ni Liam ang kahabaan ng South Luzon Expressway papunta sa hindi pa niya tukoy na lugar.

Sinabi nito kanina na mag-date raw sila para mas makilala niya pa ito hindi bilang kanyang boss. Noong una ay tumanggi siya dahil sa hiya pero hindi ito pumayag at sinabi pa sa kanya na hindi siya nito aalisin mula sa pagkakaupo sa kandungan hangga't hindi siya sumasagot ng oo.

Wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang mapa-oo dahil naabutan sila ni Angie sa ganoong posisyon ng pumasok ito para tingnan kung natutulog na si Blue. Nakatanggap pa tuloy sila ng panunudyo mula sa babae.

Makaraan ang halos kalahating-oras na byahe ay tumigil sila sa isang gasoline station na mayroong mga sikat na fastfood chains at iba pang kainan.

Nang makita niya na bumaba ito ng sasakyan ay dali-dali siyang nagtanggal ng seatbelt at sumunod dito. Para pa ngang nagulat ang lalaki ng makita siyang nakasunod na rito.

"Bakit bumaba ka pa? You should've stayed inside the car. It's hot out here." Lumapit ito sa kanya saka inayos ang bahagyang nagulo niyang buhok dahil sa hangin. Iniipit nito sa likod ng kanyang tenga ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha.

She smiled on that. "Okay lang. Samahan na kita. Bakit ka ba bumaba?"

The man slightly shrug his shoulders as he put his both hands inside his pocket.

Saglit niya itong tinitigan.

"May hihintayin lang tayo dito then after that we'll continue to our destination."

Napatangu-tango na lamang siya sa isinagot na iyon ni Liam sa kawalan ng maisasagot dito.

Tahimik siyang nagmamasid sa paligid at sa mga taong dumarating at umaalis sa lugar na iyon. She spotted some girls who she can say are really beautiful. Iyon tipong nagsusumigaw talaga sa ganda, mga makikinis, mapuputi at mga sexy na kababaihan.

Natatawa siya sa kanyang sarili dahil pasimple niyang sinusulyapan si Liam kapag may napapadaan sa tapat nila na magandang babae, pero sa tuwing may mangyayaring ganoon, ni wala man lamang itong karea-reaksyon na para bang walang dumaang kahanga-hanga sa harapan nito.

"Stop peeking, Alisson. What was it?" Hindi man ito nakangiti ng magtanong ito sa kanya niyon, alam niya na hindi ito iritable o galit sa ginagawa niyang pagsulyap dito.

Mabilis pa sa alas kwatro siyang umiling dito ng nakangiti saka nagbaling ng tingin sa kaliwa.

Pwede ba niyang sabihin na masaya siya kasi kahit na gaano pa kaganda ang rumampa sa harapan nito ay wala itong pakialam? Ibig sabihin ba niyon, mas gusto nito na siya lang ang tingnan? E kung subukan din kaya niyang lumakad sa harapan nito, titingnan kaya siya ng lalaki?

Malamang naman, Alisson. Kilala ka niyan e. She sighed on that thought.

Nagpaalam siya sa kasama na pupunta muna siya ng c.r ng makaramdam siya ng pagkaihi. Nag-insist pa nga ang huli na samahan siya pero tinanggihan niya ito sa pag-aalalang baka kapag dumating ang hinihintay nito ay wala ito roon.

Alam niya na tutol ito sa ideya na pumunta siyang mag-isa pero hinayaan na rin siya nito dahil na rin nga siguro sa hinihintay nitong kung sino.

Sakto namang kalalabas lamang niya ng pampublikong c.r ay ang paglapit ng isang babae sa kinatatayuan ni Liam.

Automatic na kumunot ang noo niya lalo pa ng makita ang paggalaw ng lalaki mula sa kinatatayuan na para bang handa nitong i-entertain ang lumapit. Halos mapigil niya ang paghinga ng makita ang pagtingkayad ng babae at ang pag-landing ng labi nito sa pisngi ni Liam.

BOSS Series 1: My boss, His daddyWhere stories live. Discover now