Chapter 8: A Moment With Him

Start from the beginning
                                    

"Ikaw ba ang anak ni Kuya Ricardo at Ate Leandra?" Tumango ako at malawak na ngumiti ang babae na sa tingin ko ay nasa mid 30s na.

"Sige pasok ka muna. Tamang-tama may maliit na handaan kami dito." Pumasok na ako. Nakita ko 'yung mga kabataan na kasama ni Unique kahapon. W-wait-- hindi naman siguro?

Lalo akong nabahala nang lumabas ang isang babae sa kwarto at napatingin sa akin. Ngumiti siya ng malapad at lumapit. Shit! Kailangan ko ng umalis dito.

"Anak ka ni Leandra, diba?" Tipid akong tumango at pilit na ngumiti. Kinakabahan na ako, huwag sana nila akong imbitahan na magstay.

Kagat-kagat ko ang upper lip ko at pinagpapawisan na. Iniwasan ko ang ilibot ang tingin baka kasi bigla ko siyang makita.

"Tara sa kusina, kumain ka muna." Napahinto ako at umiling. Kumunot naman ang noo niya.

"Salamat po sa imbita pero hindi na po. Pinapaabot lang po ito ni Papa." Inabot ko na ang dala kong basket at tinanggap naman niya ito.

"Naku pasabi sa magulang mo salamat," Ipinatong niya ito sa coffee table na nandoon at ngumiti sa akin. "Huwag ka ng mahiya iha. Masama naman kung tatanggihan mo ang grasya diba?" I heaved a deeo sigh at tumango saka pilit uling ngumiti.

Lumapad ang ngiti ni Tita at inakay ako papunta sa dining room. Doon ko nakita 'yung babaeng inakbayan ni Unique. Napatingin sila sa direction namin at bakit gano'n? Kanina ko pa hiniling na sana maging invisible ako! O kaya naman lupa kainin mo na lang ako!

"Oh! Ayan na pala ang birthday boy!" Napatingin sila sa likuran ko.

"Happy Birthday Unique!"

"Maligayang Kaarawan Insan!"

"Binata na si Nikkoi!"

Ilan lang 'yan sa narinig ko pero sapat na para kabahan ako. Lagi namang ganito. Kapag malapit siya kinakabahan ako, para bang nakasanayan ko na kahit ilang beses pa lang kaming nagkikita? Parang katulad nang dagat, ilang beses pa lang kami nagkikita pero parang connected na kami sa isa't-isa.

Hindi ko alam ang gagawin. Should I greet him a Happy Birthday or just smile and nod? Nawala ang lahat ng iniisip ko nang magsalita siya.

"Wow! Nag-effort pa talaga kayo." Sabi niya. Ramdam ko ang yabag ng paa niya.

Sana hindi nila mahalata. Sana hindi nila mahalata ang kaba na nararamdaman ko. Ang panic sa mukha ko at ang kagustuhan kong umalis sa lugar na ito.

"Ay oo nga pala!" Bigla akong nakaramdam ng kamay na humawak sa braso ko. "Iha, this is my son, Unique."

Napilitan akong tumingin sa kaniya. He's staring  at me seriously. I remember our first encounter. Ganito din ang mga mata niya sa akin. Malamig at nakakakilabot.

"Hi! Happy Birthday!" Pilit kong binuhayan ang pagkakasabi noon. Tumango naman siya sa akin at bumaling na sa mga kasamahan niya.

Sumulyap ako kay Tita na nasa tabi ko pa rin.

"Uhm... Uuwi na po ako, bigla po kasi akong nakaramdam ng hilo." Palusot ko. Nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. Sorry for lying, gusto ko lang talagang umuwi na.

"Ganon ba? Sayang naman. Sige, magpahinga ka na lang iha at pakisabi na rin sa magulang mo salamat sa mga prutas ha." Tumango ako at aalis na sana kaso pinigilan niya ako.

"Wait lang, baka bigla ka na lang mahimatay sa daan," Tinawag ni Tita ang kaniyang anak kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Unique, samahan mo naman siya pauwi sa kanila. Nahihilo na daw e baka mahimatay sa daan." Napakagat ako ng labi bago sumingit.

"Huwag na po. Kaya ko na naman po," Umiling si Tita at tinulak si Unique papalapit sa akin.

"Ihatid mo na si-- ano nga palang pangalan mo iha?" Napangiti ako at nagpakilala. "Oh, ihatid mo na si Adrienne ha. Ingat kayo!"

Napailing ako dahil parang ang layo nang bahay nila sa amin. Pagkatalikod ko ay saka ko naalala na ihahatid nga pala ako ni Unique. Sinulyapan ko siya gamit ang gilid ng mata ko. Seryoso lang siya habang naglalakad at ang dalawang kamay ay nakapamulsa.

Nang makalabas ako sa bahay nila ay humarap ako sa kaniya. Napatingin ako sa kaniyang mata. May suot siya na salamin ngayon pero kahit gano'n ramdam ko pa rin ang lamig ng tingin niya.

"Maraming salamat, hindi mo na ako kailangan pang ihatid." Napatango siya at napasulyap sa bahay namin. Napatingin siya sa akin dahil hindi pa ako naalis. "Uh... Happy birthday nga pala."

Ngumiti ito ng tipid at napakamot sa batok niya. Natulala na lang ako sa kaniyang ginawa pero napaiwas din.

"Yeah. Happy 19th Birthday to me." Tumango ako at nagpaalam na saka mabilis na naglakad papunta sa amin.

Papasok na sana ako kaso napasulyap ako sa bahay nila Unique at natagpuan ko siya na nakabantay ang tingin sa akin. Ngumiti ako at nagwave ng kamay. Tumango lang ito kaya pumasok na ako at agad tumakbo sa aking kwarto.

Darn! Tigilan mo ang pagngiti mo Adrienne!

***

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now