BOSS • 13

89.1K 1.2K 14
                                    

"Hey.."

Napatingin si Alisson sa katabing si Vanessa na ngayon ay kasama niyang nagpapahinga sa isang bench ng naturang theme park. Si Liam naman ay umalis sandali para bumili ng pagkain para sa kanila.

Halos kanina pa silang palakad-lakad at halos lahat na rin ng rides ay nasakyan na nila pero ni isa doon ay walang sinakyan si Liam. Nakasunod lamang talaga ito sa kanila sa buong oras. Sa palagay nga niya ay boring na boring na ito pero hindi naman nito magawang makapagreklamo. Somehow, she's feeling guilty on the fact na siya lamang ang nag-eenjoy sa 'date'raw nila, kuno.

"You know, William is so different now. Hindi siya ganyan dati."

Napukaw ang kanyang atensyon na makinig sa mga sasabihin pa ng babae na may kinalaman kay Liam. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para makilala niya ang boss sa mata ng ibang tao, sa mata ng mga kamag-anak nito at sa mata ng mga malalapit ditong tao.

"Never namin siyang napasama sa mga ganitong lugar. He usually doesn't like crowded and noisy places. Kaya nga na-surprised ako ng bigla na lang niyang sabihin na sasama siya sa gala namin ngayon." Natatawa pa nitong kwento na bahagya rin niyang ikinangiti. "At mas nakakagulat na isinama ka niya. Alam mo ba na sa dami ng naging fling niya at so-called girlfriends, ikaw pa lang talaga ang isinama niya. I mean, no offense meant ha? Hindi ka pa niya girlfriend but look at him, he's so proud to bring you anywhere and I think that's cute. My cousin really likes you."

Hinawakan nito ang pareho niyang kamay saka siya diretsong tinitigan sa mga mata.

"Don't doubt his feelings for you, Ali. Kilala ko ang pinsan ko. When he likes something-no scratch that! When he loves something, he takes it seriously. Kaya huwag kang matakot, ha? We both know na hindi mahirap magustuhan ang isang kagaya niya, so just go with the flow. Kapag alam mo sa sarili mo na gusto mo na rin siya, mahal mo na, huwag mo na siyang pakawalan. He's one heck of a guy, you know."

Vanessa sighed and let go of her hands. Siya naman ay napayuko na lamang sa kawalan ng masabi at maisagot dito.

Tama naman nga ito na hindi mahirap magustuhan si Liam pero problema rin iyon para sa kanya. Maraming mas higit sa kanya ang maaaring magkagusto rito at anong laban nya sa mga ito? Wala.

"But—" Muli siyang napaangat ng tingin ng magsalita na naman ito. "Kapag sinaktan ka niya, kapag pinaiyak ka at niloko, tell it to me. I'm gonna be there to back you up." Anito saka itinaasang braso habang nag-aaktong macho. She can't help but to giggle on that.

"Thank you, Vanessa."

Umiling-iling ito. "Nah. Don't mention it. I like you for my cousin."

Nasa byahe na sila pabalik pauwi ng untagin ni Liam ang pananahimik niya mula sa pagkakadungaw sa labas ng bintana.

She's silently appreciating the night lights vibe the city is giving off. Hindi niya maiwasang humanga sa mga nagkikislapang ilaw na kahit sa malayo ay natatanaw niya.

"You can sleep, Alisson. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo."

Umayos siya ng pagkakaupo saka humarap dito. She gave him a smile while shaking her head.

"Okay lang. Hindi naman ako inaantok, si—" Natigilan siya ng maalala ang nangyaring paghalik nito kanina nang tawagin niya itong sir. So she has no choice, huh? "L-liam." Napayuko siya roon.

Hindi pa talaga siya komportable na tawagin ito sa pangalan.

Napangisi naman ang lalaki dahil doon.

Mukhang wala na siyang ibang magagawa kundi ang tawagin ito sa pangalan. Baka kasi kapag sir siya ng sir dito, maya't-maya rin siya nitong halikan.

BOSS Series 1: My boss, His daddyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα