Namilog ang mga mata ni Yael. "Hindi man lang ba ako nag-improve?"

Pilit pinanatiling blangko ni Jackie ang ekspresyon niya. "Walang nakakatawa."

Ganoon na lang ang gulat ni Jackie nang pumitik si Yael. "That's exactly my point, Jac. Walang nakakatawa. Kaya kailangang pag-usapan natin 'to."

Hindi inaasahan ni Jackie na sasabihin ni Yael iyon kaya hindi siya kaagad nakasagot. In all honestly and fairness, Yael looked really serious. Wala na itong kangiti-ngiti.

"Paano kung mabuntis ka?" Halos pabulong na tanong nito.

Pasimpleng luminga-linga si Jackie. Nang wala siyang makita sa paligid ay humugot siya ng malalim na hininga.

"Don't worry," mahinang wika ni Jackie. "I'm on the pill."

Kumunot ang noo ni Yael. "Contraceptives?"

Tumango si Jackie. "Para ma-regulate ang hormones ko. Para ma-normalize 'yong-" hindi niya itinuloy ang sasabihin niya dahil nakita niyang ngumiti si Yael. Kung bakit ba naman kasi hindi niya napigilan ang sarili niyang mag-explain. Na para bang gusto niyang ipaalam kay Yael na may ibang rason kung bakit siya nagpi-pills at iyon ay hindi dahil sexually active siya. "Forget it, hindi ka naman interesado do'n. Sigurado naman ako na ang concern mo lang ay 'yong ayaw mong makabuntis ng babaeng hindi mo gusto."

"Saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan?"

Umiling si Jackie. Hindi niya kailangang sagutin iyon. "Wala kang obligasyon sa akin, Yael."

"Hindi mo naman siguro maiaalis sa 'kin na mag-alala."

Napipikit si Jackie. Ano'ng akala nito sa kanya? Nasagasaan ng motorsiklo nito na kailangang kumustahin nito? Pakiramdam niya ay lalong bumigat ang loob niya sa sinabi nitong iyon.

Tumikhim si Yael. "Hindi ako maga-apologize na nangyari 'yong mga 'yon-"

Sinapo ni Jackie ang noo niya. "Could you please stop referring to what happened as plural?" Kung nananadya si Yael ay hindi siya sigurado.

Kinamot ni Yael ang kilay nito. "Okay," anito. "As I was saying, hindi ako maga-apologize. What happened the other night was good. In fact, it was great. It was-"

"It was a mistake, Yael. Hindi dapat nangyari," agaw ni Jackie bago pa kung ano ang masabi nito. Hindi naman niya mapapasubalian ang sinabi ni Yael pero hindi na nito kailangang banggitin iyon. "Mas makakabuti kung kalimutan na lang natin."

"Kaya ba nakipag-date ka na lang kay Isaac? Para makalimutan mo?"

Itinukod ni Jackie ang isang kamay niya sa lamesa bago ipinatong ang isa sa baywang niya. "Ano'ng kinalaman ni Isaac sa usapan?"

Tiningala siya ni Yael. Humalukipkip ito. "You tell me," maiksing wika nito.

Kung hindi alam ni Jackie ang totoo, iisipin na niyang nagseselos si Yael. Pero imposible iyon. Iba ang gusto ni Yael. At naiinis si Jackie na kailangan niyang ulit-ulitin sa sarili niya na second choice lang siya. "Wala akong dapat ipaliwanag sa 'yo."

Nagkibit si Yael ng balikat. "Okay," anito. Humigop sa kape.

Napapikit si Jackie. Hayun na naman ang "okay" ni Yael. She was now beginning to hate that word. Para kasing kapag isinasagot iyon ni Yael sa kanya ay sinasabi nitong wala itong pakialam sa kanya. Na puwede niyang gawin ang gusto niya. That she meant nothing to him.

"So, kailan ka naman makikipag-dinner sa 'kin?"

Ikinagulat ni Jackie ang narinig. "At bakit ko gagawin 'yon?"

Because Almost is Never Enoughजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें